You are on page 1of 14

HETEROGENEOUS

NA WIKA
Ulat ni:

JOHNREY DELACERNA
11 - Wisdom
Heterogeneous na Wika –
nangangahulugang wika mula sa iba-
ibang lugar, grupo, at / o
pangangailangan ng paggamit nito.
Nagkakaroon ng maraming variation o
baryasyon ang wika.
Ang naging batayan ng mga linggwistiko para
magkaroon ng heterogeneous na wika ay ang mga
masususing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa
sosyolohikal at linggwistika.
Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa
pakikipag-ugnayan sa pang-araw-araw na buhay.

Isa ang bansa nating Pilipinas sa may pinakamaraming


wika sa buong daigdig. Halos nasa 175 ang wika ng ating
bansa. Ang apat dito sa mga wikang ito ay hindi na halos
ginagamit o hindi na talaga ginagamit samantalang ang
mga natirang 171 naman ay tinatayang hindi pa lumilipas
at kasalukuyan pa rin nating ginagamit.
Ang naging batayan ng mga linggwistiko upang
magkaroon ng heterogeneous na wika ay ang mga
masususing pananaliksik at pag-aaral sa sosyolohikal at
linggwistika ng mga tao na nabuo bilang sosyolinggwistik.

Mula sa salitang “heterous” o magkaiba at “genos” o uri


at / o lahi ang salitang heterogeneous. Ang nabuong
salita ay pang-uri.
Nagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa
pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at maging ng
mga grupo ng mga tao na naaayon sa kanilang
ginagalawan, lipunan, pamumuhay, edad, antas
ng edukasyon, at mga interes.
Ang kahalagahan ng heterogeneous na wika ay dahil
nagiging pangtukoy ito sa mga uri o klase ng wika na
karaniwan nang ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa
pang-araw-araw na buhay.

Bawat rehiyon o lugar ay may partikular o payak na


dayalektong ginagamit. Maihahanay na rin natin sa
Heterogenous ang mga salitang hindi pormal at ang mga
naimbento na salita ng iba’t ibang grupo sa ating lipunan
o komunidad.
Sa katotohanan, ito ay mga salitang ginagamit sa iba’t
ibang pamamaraan at iba’t ibang istilo ngunit ang
kahulugan ay iisa rin lang.

May mga salitang nabuo lamang sa mga kalye o


‘yung mga salitang pabalbal kung tawagin na uri ng
mga salita (halimabawa: mga gay lingo)
Mga halimbawa ng heterogeneous na wika:

• Heneral - Militar o kaya naman ay pangkalahatan


• Aso – Hayop na mammalian
• Bakod - Parte ng bahay bilang harang sa labas o pasukan ng
haligi
IKA NGA
MGA TANONG:
1. Anong kalikasan ng wika ang tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika
bunga ng paggamit ng iba't bang indibidwal at pangkat na may
magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes, edukasyon?

HETEROGENEOUS
2. Mula sa salitang “heterous” at “genos” na ang ibig sabihin ay _________.

MAGKAIBA AT URI
3. Ano ang naging batayan ng mga linggwistiko upang magkaroon ng
heterogeneous na wika ?
masususing pananaliksik at pag-aaral sa sosyolohikal at linggwistika ng mga
tao na nabuo bilang sosyolinggwistik.

You might also like