You are on page 1of 30

SAYUSAY

MGA SIMULAIN NG MABISANG


PAGPAPAHAYAG
KLASIKONG DEPINISYON

Sa Gresya naganap ang pinakamalaking


pag-unlad at dito kinilala ang mabisang
pagpapahayag bilang retorika.
KLASIKONG DEPINISYON

Mula ito sa salitang Griyego na


“rhetorikos”
na ang ibig sabihin ay

“pagpapahayag pagmadla”
KLASIKONG DEPINISYON

Rhetor ang tawag sa mga orador o


isang mamamayang sa tuwina
aybumibigkas sa mga hukuman o
pagtitipong pampulitika.
KLASIKONG DEPINISYON

Ang mga Sophist ang nagsilang ng


sining ng mabisang pagpapahayag sa
Gresya.
KLASIKONG DEPINISYON

Para sa kanila, ang retorika ay ang


mapanghikayat na pagbigkas sa mga
publikong pagtitipon at hukuman.
KLASIKONG DEPINISYON

Si Isocrates ay isang attic orator na


ginagamit ang pagsulat bilang paraan
ng pagtuturo ng mabisang
pagpapahayag.
KLASIKONG DEPINISYON

Para kay Isocrates, ang kakayahan isang


tao na makapagsalita nang mahusay ay
kasinghalaga ng pagkakaroon nito ng
mabuting reputasyon.
KLASIKONG DEPINISYON

Ayon naman kay Plato, ang retorika ay


ang sining ng paghikayat na
katuwang ng diyalektika.
KLASIKONG DEPINISYON

Ang diyalektika ay ang proseso ng


pag-abot sa katotohanan sa
pamamagitan ng pagsusuri sa
magkakataliwas na argumentong
sangkot.
KLASIKONG DEPINISYON

Para naman kay Aristotle, ang


retorika ay ang “kakayahan ng isip na
mabakas ang mga pamamaraan sa
paghikayat na ginamit sa isang
sitwasyon.”
KLASIKONG DEPINISYON
Mahalaga ang personal na katangian ng
tagapagsalita (ethos); ang paraan ng
paglalagay sa mga tagapakinig sa isang
tiyak na paraan ng pag-iisip (pathos); at
ang mga patunay o ebidensyang nilalaman
ng pananalitang binigkas (logos).
KLASIKONG DEPINISYON
Para naman kay Cicero, ang retorika ay
isang “sangay ng agham pampolitika na
nangangasiwa sa kahusayan ng
pagsasalita alinsunod sa mga
tuntunin ng sining.”
KLASIKONG DEPINISYON

Binigyang-depinisyon naman ni
Quintilian ang retorika bilang
“sining ng mahusay na pagbigkas.” Siya
ang nagbigay ng limang kanon ng
retorika.
MGA KANON NG RETORIKA

Inventio (imbensyon)
Dispositio (disposisyon)
Elocutio (ekspresyon)
Memoria (pagsasaulo)
Actio/ Pronuntiatio (pagbigkas)
KONTEMPORARYONG
DEPINISYON

Ang retorika ay ang sining ng


pangangatwiran na ang
pangunahing layunin ay ipunla o
palakasin ang pagkilala ng awdyens
sa argumentong inihahain sa kanila.
PERELMAN 1979
KONTEMPORARYONG
DEPINISYON

Ang retorika ay ang paggamit ng


mga salita ng isang tao upang
lumikha ng atityud o magbunga ng
pagkilos sa ibang kasapi ng
lipunan.
BURKE 1979
KONTEMPORARYONG
DEPINISYON

Ang retorika ay ang pag-aaral ng


mga di-agkakasunduan at ng mga
lunas ng mga ito.
RICHARDS 2001
KONTEMPORARYONG
DEPINISYON

Ang retorika ay nakatuon sa


malinaw, mabisa, maganda at
kasiya-siyang pagpapahayag.
BELVEZ 2001
DALAWANG SANGKAP SA
RETORIKA

Nakatuon ang mga depinisyon ng mga


eksperto sa estetika o kasiningan ng
pananalita o panulat na ginamit at ng
bisa o ang kakayahan ng pahayag na
makahikayat., makapagpabago ng
paninindigan o makapagpakilos ng
tagapakinig.
MGA ELEMENTO NG
MABISANG PAGPAPAHAYAG

1. Kaayusan ng mga bahagi


A. Paglalahad ng Kaso
B. Pagpapatunay nito
MGA ELEMENTO NG
MABISANG PAGPAPAHAYAG

2. Estilo
a. kawastuan
b. kalinawan
c. kaangkupan
d. pagpapalamuti
MGA ELEMENTO NG
MABISANG PAGPAPAHAYAG

3. Pinagsasaluhang Kaalaman ng
tagapagsalita (o manunulat) at ng
kanyang awdyens.
MGA ELEMENTO NG
MABISANG PAGPAPAHAYAG

4. Paghahatid ng Mensahe
Ang deliberi ang pinakamariing pwersa
sapagkat may kakayahan itong bihagin
ang awdyens. (Aristotle)
MGA KATANGIAN NG
MABISANG PAGPAPAHAYAG

1. Kasiningan
2. Kapangyarihang Magbigay-lugod
3. Pagkukunwari o Pagmamalabis sa
Paggamit ng wika
4. Kasiningan sa Prosa at Panulaan
5. Kaangkupan ng Wika sa Pagpapahayag
MGA KATANGIAN NG
MABISANG PAGPAPAHAYAG

1. Kasiningan
2. Kapangyarihang Magbigay-lugod
3. Pagkukunwari o Pagmamalabis sa
Paggamit ng wika
4. Kasiningan sa Prosa at Panulaan
5. Kaangkupan ng Wika sa Pagpapahayag
ANG MGA DAPAT TAGLAYIN
NG ISANG PAHAYAG
1. EXORDIUM o ang panimula na pupukaw
sa atensyon ng tagapakinig at
magpapakilala sa kaso;
2. NARRATIO o ang aktwal na paglalatag at
pagpapaliwanag ng kaso;
ANG MGA DAPAT TAGLAYIN
NG ISANG PAHAYAG
3. DIVISIO o ang pagkakahanay ng mga
tiyak na argumentong ilalahad upang
isulong ang paninindigan;
4. CONFIRMATIO o ang paglalahad ng mga
patunay na lalong magpapatibay sa kaso o
argumento;
ANG MGA DAPAT TAGLAYIN
NG ISANG PAHAYAG
5. CONFUTATIO o ang pagsira na agad sa
mga posibleng argumentong bibigkasin na
katalo;
6. PERORATIO o ang paglalagom sa
talumpating binigkas
Lektyur na hinango mula sa aklat nina:

Batnag, A., Fortunato, T. at Reyes,


A.R. (2011). SAYUSAY: Sining ng
Mabisang Pagpapahayag. Mla: C & E
Publishing, Inc.

You might also like