You are on page 1of 14

ARALIN 2

Talasalitaan

1. Naidlip – Nakatulog
2. Nalililo – Naloloko
3. Matarok – Malaman
4. Gunam- gunam – Pag-aalala
5. Buto’t balat – Payat na payat
Ang kaharian ng Berbanya ay
lalo pang umunlad at tumibay.
Walang gulong nangyayari, payapa
at masayang namumuhay ang mga
tao. Makikita rin ang mga ibong
malayang lumilipad. Ang buong
palasyo ay puno ng tawanan dahil sa
saya ng mga tao.
Dahil sa labis na
pag-aalala ng hari sa
kanyang pinakamamahal
na anak siya ay
nagkasakit. Ang palasyo
ay nabalot ng
kalungkutan dahil sa
sinapit ng hari. Buto’t
balat at matamlay na hari
ang madadatnan ng mga
manggagamot. Wala ni
isa man ang nakaalam ng
sakit ni Don Fernando.
Matapos ang kasiyahan, ng
gabing iyon, si Haring Fernando ay
sandaling umidlip sa kanyang
pagkakahiga. At isang panaginip
ang kanyang nasaksihan. Tungkol
sa bunso niyang anak na si Don
Juan na binugbog ng dalawang
tampalasan at inihulog sa balon
matapos paslangin.
Pati ang reyna at ang mga anak ay di
maiwasang mag-aalala.
Sa kalooban ng Diyos, may isang
manggagamot ang nakaalam kung anong
lunas ang makakapagpagaling sa mahal
na hari. “Mahal na Hari ang inyo pong
sakit ay may mabisang kagamutan. May
isang ibong maganda,ang pangalan ay
Adarna at kapag narinig mo itong
kumanta ang iyong sakit ay giginhawa.”
Ayon sa manggagamot ang
awit ng ibong Adarna lang ang
tanging makakapagpagaling sa
sakit na dinadala ng hari. Ang
ibong Adarna ay matatagpuan
sa Tabor na kabundukan sa
puno ng Piedras Platas.
Aral:
Ihandog ninyo ang inyong
sarili sa Diyos at mga bahagi
ng inyong katawan bilang
kasangkapan ng pagiging
matuwid tungo sa Diyos.
Roma 6:13
Maikling Pagsusulit
1. Ano ang nangyari kay haring Fernando?

2. Bakit nagkasakit ang mahal na hari?


Tungkol saan ang kanyang panaginip?

3. Ano ang ginawa ng mga tampalasan kay


Don Juan?
4. Kung ikaw ang hari ano ang iyong
mararamdaman?

5. Ano ang lunas sa sakit ni Haring


Fernando? Saan ito matatagpuan?
MARAMING
SALAMAT SA
INYONG
PAKIKINIG!!!
-Erlyn Anne O. Castillo

You might also like