You are on page 1of 10

ELASTISIDAD

Sa pagbuklat mo ng aralin na ito….iyong..

 mabibigyang kahulugan
ang konsepto ng
elastisidad ng demand
 mauunawaan ang iba’t
ibang uri ng elastisidad
ng mga mamimili
 malalaman kung paano
magkompyut ng
elastisidad ng demand…..

…. HANDA KA
NA BA???????????
….. LET’S GO……
ELASTISIDAD NG DEMAND
Ano yun???
TUMAAS ANG PRESYO NG MGA
BILIHIN…ANO ANG GAGAWIN KO?
Naniniwala ka ba?......na kapag may pagtaas o pagbaba sa presyo ng bilihin
nagbabago ang demand ng mga mamimili?
…maniwala ka dahil totoo …. AT……

….Ang pagsukat ng porsyento ng pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo ay


tinatawag na ELASTISIDAD…..
…….sa madaling sabi ang elastisidad ay nakukuha sa pamamagitan ng kompyutasyon……
TAMA… kailangan mo ng calculator

….ang mga datos na kailangan upang makompyut ang elastisidad ng demand ay……
UNA…….
Ang pormula…..
Q2-Q1
Q1+Q2
Es= 2___
P2-P1
P1+P2
2
…..PANGALAWA….
Ang datos
….HALIMBAWA…

 Q1= 500, kilo ng asukal


 P1 =15/kilo
 Q2= 450
 P2= 22
Ihahalili ang mga datos sa pormula
450-500 - 50
500+450 950 -50 50 18.5
Es= ___2____ Es= 2 Es= 475 Es= 475 X 7
22-15 7 7
15+22 37 18.5
2 2
= -925
ang negative sign ay binabalewala dahil 3325
laging absolute value ang elastisidad
= -0.28 o
.28
Kapag ang nakuha sa kompyutasyon ay mababa sa one ang elastisidad ay
masasabing di-elastik na ang ibig sabihin ang mga mamimili ay di masyadong
natitinag sa anumang pagbabago ng presyo dahil ang produkto ay kailangan o
kailangang - kailangan

….. subalit… datapwat… kapag ang nakuha sa kompyutasyon ay


higit sa isa…ito ay tinatawag na elastik ang elastisidad ng
demand ang mga mamimili ay natitinag o sensitibo ang mga
mamimili sa pagbabago ng presyo… nangyayari ito kapag ang mga
mamimili ay kaagad nakakukuha o nakabibili ng mga kapalit na
produkto o nakapagpapaliban ang pagkosumo habang mataas pa
ang presyo… gets mo ba???

TANONG…. e… kung ang makuha sa kompyutasyon ay katumbas ng


isa….ano ang tawag sa elastisidad? dyarrannn ……. Ang tawag ay
unitary… ibig sabihin sa bawat pagtaas ng presyo may katumbas na
pagtaas ng demand….
Halika… subukan mo ngang kompyutin ang elastisidad ng mga
sumusunod….ipakita mong me galing ka at kaya mo….dare???

 Kompyutin ang elastisidad at kilalanin ang uri nito…


 Q1 = 50 piraso ng mangga
 P1 = 8
 Q2 = 20 piraso ng mangga
 P2 = 12
o..simulan mo na…
…at siyempre di pa tayo tapos dahil sasagutan mo ang mga sumusunod…
1. Anong uri ng elastisidad ang nakuha?
2. Ilan ang diperansya ng Q2 sa Q1?
3. Ilan ang kabuuan ng P1 at P2?
4. Ilan ang elastisidad na nakuha?
5. Ano ang pormula sa pagkuha ng elastisidad ng demand?
……madali lang ba? Sabi ko sa yo… kaya mo e dahil basta ginusto magagawa… di ba?
GUSTO MO PA???
 Panghuli na ito… para mas lalo kang humusay…
…. Kung may datos na Q1 = 5, P1 = 2, Q2 = 2 at P2 = 8, ano ang
gagawing pagtugon ng mamimili? Bakit ?

ISA PA…. Promise last… na talaga ito….

Alamin kung anong produkto ang may elastik, di-elastik at unitary…


iulat ang resulta….

Sige nga…. sagutan mo ang mga ito…


1. Ano ang inilalarawan ng elastisidad?
2. Saan nakasalalay ang pagtugon ng mga maimili sa pagbili ng mga
produkto?
3. Malaki ba ang impluwensya ng presyo sa pagbili natin ng mga produkto?
*TANDAAN*
ang pagtugon ng mga maimili sa bawat porsyento sa pagtaas ng presyo ay
hindi pare-pareho. Ang ELASTISIDAD ang sumusukat sa porsyento ng
pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo

Kala mo tapos na no?.........Para lalo kang tumalas ang mga sumusunod ay


iyong sagutan…
1. Elastisidad na may value na mababa sa one.
2. Ang pagtugon ng mga mamimili sa mga produktong maraming pamalit
3. Sa pagsukat ng elastisidad ng demand, pinaghahambing ang porsyento ng
pagababgo sa __________at ang __________
4. Masasabing ang konsyumer ay _____________ sa pagbabago ng presyo
Eto pa ….. Last na last na talaga…
Tantyahin kung elastiko o di- elastiko ang mga sumusunod na produkto.
Ibigay ang naging batayan ng pagtantya.
1. bigas- ___________ 3. karayom- __________ 5. litson- _______
2. hikaw- __________ 4. celfon- ___________
Ang galing !!!!...kaya mo.. naman pala e…. Sige hanggang sa
susunod…at kung gusto mo pang matuto maari mong buklatin ang
aralin sa mga sumusunod na aklat….

 PANAPANAHON IV ni Consuelo Imperial et al …..pp.. 179- 182


 EKONOMIKS ni Evelyn M. Viloria et al ….. pp.169 -173
 EKONOMIKS NGAYON Pinagaan at Pinaunlad (Binagong Edisyon) ni
Josefina Baggay Macarubbo pp…68-72

………….MAG-ARAL MABUTI… ANG KARUNUNGAN


PINAGHIRAPAN AY KARUNUNGANG MAAASAHAN…….

You might also like