You are on page 1of 8

Ang Banghay

MGA BAHAGI
AT MGA
ELEMENTO
NITO
BANGHAY
 Tumutukoy ito sa maayos at malinaw na
pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay
na pangyayari sa akda o paksa.

 Inilalahad dito ang maayos na pagsasalaysay ng


mga pangyayari tulad ng ano ang mga
pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan
ng mga pangyayaring ito sa binasang akda.
MGA BAHAGI NG BANGHAY

1. SIMULA
Dito pa lamang ay mababanggit na ang kilos,
paglinang sa pagkatao, mga hadlang o suliranin.
2. GITNA
Naglalaman ito ng mga maayos, sunod-sunod at
magkakaugnay na mga pangyayari.
3. WAKAS
Dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.
MGA ELEMENTO NG BANGHAY

1. PANIMULANG PANGYAYARI

Sa bahaging ito ipinakilala sa mga mambabasa


ang mga tauhan at tagpuan.

Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat na


makapukaw sa interes ng mga mambabasa na
ipagpatuloy ang pagbabasa ng akda o paksa.
MGA ELEMENTO NG BANGHAY

2. PATAAS NA AKSYON

Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang


galaw o kilos ng mga tauhan na humahantong
sa sukdulan.
Nahahati ito sa saglit na kasiglahan at
tunggalian na may suliraning lulunasan o
lulutasin ng tauhan.
MGA ELEMENTO NG BANGHAY

3. KASUKDULAN
Dito sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi
ng kapanabikan na sanhi ng madamdamin o
maaksyong pangyayari sa buhay ng mga tauhan.

4. PABABANG AKSYON
Ipinakikita sa bahaging ito ang unti-unting
pagbibigay-linaw sa mga pangyayari sa akda. Dito
inihuhudyat ang pababang aksyon na nabibigay-daan
sa nalalapit na katapusan ng akda.
MGA ELEMENTO NG BANGHAY

WAKAS
Ang kinahinatnan ng mga tauhan at ng mga
pangyayari sa akda ay inilalahad dito.
HOME WORK

1. Pumili ng isang akda o paksa sa Silid-Aklatan.

2. Isulat ito sa isang buong papel (Intermediate Pad)

3. Tukuyin ang Elemento ng Banghay sa napiling akda


o paksa.

(Araw ng Pasahan: Hulyo 20, 2018)

You might also like