You are on page 1of 1

Ang Banghay, Ang Mga Bahagi at Elemento Nito

BANGHAY- Tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng


mga magkakaugnay na pangyayari sa paksa.Inilalahad dito ang maayos na
pagsasalaysay ng mga pangyayari tulad ng ano ang mga pangyayari at ano ang
kaugnayan at kahulugan ng mg pangyayaring ito sa binasang akda.

MGA BAHAGI
A. SIMULA– Dito palamang ay mababangit na ang kilos, paglinang sa tao, mga
hadlang o suliranin.
B. GITNA – Naglalamn ito ng mga kawi-kawing maayos, sunod-sunod, at
magkakaugnay na mga pangyayari.
C. WAKAS–Dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.

MGA ELEMENTO
A.PANIMULANG PANGYAYARI
Sa bahaging ito pininakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at tagpuan.
Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat na mapukaw sa interes ng mga
mambabasa na ipagpapatuloy ang pagbabasa ng akda.

B.PATAAS NA AKSYON
Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan na
humahantong sa sukdulan.Nahahati ito sa saglit na kasiglahan at tunggalian na may
suliraning lulunasan o lulutasin ng tauhan.

C.KASUKDULAN
Dito sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng
damdamin o maaksyong pangyayari sa buhay ng mga tauhan.

D.PABABANG AKSYON
Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari
sa akda.Dito inihuhudyat ang pababang aksyon na nagbibigay-daan sa nalalapit na
katapusan ng akda.

E.WAKAS AT KATAPUSAN
Ang kinahihinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa akda ay inilalahad
nito.

You might also like