You are on page 1of 9

Mga Ekspresyon

Naghahayag n
Posibilidad
• Ano ba ang ibig sabihin
ng posibilidad?
• Paano ang nararapat na
pagpapahayag nito?

May iba’t ibang pahayag na ginagamit


sa araw-araw na pakikipag-usap sa
ibang tao.
Ang mga pahayag na ito ay mahalaga
sa pagpapahayag ng ideya,
saloobin, o opinyon tungkol sa
isang tao, bagay, o pangyayari.
Ang posibilidad ay isang pahayag
na naglalahad ng isang pangyayaring
maaaring mangyari o magkatotoo ngunit
Walang katiyakan o kasiguruhan.
Gumagamit ng mga ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad kung
ang taong nagpapahayag ay
nagbabakasakali pa o hindi pa nakatitiya
sa katotohanan ng kaniyang ideya
o saloobin. Karaniwan ding nagpapakita
ng ugnayang sanhi at bunga ng mga
pangyayari ang mga ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad.
Mayroong iba't ibang ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad
tulad ng:

•baka,
•maaari,
•marahil,
•tila,
•kung,
•kapag,
•sakali, at
•siguro.
MGA EKSPRESYONG MAY POSIBILIDAD
NA MAGING BUNGA O EPEKTO

Ang mga pang-ugnay na baka, maaari,


marahil, at tila ay mga ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad na maging
bunga ng isang gawain o pangyayari.
Halimbawa:
•Magbabasa ako ng mga aralin
mamayang gabi, baka tumaas na ang
aking marka sa mga asignatura.
•Masipag at matiyaga si Ronald sa
trabaho kaya maaari siyang ma-
promote sa loob ng isang taon.
•Mahilig magbasa ng mga aklat tungkol
sa astronomiya si Andres
kaya marahil ay magiging mahusay
siyang astronomer balang araw.
MGA EKSPRESYONG MAAARING
MAGING SANHI O DAHILAN PARA
MAGKATOTOO ANG POSIBILIDAD

Ang mga pang-ugnay na sakali,


siguro, kung, at kapag naman ay
nagpapahayag na maaaring maging
sanhi para magkatotoo ang
isang posibilidad.
Halimbawa:

•Pupunta ako sa salo-salo sakaling


maagang matapos ang aming klase.
•Makatitipid ako siguro kung
bibili lamang ng mga bagay na
talagang kailangan.
•Makatatapos ako ng pag-aaral
kung mag-aaral ako nang mabuti.
Bibili ako ng bagong sapatos
kapag nakuha ko na ang
una kong suweldo.
Maraming Salamat
Sa
Pakikinig

Rowelyn C. Sayuno
Guro sa Filipino 7

You might also like