You are on page 1of 7

Mga Salitang Hudyat sa

Pagkakasunod-sunod
ng mga Pangyayari
Sa maraming pagkakataon, tayo ay
nagbibigay ng mga pagkakasunod-sunod
ng mga bagay, pangyayari, panuto at iba
pa. Mahalaga kung gayon na alam natin
ang mga salita, kataga o pahayag na
nagpapakita ng wastong pagkakasunod-
sunod para magamit natin ayon sa
pangangailangan.
Kapag ang pinagsusunod-sunod ay mga
pangngalan, gumamit ng mga pang-uring
pamilang na panunuran o ordinal. Ang
mga bilang na ito ay makapagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga tao, bagay,
hayop, lugar at gawain.
Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si
Mario, at pangatlo si Ana.
Kapag ang pinagsusunod-sunod ay
proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang
bagay tulad ng sa pagluluto, paglalaba,
pagkukumpuni ng sasakyan, o paggawa ng
iba’t ibang bagay, o iyong mga tinatawag na
tekstong prosidyural, makatutulong ang
paggamit ng sumusunod:
 Mga salitang nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod tulad ng una,
kasunod, panghuli at iba pa.
 Paggamit ng mga salitang hakbang +
pang-uring pamilang o ang salitang step +
pang-uring pamilang.
Halimbawa: STEP 1, STEP 2, STEP 3
Unang hakbang, Ikalawang hakbang,
Ikatlong hakbang
Kapag naman pangyayari sa kuwento ang
pinagsusunod-sunod, madalas ay hindi na
ginagamitan ng mga salitang nagpapakita
ng pagkakasunod-sunod o time sequence
subalit mahalagang nabasa at naunawaang
mabuti ang kuwento sapagkat mga
pangyayari lang ang ilalahad na kailangang
ayusin ayon sa kung paano naganap sa
 binasa.
Basahin natin ang “ANIM NA SABADO
NG BEYBLADE” upang mas
maunawaan pa natin ang
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o time sequence.

You might also like