You are on page 1of 10

A RA L I N 6 :

PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN


INIHANDA NI JAZZIE OLIVERA AT VENCENT CORTES NG IKATLONG GRUPO
TA LATA

 Binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay.


 Binubuo din ng Pangunahing Paksa (PP) at Pangtulong na Detalye (PD)
PA N G U NA H I N G KA I S I PA N

 Main idea
 Sentro o pangunahing tema sa talata
 Kadalasan ay makikita sa pangunahing pangungusap (imply) at huling pangungusap (konkusyon)
HA L I M BAWA :

 Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema. Ang aking asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako
ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga sport pero
ayaw ko naman ng mga iyon.
P A NT U L O N G N A D ET A LY E

 Supporting details/ information


 mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap
HA L I M BAWA :

 Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan. Baka sa loob nyan ay may matatalim at kalawanging
bakal. Baka may mousetrap dyan at bigla ka na lang maipit. O baka makagat ka ng malaking gagamba dyan.
GAWA I N # 1 :

1. Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Filipino ay ang salitang “nabansot.” Kapag ang isang bagay
raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw
uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng
diwa.
GAWA I N # 1 :

2. Panahon pa lang ng mga disipulo ni Kristo uso na ang panununog ng libro. Hanggang sa mga sandaling ‘to
paborito pa ring libangan ng ilang makapangyarihan sa mundo ang pagsunog sa mga sulating sumasalungat
sa paniniwala nila, pulitikal man o panrelihiyon. Pero para sa akin, napakasagradong bagay ng mga libro para
sirain.
GAWA I N # 1 :

At noon na-realize ni Lucas, tapos na siya kay Bessie. At tapos na rin siya sa kanyang mga kuwento. Pag-
uwi niya ay buburahin niya ang file at wala nang makababasa ng mga iyon. Dahil hindi mo maaaring mahalin
ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala.
Kapag nagmahal ka, dapat tanggapin mo ang bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na roon ang
libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinigay sa mga tao upang lumigaya, o masaktan,
o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga
kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.
GAWA I N # 2 :

 Sa isang kalahating papel, sumulat ng isang (1) talata tungkol sa iyong hindi makakalimutang karanasan sa buhay. Ang
talata ay kailangang magtaglay ng pito (7) hanggang sampung (10) pangungusap. Bilugan ang pangunahing paksa at
salungguhitan naman ang mga pantulong na detalye.

You might also like