You are on page 1of 102

MGA

KUWENTO SA
YUNIT IV
ANG SIKRETONG
REKADO NI
GRACE D. CHONG
“ Talaga, ‘Tay, ako na po
ang magluluto para sa atin?”
tanong ni Teo.
“ T-talaga, anak, “
mahinang sagot ni Tatay
Ador. Halos hindi siya
makapagsalita dahil sa kirot
ng kanyang paa.
“K-kasi hindi naman
ako pwedeng magluto at m-
mahiga nang sabay,” pilit
niyang pagpapatawa kay
Teo.
Natigilan si Teo – hindi niya
alam kung matutuwa siya o
malulungkot. Dapat siyang
matuwa dahil, sa wakas,
pinapayagan na siya ng tatay
niya na magluto – nang
mag-isa niya! Pero
nalulungkot siya dahil ngayon
lamang niya nakitang
nanghihina ang tatay niya.
Nakagisnan na kasi niyang
siya’y laging inaalagaan nito.
Baliktad ngayon. At parang turumpo
si Teo sa pag-aalaga sa kanyang tatay.
Inayos niya ang mga gamot nito sa maliit
na mesa sa tabi ng kama. Kumuha siya
ng pitsel ng tubig sa kusina.
Pinapaypayan niya ang tatay niya para
hindi mainitan.
Nang umaga ng araw na
iyon, si Tatay Ador ay tulad
lang ng dati – malakas at
malusog. Matapos paliguan ang
kanyang dyip at magpaalam
kay Teo pinaandar na niya ang
dyip papunta sa bukid. Ngunit
habang inaatras niya ito
palabas sa kalye, mabilis na
dumaan ang isang malaking
trak. Nabangga ng
humaharurot na trak ang dyip
ni Tatay Ador.
KRRASSS! Pero hindi man lamang
tumigil ang kaskaserong drayber – tuloy
– tuloy pa rin ito sa pagpapatakbo ng
trak niya.
Sinabi kay Teo ng mga kapitbahay
na sumasaklolo. “Huwag kang mag-
alala. Kaming bahala sa tatay mo! At
agad nilang dinala ito sa health center.
Ang lahat ay nakahinga
nang maluwag nang sabihin
ni Dr. Soriano, “ ligtas na sa
panganib si Mang Ador. Pero
Malaki ang sugat sa kanyang
kaliwang paa at nabugbog
ang iba pang bahagi ng
katawan niya.”
Mahigpit na bilin ng
doktor. “Kailangan niyang
magpahinga sa kama ng
ilang araw.”
Pagdating sa kanilang
bahay, inihiga ni Tatay
Ador ang masakit niyang
katawan. Pero alang-alang
kay Teo pilit niyang
ipinapakitang malakas pa
rin siya. Mas nasasaktan
kasi siyang nakikitang nag-
aalala si Teo para sa kanya.
“T-Teo, n-narinig mo ba
ako?” tanong niya rito. “ I-
ikaw na ngayon si Chef
Mateo!”
“Chef?! Ako?!” tanong ni Teo
na natuwa sa narinig. Inilapag niya
ang pamaypay at kumuha ng
puting papel, gunting at pandikit.
“A – anong ginagawa mo?”
tanong ni Tatay Ador.
“Isang malaking sombrero!
Dapat ang chef, may sombrero!”
Gusto ni Teo na magmukhang isang
tunay na chef. Ngayon, makikita
na niya ang laman ng maliit na
banga sa ibabaw ng pinakamataas
na estante sa kusina.
Naglalaman iyon ng
sikretong rekado. Tuwing
magluluto ang tatay niya,
dumudukot siya rito at
ibinubudbod sa niluluto niya.
“Tay, ano po ang laman ng
bangang iyan? Pwedeng makita?”
hiling niya sa tatay niya noong
maliit pa siya.
“Pagdating ng araw,” sagot
ni Tatay Ador, sabay kindat kay
Teo. “Sa nanay mo iyan. Ipinasa
niya sa akin noong bigla siyang
nagkasakit.”
Mag-iisang taon pa lamang noon si Teo.
“Noong mamatay ang nanay mo, hindi ko
inakalang makakahiligan ko ang pagluluto tulad
niya, “ laging sinasabi ni Tatay Ador. Mukhang pati
si Teo ay nakakahiligan na rin ang pagluluto pero
sabi ni tatay niya. “ Manood ka lang muna, anak,
at maghugas ng plato. Saka ka na magluto, kapag
malaki-laki ka na.”
Pero ngayon pa lamang, dahil sa aksidente,
pinayagan magluto si Teo. At, magagamit na niya
ang sikretong rekado!
Napakahalaga talaga ng sikretong
rekado! Matagal nang kumbisido si Teo
tungkol dito. Laging masarap ang luto ng
tatay niya, lalo na ang paborito ni Teo na
pinakbet at igado.
“T-Teo, hiwain…” umpisang turo ni
Tatay Ador pero mabigat na ang talukap
ng kanyang mga mata dahil sa mga
gamot na ininom. Nakatulog na siya bago
matapos ang sinasabi.
“Tay , huwag kayong mag-alala. Ako
nang bahala. Marunong na akong
magluto!Makikita nyo,” bulong ni Teo.
Dahan-dahan siyang lumabas at pumunta
sa kusina! Pinakbet? Kayang-kaya niyang
lutuin ito!Madalas niyang napapanood ang
tatay niya kapag nagluluto siya nito. At
napanood pa niya sa kanyang paboritong
programa sa TV na Cooking Hour.
Isinuot ni Teo ang sombrero
ng chef at ang apron ng tatay
niya.
“Puwede na! Mukha na akong
chef,” bulalas niya nang Makita
ang sarili sa salamin. Sumisipol
siyang tumuntong sa isang
batibot para abutin ang kaserola.
“Mateooo!” Parang boses
iyon ni Apong Cion, ang may-ari
ng atisan mga ilang kanto lang
mula sa bahay nila. “Mateooo!”
Si Apong Cion nga!
May dala-dala itong pombrera at isang
malaking atis.
Nang makita si Teo, napasigaw ito, “Anong
ginagawa ng malaking puting sombrerong ‘yan sa ulo
mo? At bakit nakasuot ka ng malaking apron?”
“Chef po ako, Apong Cion, chef ako!” sagot ni
Teo na lulundag-lundag.
“Shif?! Anong shif?! Tanong ng matanda na
kumukunot ang noo kaya’t nagmukhang ampalaya
ang kulubot nitong mukha. Ngayon lamang niya
narinig ang salitang ito, at hindi pa siya nakakakita
ng sombrero ng chef.
“Isang magaling na kusinero po ang chef, Apong
Cion!May sakit si Tatay kaya ako po ang tagaluto
ngayon.”
“Kalokohan!” sagot ni Apong Cion sa kanyang
magaspang na tinig na kinatatakutan ng lahat ng
bata maliban kay Teo. “Bakit? Akala mo ba, ikaw
lang ang marunong magluto? Heto , ipinagluto ko
kayo ng tatay mo. At alisin mo ‘yang suot mong
sombrero-’kay pangit!” kakak ng matandang
paengkang-engkang na umuwi.
“Salamat po, Apong … ani Teo na medyo
naguguluhan.
Hindi malaman ni Teo kung matutuwa siya o
malulungkot. Natutuwa siya na kahit kilala si Apong
Cion sa pagiging masungit at kuripot, naalala pa sila
nito ng tatay niya. Pero nalulungkot din siya dahil
maaantala na naman ang kanyang pagiging chef nang
isang araw.
Kinabukasan, pagkatapos na makakain ng putaheng
dala ni Apong Cion, mabuti-buti na ang pakiramdam ni
Tatay Ador, pero hindi pa rin siya makalakad.
“Ngayon, magiging chef ka na para sa susunod
nating kakainin!” sabi niya kay Teo. Agad namang
nagsuot ito ng kanyang sombrero ng chef at abot-
tainga ang ngiti.
“Teooo!’ Si Mang Popoy,
ang kaibigan niyang nakatira
sa dulo ng bayan ang
dumating. Ibinigay kay Teo
ang isang mangkok ng arroz
caldo.
Ay naku! Sabi ni Teo sa
sarili, iniisip kung kalian kaya
niya malalaman kung ano ang
sikretong rekado.
Kinabukasan at sa sumunod
na araw, may mga dumating
pang pagkain. Nagdala sina Titser
Ligaya at Titser Milagring ng
pansit na may halong carrots na
korteng bulaklak. Nagpadala
naman si Mayor Belisario sa
drayber niya ng inihaw na hito.
Nasorpresa si Teo dahil pati si Apo
Meyor ay nagpadala ng maputi at
malapot na sopas na nakalagay sa
puting kaserola.
Kailan pa kaya ako
magiging Chef Mateo? Tanong ni
Teo sa sarili habang ipinapasok
ang mga pagkain sa kuwarto ni
Tatay Ador.
“Aba, dapat kang matuwa,
anak, “sabi ng tatay niya, na
paika-ikang lumalakad sa palibot
ng kanyang kama. “Ang dami
nating natatanggap na mga
pagpapala. Napakabait ng mga
tao-dumalaw sila sa akin at
nagbigay ng napakaraming
pagkain!”
“Natutuwa naman po ako,
“Tay,” sagot ni Teo.
Ngunit nalulungkot din siya. “Pero… magaling na
po kayo ngayon kaya hindi na ako magiging chef.”
“Ah , kaya pala tahimik ka,” sabi ni Tatay Ador.
“Pangako, bukas, ikaw ang magluluto ng ating
pananghalian. Papanoorin lamang kita, “
pampalubag-loob ni Tatay Ador.
“Talaga po, Tay?” Kumikislap na ang mga mata
ni Teo.
“Oo, Teo, talaga.”
“Bilang chef, pwede ko po bang gamitin ang
rekado sa maliit na banga?”
Nangingiti si Tatay Ador na sumagot, “Aba, oo,
Teo. Sa palagay ko’y panahon na!”
Habang inuubos nila ang mga
natira sa mga bigay na pagkain
para sa kanilang almusal, tanong
ni Teo, “Pwede na po ba akong
magsimulang magluto pagkatapos
kong maghugas ng plato?”
“Aba, “natatawa si Tatay
Ador, “hindi ka na
makapaghintay, ano?”
Pagkaraan ng ilang oras,
suot-suot na ni Teo ang sombrero
ng chef at apron ng tatay niya.
Nakaupo naman sa malapit si
Tatay ador para turuan siya.
“Siguraduhin mong kumpleto ang
mga rekado, anak.”
“… kamatis, talong,
ampalaya, bagoong. At, ang
pinakamahalagang rekado sa
lahat…” bulalas ni Teo, at inabot
ang maliit na banga.
“Ang pinakamahalaga sa
lahat …” bulong ni Tatay Ador.
Kumakabog ang puso ni Teo
habang dahan-dahan niyang
inaangat ang takip ng banga.
“Ha?!” Napatalon siya sa
gulat.
Tiningnan niyang mabuti
ang loob ng banga. Walang
laman! “Isang kapirasong papel
lamang ang nandito!”
“Hindi ‘yan isang pirasong
papel lamang, Mateo, “ diin ng
Tatay niya.
Dinukot ni Teo ang papel sa
banga-may nakasulat pala
roon!Binasa niya ito nang
marahan, “Kung kayo’y kumakain
o umiinom, o anuman ang inyong
ginagawa, gawin ninyo sa
ikaluluwalhati ng Diyos. – Corinto
10:31, Bible verse?!”
Naglundagan ang mga kilay ni
Teo hanggang sa kanyang buhok.
“Oo, talata nga mula sa
Biblia,” sagot ng tatay niya.
“Isinulat ng nanay mo at
inilagay niya riyan sa banga.
Nais niyang laging maalala kung
bakit dapat gawin nang tama
ang kahit anong bagay.”
“Kahit na po ang
pagluluto?” tanong ni Teo na
nalilito.
“Lalo na ang pagluluto, “
diin ni Tatay Ador.
“Kasi mas maraming beses siyang
nagluluto kaysa ano pa mang gawain sa
bahay. Minsan isang araw lamang siya
naglalaba, naglalampaso ng sahig, at
nagwawalis ng bakuran.
Pero tatlong beses siyang
nagluluto sa isang araw. Kaya’t
umaga, tanghali at gabi, gusto
ng nanay mong makatiyak na
ginagawa niya nang tama ang
lahat-para sa ikaluluwalhati ng
Diyos.
“Hmmm, “ tumango si Teo
na nakikinig nang mabuti.
“Tuwing nagluluto ako, “ patuloy ng tatay niya,
“pinapaalala sa akin kung anong ibig sabihin ng
talatang yan – umaga, tanghali, gabi.”
“Oo nga po…” Nilalarawan ni Teo sa kanyang
isip ang kanyang nanay na nagsusulat sa kapirasong
papel, at tinitiklop ito at nilalagay sa isang maliit na
banga.
“Akala ko po sikretong rekado…”
“Ay anak, hindi!” sabad ni Tatay Ador.
“Pero bakit hindi po ninyo sinabi sa ‘kin?”
Naguguluhan pa rin si Teo.
Kasi, iniisip ko noon, napakabata
mo pa para maintindihan ito. Pero nang
maaksidente ako nitong nakaraang linggo,
nakita ko kung paano mo ako inalagaan.
Noon ko napag-isip-isip na….”
“Kung hindi ito sikreto, e di
pwede ko palang ibahagi sa iba!”
natutuwang sabi ni Teo. Nasa
isip niya sina Apong Cion, Titser
Ligaya, Titser Milagring, Manong
Popoy, Meyor Belisario, at baka
pati na rin si Apo Meyor – mga
matandang makakaunawa.
“Chef Mateo, naghihintay
na ang pinakbet mo, “paalala
ng tatay niya.
Habang kumukulo ang
kaserola, dumukot si Teo ng
wala mula sa maliit na banga
at ibinudbod ito sa kanyang
pinakaunang putahe.
ANG BATANG MAY
MARAMING-MARAMING
BAHAY
NI
GENARO R. GOJO
KAPAG MAGSISIMULA NA akong magkuwento tungkol sa
aming mga bahay, hihinto sa paglalaro sina Lara, Ningning,
Kekek, at Tim-Tim.
Uupo sila sa aking harapan at makikinig sa aking
kuwento. Kapag ipinakikita ko na ang aming mga bahay,
nanlalaki ang kanilang mga mata. Di sila makapaniwala.

Maraming-marami kaming bahay, Kahit pa pagsama-


samahin ang lahat ng bahay ng sinumang mayayaman,
walang tatalo sa dami ng aming bahay.
“Panahon pa ng Kastila itinayo ang aming unang
bahay. Namamangha ang mg taong dumaraan dito. Parang
nababalot ito ng hiwaga.
Buo pa rin ang mga kapis nitong bintana. May
bubong itong sintaas ng kapilya. Gustong kong
maupo sa hagdanan nitong kahoy, para akong
bumabalik sa lumang panahon,” una kong
kuwento.

“Sana magkaroon kami ng ganyang


bahay,” sabi ni Lara.
“Nasa gitna ng kagubatan ang pangalawa naming bahay. Kahit
sa malayo, kitang-kita itong parang puting palasyo. Sa loob,
makikita ang malaking hagdanang pabilog, patungo sa ituktok.
Malalaki ang bintana nitong salamin. Gustong-gusto kong
pumunta sa ituktok nito, tanaw ko ang malawak na kagubatan,”
sunod kong kuwento.
“Yan ang pangarap kong bahay!” singit ni Ningning.
“Nasa ituktok naman ng bundok ang sunod naming bahay.
Maraming tao ang namamangha kung paanong naitayo ito sa ituktok ng
bundok. Gawa ito sa bato kaya di ito kayang tangayin ng bagyo. Sa
pagtulog, hinehele pa ako ng huni ng mga ibon,” sunod kong kuwento.
“Naku! Magkaroon sana kami ng bahay sa ituktok ng
bundok para di na kami bahain,” sabat ni Kekek.
“Mayroon din kaming bahay na
nakaharap sa dagat. Ito ang bahay naming may
pinakamaraming kuwarto. May sarili akong
kuwarto. May kuwarto para sa aking mga
damit, sapatos, at laruan. May sariling kuwarto
ang aking mga magulang at si Yeye. May
kuwarto para sa aming mga bisita,”
ipinagmalaki ko sa kanila.

“Gusto ko ring magkaroon ng sariling kuwarto.


Ang sikip kasi ng tulugan namin,” sabi naman Tim-Tim.
“May bahay rin kaming kasama ng iba
pang bahay ng mayayaman. Kahit nasa siyudad,
tahimik pa rin ito. May pader itong mataas.

May guwardiyang laging nakabantay. Pero mga


kilalang tao lang ang nakapapasok dito. Kapag mainit ang
panahon, may swimming pool na puwedeng paglanguyan,”
painggit ko. May bahay raw palang may swimming pool pa.
Pangarap nilang lahat na makapunta sa aming mga bahay.
Marami pa akong kuwento tungkol sa iba pa naming bahay.
May bahay-kubo kaming napalilibutan ng malawak na lupain, punong-kahoy,
gulayan, at pastulan ng mga hayop. May duyan akong itinali sa punong mangga. May
pahingahan kaming kubo na nasa itaas ng punong akasya. May bahay kaming nasa
mataas na bilding na abot-langit. Kompleto ito ng mga gamit. Kapag nandito ako, parang
bahay-bahayan na lang ang mga bahay sa ibaba. Isang dangkal na lang ang mga gusali,
tulay, at dagat. Parang naglalakad na langgam ang mga tao sa liit. Sa sobrang taas ng
aming bahay, parang palito ng posporo ang mga poste ng koryente.
May bahay rin kami sa lugar na laging malamig. Napalilibutan ito ng mga
bulaklak at matandang puno ng pino. Kapag mainit sa iba naming bahay, dito
kami pumupunta. Gustong-gusto ko itong bahay namin dahil parang laging Pasko.
Lagi akong nakasuot ng pangginaw.
Ako na talaga ang batang may pinakamaraming bahay!
Di nagsasawa sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-tim sa aking mga kuwento.
Sabik na sabik lagi sila sa mga bagong dagdag na bahay sa aking kuwento. Sa bawat
araw, pinipilit kong madagdagan ang aming bahay para may bago akong kuwento sa
kanila.
Sana, maisama ko sila sa aming bahay.
Isang hapon, umulan nang malakas. Tuwang-tuwa ako.
Maya-maya , narinig ko na ang
tawag nina Lara, Ningning, Kekek, at
Tim-tim.
“Koko! Koko! Halika na, ligo tayo sa ulan!” aya nila sa akin. Naligo kami sa
ulan. Tumapat sa alulod ng mga bahay. Nagtampisaw sa biglang luminis sa kanal.
Masaya kaming magkakaibigan.
Walang tigil ang ulan. Umuulan ng matulog ako, at nang magising ako,
umuulan pa rin.
Nag-alala sina Nanay at Tatay, pati si Yeye na kahapon lang ay tuwang-tuwa sa
maliit na ilog sa loob ng aming bahay.
Biglang tumaas ang tubig sa loob ng bahay. Natakot kaming lahat!
“Mang Ruben! Aling Nene! Sumama na kayo sa basketball court! Mas ligtas tayo
roon!” aya ng aming kapit-bahay.
Sa pagmamadali nina Tatay at Nanay, wala kaming nadalang gamit. Agad kaming
pumunta sa basketball
court bago pa lumubog sa tubig ang bahay
namin.
“Buti’t walang nangyaring masama sa atin,” sabi ni Tatay.
“Pa’no na ang ating bahay?”pag-aalala ni Nanay.
“Kuya, giniginaw ako,” bulong ni Yeye sa akin.
Naawa ako kay Yeye. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Maraming pamilya sa basketball court. Buti na lang, may nagpahiram
sa amin ng damit, kumot, at banig. May nagbigay ng mainit na noodles,
tinapay at kape. Ilang araw rin kaming tumira sa basketball court.
“Paano na ang aming bahay? Saan na kami titira?” sunod-sunod kong
tanong.
Paghupa ng baha, bumalik kami sa aming bahay pero wala na kaming nadatnan.
Puwede pala kaming mawalan ng bahay?
Nag-iiyak si Nanay.
Tinangay ng baha ang aming bahay pati ang mga bahay na ginupit at idinikit ko
sa aking notbuk.
“Makakagawa uli tayo ng bago nating
bahay,” sabi ni Tatay.
Nakita ko uli ang kasipagan ni Tatay. Wala siyang tigil sa pangangariton. Lahat
ng puwedeng gawing bubong, dingding, sahig, at bintana ng aming bahay, pinupulot
niya-karton, tabla, kahoy, yero, sirang gulong, pako, at alambre.
Nagtulong sina Tatay at Nanay, pati kami ni Yeye sa paggawa ng aming bahay. Si
Nanay ang taga-hawak. Si Tatay ang taga-pukpok. Kami naman ni Yeye ang taga-abot ng
kahoy.
Unti-unti, nagkaroon ng bubong, dingding, sahig, bintana at pinto ang aming
bahay.
Isang araw nang umuwi si Tatay, nakita ko uli ang tambak na diyaryo at
makukulay na magasin sa kanyang kariton.
Gusto ko sanang buklatin uli ang mga ito para gupitin ang magagandang
bahay na aking nakikita. Gusto ko uling magdikit ng mga bahay sa aking bagong
biling notbuk.
Gusto kong magkuwento uli kina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim ng tungkol
sa aming mga bahay. Gusto ko uling maging batang may pinakamaraming bahay.
Pero may mas mahalagang dapat gawin kaysa naiisip ko. Kailangan akong
tumulong kina Tatay at Nanay. Kailangan kong alagaan at pasayahin si Yeye para
mawala na ang takot niya sa baha.
Isa pa, alam kong di na rin interesado sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim
sa aking kuwento. Nawalan din sila ng bahay.
Tiyak na mas gusto nilang marinig ang aking kuwento tungkol sa aming
totoong bahay. Kung paano namin itong nagawa nina Tatay, Nanay, at Yeye.
Tiyak na mas gusto nilang makita ang aming bagong bahay.
Tiyak na may mga kuwento rin sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim tungkol sa
kanilang mga bahay. Gusto kong marinig ang kanilang mga kuwento. Ako naman ang
makikinig sa kanila.
Kahit nawala ang aking mga bahay, nagpapasalamat pa rin ako dahil kasama ko
pa rin sina Tatay, Nanay, Yeye, at ang aking mga kaibigan.
Puwedeng mawala ang lahat na
bagay sa akin pero di ang aking
mahal na pamilya at ang
aking mga kaibigan .
BASURA KID
NI
ELVIN G. LUCIANO
Nagsimula ang lahat isang
gabing maliwanag at bilog na bilog
ang buwan. Sa labas ng bahay ng
pamilyang Lopez, isang malakas na
tunog ang bumulabog sa
katahimikan. Tila may pagsabog,
tila may pagyanig, nagising ang
buong pamilya. Sa basurahan
nagmula ang kakaibang tunog.
“Ano kaya iyon?” tanong ni Nanay habang nakahawak
sa braso ni Tatay.
“Baka may magnanakaw, takot ako,” ang tanging
nasabi ng anak na si Boyet.
“Humanda sa akin ang magnanakaw na iyan, di ko siya
uurungan,” matapang na wika ni Tatay kahit medyo
nanginginig sa magkahalong lamig ng gabi at kaba sa dibdib.
Papalapit na ang pamilya sa pinto.
Bumukas ang pinto at sa kanilang
natanaw, hindi nila mapigilang
mapasigaw. “Eeeewww,” sigaw ni
Nanay. “Aaahhhh,” sigaw ni Tatay.
“Ang baho,” sabi ni Boyet.
Isang malaking tambak ng basura
ang tumambad sa kanilang harapan.
Dumungaw pa sila at kanilang
nalaman na puno na pala ng basura
ang kanilang kapaligiran.
“Akala ko pa naman
halimaw”, bulong ni Nanay.
“Matulog na tayo, basura
lang pala” sabi ni Tatay.
Subalit, nang pabalik na sila
sa kanilang kuwarto, mayroong
humarang sa sa kanila. Isang
batang lalaking nakamaskara, kapa,
at nakabota.
“Hep hep! Ako si Basura
Kid.” Basura lang ba ang sabi
ninyo?Hindi niyo ba alam na
ang tambak tambak ng
basurang iyan ay masahol pa
sa halimaw? Sisirain nito ang
kapaligiran at mundo niyo. Ang
pagkalat ng basura ay dapat
nating labanan.”
Tiningnan nina Nanay at
Tatay ang tambak na basura.
Naghalo ang nabubulok sa di
nabubulok. Pinamamahayan
na ito ng mga insekto at
kumakalat na rin ang amoy na
mabaho.
Ang pagkalat ng tambak tambak na basurang ito
ay dapat nating labanan!,” sigaw ni Basura Kid. Kasabay
ng malakas na kulog at matalim na kidlat.
“Oo nga, masahol pa nga ito sa halimaw.” Sagot ni
Tatay.
Humanap si Tatay ng
malaking sako at doo’y isinilid
ang basura. Agad niyang
itinakbo sa kotse ang sako.
Sumakay silang lahat sa kotse
at nagmaneho si Tatay patungo
sa pinakamalapit na ilog.
Pagdating sa ilog, inihulog ni
Tatay ang basura sa tubig.
“Ayan, malulunod na ang mga basura at ligtas na
tayo sa kapahamakan.”
“Naku po, mali! Hindi niyo ba alam na mas lalong
masisira ang mundo dahil sa ginawa niyo?,” sabi ni Basura
Kid habang nakakunot ang noo.
Lumusong siya sa tubig at agad kinulekta isa-isa ang
basura sa ilog.
Bumalik sila sa kanilang
bahay upang mapag isipan ang
kanilang gagawin. Magdamag na
inisip ng mag-asawa kung papaano
lalabanan ang mukhang halimaw
na tumpok ng basura. Sinubukan
nila itong sunugin subalit lalo pang
di nagustuhan ni Basura Kid dahil
madudumihan daw ang hangin.
Sinubukan nilang ispreyan ng pabango ang basura
subalit lalo pang nakasama dahil ang inesprey pala nila ay
may chloro-flouro carbons na nakasisira sa ozone layer.
Parami nang parami ang
basura. Paubos nang paubos
ang oras.
Nag-isip ang mga
magkakakampi laban sa
basurang gahalimaw sa laki at
dami.
Napailing si Tatay.
“Malapit nang mag-umaga, tayo ang lumikha ng mga
basurang ito kaya nasa ating mga kamay din ang paraan
para di ito dumami nang dumami. Kailangang pigilan na
natin ang pagdami ng basura bago pa tayo matabunan,”
sabi niya.
“Alam ko na!” sabi ni Basura Kid. Samahan niyo
akong labanan ang pagdami na basura.” Nilapitan ni Basura
Kid ang tambak na basura.
“Alam ko na!” sabi ni
Basura Kid. Samahan niyo
akong labanan ang pagdami na
basura.”
Nilapitan ni Basura Kid
ang tambak na basura.
“Ikaw basura ka, ise-
segregate ka namin.
Yahhhh!!!! Sinugod nila
ang basura, hiniwalay nila ang
mga nabubulok sa di-nabubulok.
Kinuha nila ang mga basurang
puwede pang i-recycle bilang
mga kagamitan sa bahay, sa
pamayanan, at sa eskwelahan.
Makalipas ang maraming
oras, wala na ang gahalimaw na
tambak ng basura.
“Yeheey!” “Nasolusyunan
na natin ang problemang ito.
Alam na natin ang gagawin para
di muling dumami nang dumami
ang basura.” sigaw ni Nanay.
“Sa bahay pa lamang, ibubukod-bukod na natin ang
ating basura.” Ang nabubulok at di-nabubulok ay di
pagsasamahin.”
“Oo nga, salamat kay Basura Kid” masayang sabi ni
Nanay.
Nagpalinga-linga si Tatay upang hanapin ang munting
superhero.
“Nasaan na kaya siya?” “Gusto ko pa naman siyang
pasalamatan.
Samantala, patawa-tawang iniligpit ni Boyet sa ilalim ng
kanyang kama ang kanyang maskara, kapa, at bota.
SI BUBOY AT
ANG BASKET
Si Buboy at ang Basket
May sikreto si Buboy at ang basket ng kaniyang nanay.
Sa umaga, ginagamit ito ng Nanay sa pamamalengke. Araw-
araw umaalis si Nanay nang walang laman ang basket. Pagbalik niya,
puno na ito ng prutas, gulay, at kung ano-anong pinamili .
Ngunit sa hapon, habang nagpapahinga ang nanay ni Buboy,
nagbabago ang gamit ng basket.
Minsan, nagiging helmet ito ng isang sundalong sumusugod sa
giyera. Minsan naman, isa itong maliit na bangkang sumasalubong sa
malalaking alon. At minsan, nagiging isang palpak na taguan.
SI FAISAL AT SI FARIDA
NI
RHANDEE GARLITOS
SI FAISAL ay aking kalaro at
kaibigan.Magkaklase rin kami sa
paaralang aming pinapasukan.
Ngunit sa lahat ng aking mga
kaklase, siya ang namumukod
tangi.
Bukod sa di pangkaraniwan
niyang pangalan, may mga gawi
siyang minsan ay di namin
maintindihan ng aking mga kaklase
at kaibigan.
SI FARIDA ay aking kalaro at
Nakatira kami sa parehong
barangay at lansangan.
Ngunit sa lahat ng aking
mga kalaro, siya ang namumukod-
tangi. Bukod sa di-pangkaraniwan
niyang pangalan, may mga gawi
siyang minsan ay di namin
maintindihan ng aking mga kaklase
at kaibigan.
Nang una siyang ipakilala sa
aming eskwela, lahat kami ay
naguluhan sa buo niyang pangalan.
“Class, ito si Faisal
Abdulmajid Sahali, ang bago
ninyong kaklase.”
Sabi ng aming guro, galing
raw ang pamilya niya sa Tawi-Tawi.
Talaga namang kami ay
nagulantang nang batiin niya kami
ng “Assalam alaikum!”*
Ang wikang gamit niya ay
parang salamangkero o magician.
Nang dumating ang pamilya ni
Farida sa aming pamayanan, kaming
magkakapitbahay ay nagulantang.
Ang nanay at ate ni Farida,
maging siya ay balot na balot, mula
ulo hanggang paa.
Buti na lamang at di natakpan
ang maamo niyang mukha.
“Ako si Farida Marohombsalic.
Mula sa Cotabato.Puwede ba ako
makisali sa laro ninyo?”
Sa kabila ng kaniyang kakaibang
anyo, niyaya namin siyang magpiko.
Bilib kaming magkakaklase kay
Faisal.
Bukod kasi sa galing niya sa
agham at matematika, marunong din
siya ng ibang wika tulad ng Arabe.
Kaya lang, pag isinusulat o
binabasa niya ito, kakatwa.
Nagsisimula siya mula kanan hanggang
kaliwa.
“Ang astig mo talaga Faisal!”
nasabi ko sa kanya.
Ang tugon niya lang sa akin ay
isang malutong na tawa.
Hanga kaming magkakaibigan
kay Farida. Mahusay kasi siyang
magdrowing at sa iba pang sining.
Mabilis siyang maghubog ng palayok
mula sa luwad at lumikha ng
pulseras at kuwintas mula sa mga
sigay.
Ngunit kahit pawisan na si
Farida kapag nasa kalye kami, di
niya inaalis ang tabing na
tumatakip sa kaniyang ulo.
Ano kayang lihim na doon
niya itinatago.
Sa kabila ng kaniyang husay at
mabuting asal, may mga gawaing kakaiba si
Faisal.
Lagi siyang may dalang puting libro na
kung tawagin niya’y Quran.
Di siya agad sumasabay sa labasan
upang kumain.
Sa halip, nagpapaiwan siya sandali
sa aming silid-aralan upang manalangin.
Di rin siya sumasabay sa aming
kumain lalo na kapag ang baon naming
ulam ay dinuguan,inihaw na liempo, o
longganisa.
Lahat kaming magkakalaro ay naiintriga kung bakit
laging may takip sa ulo si Farida.
“Hindi kaya may kuto siya at ayaw niya lang tayong
mahawa?” kutob ni Yanyan habang hawak ang
nakatirintas niyang buhok.
“Baka naman kulang siya ng isang tainga!”
sabi ni Ada, ang pinakabata sa amin.
“Ano sa tingin mo, Nerisa?”
tanong nila sa akin. Wala
naman akong maisip kung ano ba
ang dahilan ng pagtatalukbong ni
Farida.Nahinto lang ang usapang iyon
ng dumating na siya.Sana hindi niya
kami narinig kanina.
Minsan, sa klase namin sa Sibika at Kultura, naging
paksa namin ang relihiyon.
Nalaman namin na bukod sa pagiging Kristiyano, may
mga iba pang uri at pamamaraan ng paniniwala tulad ng
Budismo, Hinduismo, at Islam.
Tinawag ni titser namin si Faisal
tungkol sa Islam at lahat nasagutan niya
ng tama.
Nang mag-rises, tinanong namin si
Faisal kung bakit marami siyang alam
tungkol sa Islam.
Ang sagot niya, natutunan niya ito
mula sa puting libro na lagi niya dala sa eskuwela.
“Ano ang mayroon sa librong iyon na lagi mong
bitbit?” Di ko natiis na di itanong sa kaniya.
“Iyon ang Qu’ran, ang sagradong aklat namin mga
Muslim,” sagot niya.
Isang araw, nagdiwang si Farida ng kaniyang kaarawan
at lahat kaming kalaro niya ay masuwerteng naimbitahan.
Pati mga magulang namin ay inaayayahan ng kaniyang
ama at ina.
Sinuot ko ang pinakamagara kong damit at sapatos,
maging ang mga makikinang kong pulseras at kuwintas.
Siguradong maganda rin ang damit na isusuot ni
Farida! Di pa rin ba niya aalisin ang telang
tumatakip sa ulo niya?
Magara rin naman ang
handa ni Farida sa kaniyang
party. May eskabeche, lumpiang
gulay,ispageti, at pritong manok.
Wala nga lang doon ang paborito kong pork barbeque.
Paliwanag sa akin ni Nanay, di maaaring kumain ang pamilya
ni Farida ng karne ng baboy.
“Bakit, Mama, may allergy ba sa karne ng baboy sina
Farida?”
Ngunit tinawag ako ni Farida upang ipakita ang regalo
sa kaniya ng kaniyang ina.
Sabay kaming umuwi ni Faisal matapos ang klase.
Niyaya niya akong samahan siyang dalawin ang kaniyang
ama.
Huminto kami sa isang masjid o moske kung saan
saglit siyang nagdasal habang naghihintay ako sa labas.
Matapos niyang sumamba, sumalubong sa amin ang
tatay niya na isang imam.*
“Ama, pauwi na kami ng kaibigan kong si Adrian,” sabi
niya.
“Ingatan nawa kayo ni Allah,” sa nito,
sabay ngiti sa akin. Sa aming paglalakad,
ipinagtapat niya ang dahilan. Nais niya sanang
mabago ang paniniwala ng mga tao tungkol sa Islam
at sa mga Muslim na tulad niya sa pamamagitan ng
mabuting gawa.
“Sana hindi magbago ang pagkakaibigan natin,”
nahihiyang sabi niya.
Ngumiti ako at inakbayan siya nang mahigpit.
Sa loob ng kuwarto ni Farida,
sabik na akong makita ang regalo sa
kaniyang isang pares na hikaw galing
sa kanyang ina. Nabigla ako nang
dahan-dahang hinubad ni Farida ang
kulay-lilang pandong na nakatakip sa
kaniyang ulo. Lumitaw ang
napakahaba at makinang na buhok.
Hinawi niya ito at nakita ko, sa
kaniyang mga maririkit na tainga ang
isang pares ng hikaw na parang mga
bituing kumikislap.
“Bakit lagi mong tinatago
ang iyong ulo sa telang iyan?”
tanong ko sa kaniya.
“Ito ay isang Hijab
,Nerisa. Isinusuot namin ito
bilang pagsunod sa layunin ni
Allah. Isa akong Muslim.”
kaniyang tugon.
Ang totoo, bukod sa mga di-
pangkaraniwang gawi ni Faisal, di
ko minsang naisip na naiiba siya sa
aming kaklase.
Nakita ko sa kaniya ang isang
malalim na pagtangkilik sa
paniniwala sa iisang Diyos, ano pa
man ang kaniyang paniniwala.
Para sa akin,espesyal si Faisal
dahil mabait at tapat siyang
kaibigan.
Lumapit kaming magkakalaro
kay Farida upang haplusin ang
makinang at mahaba niyang buhok.
Naisip ko na walang
pagkakaiba kung may suot man
siyang pandong o wala.
Sa paglantad niya ng kaniyang
natatagong ganda, naipakita rin
niya sa amin ang pagtitiwala sa
aming magkakaibigan.
Si Faisal ay aking kaklase at kaibigan.
Magkaklase rin kami sa paaralang aming
pinapasukan.Ngunit sa lahat ng aking kaklase, siya ang
namumukod-tangi. Bukod sa di-pangkaraniwan niyang
pangalan, namamayani ang kaniyang katalinuhan at malalim
at taimtim na
pananampalataya.
Si Farida ay aking kalaro at kaibigan.
Nakatira kami sa parehong barangay at lansangan.
Ngunit sa lahat ng aking mga kalaro, siya ang
namumukod-tangi.
Bukod sa di-pangkaraniwan niyang pangalan, kahanga-
hanga ang kaniyang pagkamalikhain
at pagtalima sa tradisyon ng
kaniyang paniniwala.

You might also like