kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao o supernatural na katangian. Ang paksa ng epiko ay karaniwang tumatalakay sa kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikipag digmaan. Ang salitang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangngahulugang “awit”, ngunit sa ngayon ito ay inilalahad na lamang sa paraang pasalaysay. Inilalarawan nito ang pamumuhay ng mga tao noon na ang iba ay makikita pa rin sa kasalukuyan. Sa ating mga katutubong epiko, ang mga anda ay ang sumusunod: 1. Aalis ang bayani sa kaniyang bayan. 2. Makakatanggap ang bayani ng isang mahiwagang bagay. 3. Dadalhin o pupunta ang bayani sa pook kung saan naroroon ang isang hinahanap na karaniwan ay isang mahal sa buhay. 4. magsisimula ang bayani ng isang labanan. 5. makikipaglaban ang bayani nang matagalan. 6. Pipigilan ng isang diwata ang labanan. 7. Ibubunyag ng diwata na kamag-anak pala ng bayani ang kaniyang kaaway. 8. Mamatay ang bayani. 9. Mabubuhay muli ang bayani. 10. Babalik ang bayani sa kaniyang bayan. 11. Magpapakasal ang bayani.