You are on page 1of 5

ALAMAT NG MGA

ALAMAT
Mayroong mag-amang nakatira sa tuktok
ng kabundukan. Ang anak na babae ay
napakabait at napakaganda, ngunit ang
kanyang ama ay matapobre. Mayaman
sila at tuwang-tuwa ang kanyang ama
kapag nakikita niya ang lahat ng tao sa
ibaba ng bundok na nahihirapan.
Maraming manliligaw ang kanyang
anak ngunit wala itong nagugustuhan sa
lahat ng mga iyon, maliban sa isang lalaki
na hamak at mahirap.
Hindi pumayag ang ama ng dalaga
dahil ang gusto nito ay mayaman ding
katulad nila.
Isang gabi, naisipan ng
magkasintahan na magtanan at nang
malaman ito ng kanyang ama ay walang
mapaglagyan ang galit nito. May
dumating na napakalakas na bagyo at
nag-akyatan sa tuktok ng bundok ang
mga nasa ibaba, kasama ang anak, upang
sila ay makaligtas subalit hindi sila
pinayagan at pinalayas ng kanyang ama.
Namatay ang lahat ng tao at siya na
lang ang natira mag-isa. Dahil sa
kalungkutan niya ay naisipan niyang
magpakamatay ngunit hindi siya namatay
dahil may narinig siyang boses at sinabing
kagagawan niya ang lahat ng nakikita
niya sa kapaligiran na tatawaging
ALAMAT.

You might also like