You are on page 1of 2

ALAMAT NG DURIAN

SI DURIONG NA ANAK NG SULTAN


Noong unang panahon,may isang sultan na nangangalang Makan-Dang.
Nagpakasal siya sa isang sultan.Nagkaroon sila ng anak na lalaki.At
tinawag nila itong Duriong.Hindi namana ni Duriongang magandang
mukha ng kaniyang ina kaya walang nagkakagusto sa kanya.Ngunit sa
kabila ng pangit na mukha ni duriong ay mayroon naman siyang malinis
at magandang kalooban.

Naging malungkot ang buhay ni Duriong.Bagamat masagana ang


kanyang buhay ay malungkot parin siya sapagkat wala siyang kaibigan.
Lahat ng kaseng-edad niya ay nangagsipag-asawa na.At lalo pa siyang
nalungkot sapagkat masaya ang mga ito sa piling ng kanilang pamilya.
Sa labis na kalungkutan ay nagkasakit si Duriong.Lahat ng gamut ay
sinubukan na ngunit hindi parin siya gumagaling.

Isang gabi ay nakarinig siya ng isang napakagandang


awit.Napakalambing nito at labis siyang naakit.Pinilit niyang bumangon
kahit nanghihina ang kanyang katawan at hinanap ang pinagmulan ng
awit.Kinabukasan ay natagpuan na lamang ng kanyang magulng si
Duriong na wala ng buhay malapit sa tabing dagat.Ipinalibing siya sa ng
kanyang magulang sa gilid ng kabundukan.Maraming taon ang lumipas
at nakalimutan ng mga tao si Duriong.Isang araw ay napansin nila ang
isang puno sa lugar ng pinaglibingan kay Duriong.Ang bunga nito ay
tulad ng langka ngunit napakasama ng amoy.Iniiwasan ng mga tao ang
lugar na iyon sapagkat ang bunga na nababalot ng tinik ay napakasama
ng amoy.Itinulad nila ang bunga kay Duriong ang binatang inilibing sa
lugar na iyon.

You might also like