You are on page 1of 21

Kabanata 7

Ang Pagbabalik sa Pilipinas at


ang Kilusang Propaganda
Ang Pagbabalik sa Pilipinas
• Hunyo 29, 1887 – tumelegrama si Rizal sa kanyang ama ukol
sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas
• Hulyo 3, 1887 – lumulan si Rizal sa barkong Diemnah sa
Marsailles, Pransya upang bumalik sa Pilipinas
• Hulyo 30, 1887 – nakarating siya sa Saigon
• Agosto 5, 1887 – dumating sa Maynila si Rizal
• Agosto 8, 1887 – dumating si Rizal sa Calamba
Ang Pagbabalik sa Pilipinas
Apat na Dahilan Kung Bakit Bumalik si Rizal
1. Upang tistisin ang mata ng kanyang inang si Donya Teodora
2. Upang paglingkuran ang kanyang mga kababayan
3. Upang Makita ang naging epekto ng kanyang isinulat na
nobelang Noli me Tangere; at
4. Upang alamin ang dahilan kung bakit hindi na sumusulat sa
kanya si Leonor Rivera
Ang Pagbabalik sa Pilipinas
Sa Calamba nagtayo si Rizal ng isang
klinika upang maglingkod bilang
manggagamot sa kanyang mga kababayan.
Naging unang pasyente niya ang kanyang
ina ngunit hindi agad niya ito naoperahan
sapagkat hindi pa hinog ang katarata nito.
Nang maglaon ay naging matagumpay siya
sa pagoopera rito. Kumalat ang balita
tungkol dito sa buong lalawigan kaya
naman tinawag siyang Dr. Uliman ng mga
taga-Calamba
Ang Pagbabalik sa Pilipinas
• Nagpatayo rin si Rizal ng isang gymnasium upang mailigtas
ang kanyang mga kababayan sa sugal at sabong at upang
maturuan ang mga kabataan ng mga larong pampalakas.
• Hindi naman nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na dalawin si
Leonor Rivera dahil sa pagtutol ng kanyang mga magulang.
• Ipinatawag din siya ni Gobernador Heneral Emilio Terrero
ukol sa usapin na ang nobelang Noli me Tangere ay erehe,
heretical, subersibo at laban sa kaayusang pampubliko.
Ang Pagbabalik sa Pilipinas
• Padre Pedro Sayo, Padre Gregorio Echavarria
at Padre Salvador Font – nagpadala,
nagpatibay at nag-ulat na ang Noli me
Tangere ay tunay na erehe, heretical,
subersibo at laban sa kaayusang pampubliko.
• Disyembre 29, 1887 – ipinadala ni Padre
Salvador Font ang ulat sa Gobernador
Heneral. Ipinalimbag din niya ito upang
siraan ang buong nobela.
Ang Pagbabalik sa Pilipinas
• Padre Jose Rodriguez – isang paring Agustino na naglathala
ng librong Caiingat Cayo na kumakalaban sa Noli me Tangere
at nagsasabing ang magbabasa nito ay nagkakaroon ng
kasalanan dahil sa pagkalaban sa simbahan.
• Vicente Barrantes – isang manunulat na Kastila na naglathala
ng pahayagang La Espana Moderna noong Enero 1890 na
naging daan upang kumalat sa Espanya ang kaguluhang dala
ng nobela
Ang Pagbabalik sa Pilipinas
• Marcelo H. Del Pilar – unang nagtanggol
sa Noli me Tangere. Ipinamukha niya sa
Komisyon ng Sensura na ang kawalan ng
katapatan at masamang hangarin ay
hindi matatakpan ng retorika. Gumawa
ng aklat na pinamagatang Caiingat Cayo
na pumupuri sa Noli. Sinunod niya ito sa
aklat na gawa ni Padre Rodriguez kaya
naman naipamahagi ito sa mga
simbahan.
Ang Suliraning Agraryo sa Calamba
1. Ang hacienda ng mga paring Dominikano ay hindi lamang mga lupa sa paligid
ng Calamba kundi sumasakop din sa buong bayan ng Calamba.
2. Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na tumataas dahilan sa di-
makatuwirang pagtataas ng upa sa mga kasama.
3. Ang mga may-ari ng hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang
tulng pinansyal para sa mga pagdririwang ng mga kapistahan, sa edukasyon ng
mga kabataan at pagpapabuti ng agrikultura;
4. Ang mga kasama na siang nahrapan ng labis sa paggawa sa hacienda ay
binabawian ng lupang sasakahin dahil sa maliit na dahlan lamang, at
5. Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kapag hindi
makpagbaad a kinukumpiska ng mga tagpangasiwa ng hacienda ang mga
hayop, kagamitan o maging ang bahay ng mga kasama.
Ang Suliraning Agraryo sa Calamba
• Disyembre 30, 1887 – ipinag-utos ng gobernador heneral na suriin
ang kalagayan ng mga magsasaka sa Calamba.
• Nagpasya si Rizal na lisanin ang Calamba pagkatapos ang anim na
buwang pagtira dito dahil sa mga natatanggap niya at ng kanyang
pamilya na liham ng pananakot na walang lagda.
• Himno Al Trabaho (Awit sa Paggawa) – tula na isinulat ni Rizal para sa
mga taga-Lipa bago siya umalis sa Calamba. Inihandog niya ito sa
masisipag na tao ng Lipa at para rin sa pagiging lungsod nito noong
1888.
Ang Kilusang Propaganda at ang Buhay sa
London at Paris
Mga dahilan ni Rizal sa pagtira sa London
1. Mapahusay ang kayang kaalaman sa wikang Ingles;
2. Mapag-aralan at iwasto ang aklat na Success de las Islas
Filipinas na isinulat ni Morga; at
3. Mapagpatuloy niya ang kanyang pakikipaglaban sa
kalupitan ng mga Kastila sa Pilpinas sa isang ligtas na lugar.
Ang Kilusang Propaganda at ang Buhay sa
London at Paris
• Mayo 24, 1888 – dumating si Rizal sa Liverpool, England at
nagpalipas ng gabi sa Otel Adelph.
• Mayo 25, 1888 – dumating siya sa London at tumuloy sa Otel
ng Grand Midland
• Dr. Rheinhold Rost – katiwala ng aklatan sa mga Suliraning
Panlabas ng dalubhasa sa kasysaan at kulturang Malay.
Tinawag niya si Rizal na Perlas ng mga Lalaki dahil sa angkin
nitong katalinuhan at kabutihan.
Ang Kilusang Propaganda at ang Buhay sa
London at Paris
• Sucesos de las Islas Filipinas – isang aklat na isinulat ni
Antonio Morga noong 1609 sa Mehiko. Siya ay naging hukom
sa Royal Audencia (Kataasaasang Hukuman) at
pansamantalang Kapitan Heneral ng Pilipinas
• Nais ni Rizal na mabatid kung bakit itinuturing ng mga Kastila
na ang mga Pilipino ay lahing may mababang uri
• Nais din niyang malaman kung bakit inatawag na indyo ang
mga Pilipino at walang karapatang umunlad
Mga Balita na Natanggap ni Rizal Habang
Nasa London
• Pagpapaalis sa may higit na 20 pamilya sa loob ng 24 oras ng
namamahala sa hacienda sapagkat sila’y tutol sa bagong kasunduan
nagtatakda ng mas mataas na upa sa lupang sinasaka.
• Pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda laban sa
manipestong laban sa mga prayle na inaharap n Doroteo Cortez. Ang
manipesto ay nilagdaan ng 800 Pilipino at isinulat ni Marcelo H. Del
Pilar na humihiling sa pagpapaalis ng mga Prayle sa Pilipinas.
• Pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba, kabilang dito ang
pamilya ni Rizal dahilan sa kanilang ginagawang petisyon laban sa mga
repormang agraryo
Mga Balita na Natanggap ni Rizal Habang
Nasa London
• Malubhang paninira nina Senadr Salamanca at Vida sa Cortes ng
Espanya laban sa Noli me Tangere, gayundin ang mga manunulat na
sina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Kastila
• Pagpapatapon sa bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ni Gobernador
Weyler sa Tagbiliran, Bohol na walang anumang gnanap na paglilitis.
• Hindi pagpayag na mailibing ang kanyang bayaw na si Mariano
Herbosa sa Katolikong libingan. Kasunod nito ay pinalays ang asawang
si Lucia sa kanyang tahanan ng Hukuman.
• Pagdakip kay Laureano Viado dahilan sa nahulihan ito ng sipi ng Noli
me Tangere. Pinarusahan ito at binilanggo ng walang paglilitis.
Ang Kilusang Propaganda at ang Buhay sa
London at Paris
• Disyembre 11, 1888 – bumisita si Rizal sa Madrid at Barcelona upang
malaman ang kalagayan ng mga Pilipino
• Disyembre 23, 1888 – bumalik si Rizal sa London upang ipagdiwang
ang Pasko at Bagong Taon. Hindi naglaon, nagkalapit ang damdamin
ni Rizal at Gertrude Beckett. Tinuturuan siya ng babae sa wikang
Ingles at tinuturuan naman ito ni Rizal sa pagpipinta at paghahanda
ng clay para sa iskultura
• Disyembre 31, 1894 – itinatag at pinasinayaan ng mga Pilipino sa
Barcelona ang isang makabayang samahan na tinawag na La
Solidaridad. Si Rizal ay nahalal na Pangulong pandangal nito
La Solidaridad
Layunin ng La Solidaridad
1. Sulong ang isang mapayapang pagbabagong pulitikal at panlipunan
sa Pilipinas;
2. Ipakita sa mga mambabasa ang kalunos lunos na kalagayan ng
Pilipinas upang malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya;
3. Labanan ang mga paring Kastila sa Pilipinas na noon ay siyang
kumokontrol sa pamahalaan;
4. Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran; at
5. Isulong ang makatuwirang karapatan ng Pilipino para sa buhay,
demokrasya at kaligayahan.
Mga Artikulo na Naisulat ni Rizal
• Los Agricultores Filipino (Mga Magsasakang Pilipino)
• La Verdad para Todos (Ang Katotohanan para sa Lahat)
• Una Profanacion (Ang Kalapastanganan)
• Verdades Nuevas (Bagong Katotohanan)
• Cosas de Filipinas (Mga Bagay-bagay sa Pilipinas)
• Sobre la Indolencia de los Filipinos (Tungkol sa Katamaran ng mga
Pilipino)
Ang Kilusang Propaganda at ang Buhay sa
London at Paris
• Samahang Kidlat – samahan na itinatag ni Rizal sa Paris na
binubuo ng kanyang mga kababayang Pilipino. Ito ay
panandalian lamang a naglalayn na paglapitin ang mga
Pilipino sa Paris upang higit silang masiahan sa panunud ng
eksposisyon.
• Nagtatag din siya ng isang lihim na samahan na kilala sa
panitik na R.D.L.M. na ang kahulugan ay Redencion de los
Malayos (Ang Pagpapalaya sa Malayo)
Ang Kilusang Propaganda at ang Buhay sa
London at Paris
• Isa sa pinakamahalagang nagawa ni Rizal habang siya ay nasa
Paris ay ang paglilimbag ng kanyang anotasyon ng aklat ni
Morga na Sucesos de las Islas Filipinas
• Layunin nitong ipakita sa Pilipino ang pagkakaroon natin ng
mataas na kabihasnan bago pa man dumating ang mga
Kastila.

You might also like