You are on page 1of 12

Pagbibigay Kahulugan sa Pamilyar

at Di Pamilyar na Salita
Isaayos mo ayon sa pagkakasunod-sunod ng
bagong alpabeto. Lagyan ng bilang 1-8
-----------Xerox
-----------Karaoke -------
-----------Radyo
----------Pansit
----------Alkohol
----------Bangko
-----------Mesa
-----------Videoke
Pamilyar ba kayo sa mga salitang ito? Ibigay ang
kahulugan
Pamilyar ba kayo sa mga bagay na ito.
Alin sa mga ito ang di ka pamilyar?
Basahin ang liham.
29 Bonifacio St
Lubao, Pampanga
Setyembre 2, 2010

Dear Ate Lydia,


Tagahanga mo ako Ate Lydia.Lagi kong binabasa ang kolumn mo sa
Tanglaw. Magaganda ang mga payo mo sa nagpapadala sa iyo ng liham.
Alam mo, Ate Lydia,matagal ko nang nais kang sulatan.Tinutukso nga ako
sa klase dahil sa sobrang nipis ng buhok ko.Kita ang anit ko sa sobrang pino ng
buhok ko.Sabi ng nanay ko kinalbo na raw ako noong bata para kumapal ang
buhok ko ngunit nang tumubo ay manipis pa rin.
Ano kaya ang gagawin ko? May gamot kayang pampakapal ng buhok?
Sana’y tulungan mo ako, ate Lydia. Babasahin ko ang mga sususnod mong
kolumn upang malaman ang iyong kasagutan.
Maraming salamat at dalangin ko ang lalo pang tagumpay ng iyong
kolumn.

Sumasaiyo,
Eunice Perez
Pitak ni Ate Lydia

Mahal kong Eunice,

Maraming dahilan ang pagkakalbo ng buhok.Halimbawa ang mga


taong may kanser na sumailalim sa chemotherapy.Ang gamot na ito sa
mga kanser ay nakakalbo ng buhok.
Mayroon ding mga kaso ng “pansamantalang pagkalbo” na
maaring dulot ng ilang sakit,mga gamot,malnutrisyon o sobrang
tensiyon,pisikal man o emosyonal.At dahil nga pansamantala lamang,
muling tumutubo at kumakapal ang buhok sa loob ng ilang buwan
matapos na magamot ang pangunahing sanhi ng pagkakalbo. Baka ito
ang kaso mo,kaya mabuting sabihin mo sa mga magulang mong
patingnan ka sa doktor upang malaman ang sanhi ng sobrang nipis ng
buhok mo.
Masama ring ugali ang laging pagbe-braid o pagsasalabid ng
buhok o paggamit ng ponytails o curlers dahil nababanat nang husto
ang buhok at pwedeng magdulot ng pagkalagas ng buhok na maaring
mauwi sa pagkakalbo.
Para maiwasanang sobrang lagkalagas ng buhok, dapat nating
matutunan ang wastong pangangalaga nito. Kailangan ang tamang
pagsusklay. Araw-araw, kailangang nasuklat natin ito ng 25 pasada o
higit pa. Bakit kailngan ang pag ba-brush ng buhok? Sapagkat ang
“brushing” ay mahusay sa pag-aalis ng dumi sa buhok at tumutulong
na ikalat ang natural na langis na nasa anit sa mga puno at katawan ng
buhok. Nagpapalambot at nagpapakintab ng buhok ang natural na
langis. Kapag kumapit ang dumki, usok ng mga sasakyan at alikabok,
nawawala ang kintab ng buhok at naninigas ito.
Ang madalas na paggamit ng hair dye, hair spray o spray net na
usong-uso sa kababaihan, losyon at mga produkto sa pagkukulay ng
buhok; pagkukulot o pag-uunat ng buhok ay nakakaapekto rin sa
kintab ng buhok. Nagpapatuyo rin ito dahil sa nawawala ang natural oil
o likas na langis ng buhok.
Hindi rin maganda ang madalas na pagsa-shampoo o paghuhugas
ng buhok lalo na kung may kapinuhan at kanipisan ang buhok. Tuklasin
ang tamang shampoo na hiyang sa buhok mo. Gamitin mo ang suklay
at hindi brush kung basa pa ang buhok.
Kung gagamit ka naman ng hair dryer, timplahin
lamang sa tamang init at huwag masyadong ilalapit
ito sa buhok. Alalahanin mong ang sobrang init ay
maaaring magdulot ng pagkatuyo at pagiging
marupok ng buhok.
Hanggang dito na lamang at salamat sa
pagtangkilik mo sa aking kolum.

Sumasaiyo,
Ate Lydia
Sino kaya si ate Lydia?
Ano ang suliranin ni Eunice?
Ano ang pamilyar na salita?
Magbigay ng mga halimbawa nito batay sa
nabasang liham.
Ano ang di pamilyar na salita?
Ano-ano ang mga di pamilyar na salita ang
napapaloob sa liham?
Ano ang maaaring mangyari sa Madalas na
pagshampoo ng buhok? sa Sobrang init ng hair
dryer?
Ano-anong mahahalagang detalye ang iyong
• . Pangkatin ang mga sumusunod na salita.
Ilagay sa tamang hanay at ibigay ang
kahulugan nito.
Braid pino magulang doktor curlers
marupok kintab
kanser
nababanat produkto pagtangkilik
Ibigay ang katumbas na kahulugan ng mga
sumusunod na salita.
1.beauty parlor-
2. siopao-
3. kamiseta-
4. underpass-
5. supermarket-
• Ano natutuhan ninyo sa aralin.
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba.
Ikahon ang mga pamilyar at bilugan ang di
pamilyar na salita na ginamit sa
pangungusap at ibigay ang kahulugan nito.
1. Sikat na coach ang kanyang ama.
2. Hindi nila nakita ang elepante sa Manila
Zoo.
3. Nag-aaral kami ng computer
4. Madalas kaming maglaro ng video game.
5. May videoke ba roon?

You might also like