You are on page 1of 7

KAGALINGAN SA

PAGGAWA
KAGALINGAN
MGA KATANGIAN NA KAILANGANG TAGALAYIN UPANG
MAISABUHAY ANG KAGALINGAN SA PAGGAWA

1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga - Ang isang matagumpay na


tao ay may tiyak na pagpapahalagang humuhubog sa kaniya
upang harapin ang anomang pagsubok na pagdaraanan sa
pagkamit ng mithiin.
2. Pagtataglay ng positibong kakayahan - Upang maisakatuparan ang
mga mithiin sa buhay at magtagumpay sa anomang larangan,
kailangang pag-aralan at linangin ang mga kakailanganing kakayahan
at katangian.
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos - Ang pinakamahalaga sa
lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at
kagalingan kung ito ay ayon sa kalooban ng Diyos.
Tatlong yugto ng pagkatuto

1. Pagkatuto Bago ang Paggawa - Ang yugto ng paggawa ng iba’t


ibang plano na siyang magsisilbing gabay upang maging malinaw
ang mga layuning isasakatuparan.
a.) paglalarawan ng mga katangian ng tunguhin (goal)
b.) pagbuo ng konsepto
c.) pagtataya ng mga istratehiyang gagamitin ayon konseptong
binuo
d.) pagtukoy ng mga hakbang gagawin at paghahanda ng mga
kagamitang gagamitin
e.) pagkilala sa mga tutulong sa pagsasagawa ng kilos at
pagtatakda ng panahon ng pagkilos
2. Pagkatuto habang gingagawa – Ito ang yugto na magtuturo ng
iba’t-ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang
pagsasakatuparan ng mga tunguhin.

3. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain - Ito ang yugto ng


pagtataya kung ano ang naging resulta o kinalabasan ng gawain.
Mga kakayahang makatutulong upang magkaroon ng matalinong pag-
iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa
(“How to Think like Leonardo Da Vinci” ni Michael J. Gelb)

1. Mausisa (Curiosita) – Hindi kuntento sa simpleng sagot o


mababaw na kahulugan na kanyang narinig o nabasa.
2. Demonstrasyon (Dimostrazione) - Ito ang pagkatuto sa
pamamagitan ng mga di malilimutang karanasan sa buhay upang
maging matagumpay at maiwasang maulit ang anomang
pagkakamali.
3. Pandama (Sansazione). Ito ang tamang paggamit ng mga
pandama, sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.
4. Misteryo (Sfumato). Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang
katiyakan ng isang bagay, kabaligtaran ng inaasahang pangyayari.
5. Ang kalusugan ng pisikal na pangangatwan (Corporalita) - Ito ang
tamang pangangalaga ng pisikal na pangangatawan ng tao upang
maging malusog upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman.
6. Ang Pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione) – Ito
ang pagkilala at pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at mga
pangyayari ay may kaugnayan sa isa’t-isa.
7. Sining at Agham (Arte/Szienza) – Ito ang pantay na pananaw sa
pagitan ng agham, sining at imahinasyon. Binibigyang diin nito ang
kaalamang magpapatibay upang lalo pang maging malikhain ang
pag-iisip

You might also like