You are on page 1of 7

PAGLAKAS NG SIMBAHAN

AT PAPEL NITO SA
PAGLAKAS NG EUROPE
Group 5
• Habang nababawasan ang katapatan ng
ordinaryong mamamayan sa mga
panginoong may lupa, nakikita naman nila
ang Simbahan bilang bagong sentro ng
debosyon. Sa loob mismo ng Simbahan ay
tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na
naging dahilan upang lalong lumakas ang
kapangyarihan ng Papa.
• Sa pagsapit ng 1073, naging mas-
makapangyarihan ang Simbahan nang
itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan
ay bahagi ng kaayusang banal na
napapasailalim sa batas ng Diyos. Bilang
pinakamataas na lider-espiritwal at
tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula
kay San Pedro, ang Papa ang may
pinakamataas na kapangyarihan sa
pananampalataya at doktrina.
• Kaugnay nito, ang lahat ng Obispo ay
dapat namapasailalim sa kanya, gayundin
ang mga harina ang kapangyarihan ay
dapat lamang diumanong gamitin sa
layuning Kristiyano. May karapatan ang
Papa na tanggalin sa hari ang karapatang
mamuno kung hindi tumupad ang hari sa
kanyang obligasyong Kristiyano.
INVESTITURE CONTROVERSY
• ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng
Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga
ideya ni Papa Gregory VII. Hindi
nagustuhan ng Haring German na si Henry
IV ang ideya ni Papa Gregory VII. Para kay
Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa
Gregory VII ay tuwirang nakaapekto sa
mga kaugalian at usaping politikal sa
Germany.
• Dahil dito, humingi ng tulong si Henry IV sa
mga obispong German na pababain na sa
puwesto ang Papa. Bilang tugon, idineklara
ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa
Simbahang Katoliko.Hiniling ng hari na
alisin ang ekskomulgasyon sakaniya. Nang
hindi ito gawin ng Papa, tumayo si Henry IV
nang nakayapak sa labas ng palasyo ng
Canossasa hilagang Italya ng tatlong araw
noong 1077. Hinilingniya na alisin na ang
parusang ekskomulgasyon.
CONCORDAT OF WORMS
• Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si
Henry, ang nasabing insidente ay lalong
nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan.
Kalaunan, upang malutas ang nasabing isyu,
nagkaroon ng kompromisosa pagitan ng
Simbahan at ni Henry VI. Ito ang tinatawag na
“Concordat of Worms” noong 1122 nakumilala sa
dalawang tungkulin ng Obispo bilang lider-
espiritwal ng Simbahan at panginoong maylupa.
Kinilala nito ang Simbahan bilang isang
nagsasarilinginstitusyon na pinamumunuan ng
Papa na hindinapapasailalim sa sinumang hari.

You might also like