AWTORIDAD MODYUL 10 EDUKASYON S A PA G PA PA K ATA O 8 ANG PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORIDAD
Ang pagkilala sa halaga ng tao o
bagay ang nakapagtitibay sa kahalagahan ng paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa halaga. PAGGALANG
Nagsimula sa salitang Latin na “respectus”
na ang ibig sabihin ay “paglingon o pagtinging muli,” na ang ibig sabihin ay naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga. ANG PAMILYA BILANG HIWAGA
Ang pamilya ay malapit sa iyo dahil
sa: Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo. Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan. Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa ANG PAMILYA BILANG HIWAGA
Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmula
ang iyong pag iral sa magkakasunod at makasaysayang proseso na mula sa mga relasyong nauna sa iyong pag-iral. Ang kasalukuyang suliranin tulad ng kawalan o humihinang pagpapahalaga sa kabanalan, kawalan ng paggalang sa buhay at kamatayan (na nagiging dahilan nang kayabangan, pagkukunwari, pagkabagot o kawalan ng interes o kawalan ng pag-asa) ay ilan lamang sa mga patunay na di pagkilala sa halaga ng pamilya sa paghubog ng iyong pagkatao. ANG PAMILYA BILANG HALAGA
Ang pagkilala sa halaga ng pamilya at mga
kasapi nito ay naipakikita sa pagsusumikap na gumawa ng mabuti at umiwas sa paggawa ng masama. Ang karangalang tinataglay ng pamilya ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat kilalanin ng bawat kasapi nito. Maipapakita rin ang paggalang sa pamamagitan nang nararapat at naaayon na uri ng antas ng komunikasyon para sa mga bagong kakilala at sa mga mahal mo sa buhay, at di kailanman marapat ang magsalita nang masama, magmura o manglait ng kapwa. ANG PAMILYA BILANG PRESENSIYA
Ang pamilya ang nagsisilbing
proteksiyon sa mga kasapi, duyan ng pagmamalasakit at pagmamahalan, pinaglalagakan ng lahat ng mga karanasan, kalakasan, kahinaan, damdamin at halaga. Itinuturing ang pamilya na isang tahanang nag-iingat at nagsasanggalang laban sa panganib, karahasan at masasamang banta ng mga tao o bagay sa paligid at labas ng pamilya. Kung ang pansariling interes ng mga tao ang patuloy na mangingibabaw, magdudulot ito ng kaguluhan. Dahil dito, tungkulin ng lipunan na mapangalagaan ang kapayapaan, disiplina at kapakanan ng mga taong nasasakupan, alang-alang sa kabutihang panlahat. Sa pamamagitan ng mga batas na ipinatutupad, maiingatan at maipaglalaban ang dignidad at karapatan ng mga tao at mapagbubuklod sila tungo sa pagkamit ng layuning maging ganap. PAANO NATUTUTUHAN NG BATA ANG PAGGALANG AT PAGSUNOD?
1.Pagmamasid 2.Pakikinig at pagsasabuhay 3.Disiplina at pagwawasto PAANO MAIPAKIKITA ANG PAGGALANG AT PAGSUNOD SA MGA MAGULANG?
1.Pagkilala sa mga hangganan
o limitasyon 2.Paggalang sa kanilang mga kagamitan 3.Pagtupad sa itinakdang oras 4.Pagiging maalalahanin 5.Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal PAANO MAIPAKIKITA ANG PAGGALANG AT PAGSUNOD SA MGA NAKATATANDA? 1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap. 2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay. 3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay. 4. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang. 5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa kanila. PAANO MAIPAKIKITA ANG PAGGALANG SA MGA TAONG MAY AWTORIDAD? 1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga taong may awtoridad. 2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan. 3. Maging halimbawa sa kapuwa. 4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo. PAANO MAISASABUHAY ANG PAGGALANG NA GINAGABAYAN NG KATARUNGAN AT PAGMAMAHAL?
1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na
komunikasyon at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan. 2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto sa kaniyang pagkakamali. 3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa, sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila. 4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos. PAANO MAISASABUHAY ANG PAGGALANG NA GINAGABAYAN NG KATARUNGAN AT PAGMAMAHAL? 5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang. 6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapuwa upang makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan. 7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kanya at ang nararapat ay ang paggalang sa kanyang dignidad. PAANO MAISASABUHAY ANG PAGGALANG NA GINAGABAYAN NG KATARUNGAN AT PAGMAMAHAL?
8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang
madaliang paghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na salita. 9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.