Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 26 El Filibusterismo
Kabanata 26 El Filibusterismo
26:
Ang Paskin
Tauhan:
• Basilio • Isagani
-si Basilio ay -si Isagani ay isang
estudyante ng estudyanteng makata.
medisina. Siya ay Kasintahan niya si
kasintahan ni Huli. Paulita.
• Macaraig • Padre Fernandez
-si Macaraig ay -si Padre Fernandez
mayamang estudyanteng ay isang dominikanong
sumusuporta sa propesor.
pagtatag ng Akademya
ng Wikang Kastila.
• Sandoval • Tadeo
-si Sandoval ay isang -si Tadeo ay kabilang
estudyanteng kastila sa mga estudyanteng
na kapanalig ng mga nagsusulong para sa
mag-aaral sa usapin Akademya ng Wikang
ng Akademya ng Wikang Kastila.
Kastila.
• Pelaez
-si Juanito Pelaez ay
estudyanteng kabilang
sa kilalang sa
angkang may dugong
Kastila. Nais niyang
mapangasawa si
Paulita Gomez.
Talasalitaan:
• Linsensiyatura- • Paskin- poster
lisyensang ipinagkaloob • Tumalilis- nakaalis
sa mga nag-aral upang • Inusig- hinabol
maisagawa ang kanilang
propesyon.
• Katedratiko- isang
batang Dominikano na
gumanap nang
kahusayan at bantog sa
kanyang pagtuturo sa
katedra sa kolehiyo ng
San Juan de Letran.
Buod
Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo
sa ospital. Nais niyang pakialaman ang kanyang
linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw
ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang
gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay
Huli.
Sa tapat ng San Juan de Letran ay may
nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon. Iniugnay
niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun.
Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa
nagbabalita. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.
Nakasalubong niya ang isang katedratiko na
malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung nasa
piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw
at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa
kapisanan ay pinayuhan nito ang binata na
umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasukatang
magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si
Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang
mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino.
Dito’y may ibang mga kamay na
nakapangingilabot, anang katedratiko.
Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na
tulisan. Wala raw. Panay raw mga estudyante.
Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o
mga paskin na mapanghimagsik.
May nasalubong silang isa pang katedratiko
na kakilala ni Basilio,. Ang una: Nangangamoy na
si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga
uwak at buwitre.
Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga
karagdagang balita. Marami raw estudyante ang
papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa
pag-aaral.
Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa
oras na kayo’y itiwalag nila di kayo makatatapos
sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na
may kinalaman si Simoun sa mga paskil.