You are on page 1of 7

Mga teorya ng

pinagmulan ng wika
Teoryang bow-wow
• Pinaniniwalaan sa teoryang ito na
nagmula ang wika sa panggagaya ng
tao sa tunog ng kalikasan.
• Halimbawa: ngiyaw ng pusa, tilaok ng
manok, lagaslas ng tubig sa ilog at iba
pa ay patunay na ang likas na tunog sa
paligid ay may malaking kinalaman sa
pagbuo ng salita o wika.
Teoryang ding-dong
• Kilala rin ito sa tawag na teoryang natibistiko na
ayon sa mga haka-haka ay may misteryosong
ugnayan ang mga tunog at ang katuturan ng isang
wika.
• Ito ay hango sa mga tunog na nalilikha ng mga
bagay sa paligid. Basehan nito ang instinktibong
kakayahan ng tao batay sa mga impresyon mula sa
paligid, tumutugon ang tao sa tunog na maririnig.
Halimbawa:
Tunog ng kampana, tiktak ng orasan, langingit ng
kawayan, talbog ng bola at iba pa.
Teoryang Pooh-pooh
Mula sa masidhing damdamin
nakabubulalas tayo ng tunog at iyon
ang pinupunto ng teoryang ito. Natuto
raw tayo mangusap dahil sa
damdaming ating nais ipahayag tulad
ng galit, tuwa, lungkot, takot,
pagkabigla at iba pa.
Halimbawa: Pansinin ang isang
Pilipinong napabulalas ng sakit. Hindi
ba’t napapa-aray! Siya
Teoryang Yo-he-ho
• Teoryang nakatuon sa puwersang
pisikal ng tao.
• Halimbawal: subukin mong bumuhat
ng dalawang malaking container na
may lamang tubig. Hindi ba’t tila may
nauusal kang tunog dulot ng
paglalaan ng pisikal na lakas sa
pagbubuhat?
Teoryang Ta-ta
• Ang ta-ta ay salitang Pranses na
nangangahulugang goodbye o paalam.
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na sa
kumpas ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bwat particular na oksayon
ay sinusundan ng paggalaw ng dila at
nagging sanhi upang matutong makabuo
ang tao. Pansinin na tuwing tayo ay
magpapaalam tiyak na magkasabay ang
pagsambit ng salita at kumpas ng kamay.
Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay
• Ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nalikha ng
mga sinaunang tao mula sa ritwal at dasal. Likas
sa mga sinaunang tao ang paggamit ng ritwal sa
lahat ng kanilang Gawain tulad ng pagkakasl,
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, panggagamot,
pagluluto at iba pa.
• Ang ritwal ay kinasasangkutan ng pagsasayaw,
pag-awit, pagdarasal, pag-ungol, at pagbulong.
• Kalaunan ang mga tunog na nalikha ay
nagpabago-bago at nilapatan ng kahulugan.

You might also like