You are on page 1of 30

Aralin 2

1986 EDSA People Power


Revolution
 
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan,
na tinatawag ding  Rebolusyon sa
EDSA ng 1986 ay isang
mapayapang demonstrasyon na
nagtagal ng apat na araw sa 
Pilipinas, mula Pebrero 22
hanggang Pebrero 25 ng taong
iyon.
Nag-ugat ang nasabing rebolusyon
sa serye ng mga kilos protesta ng
mga tao laban sa diktaturyang
pamumuno niFerdinand Marcos,
lalo na noong napaslang si Ninoy
Aquino noong 1983.
Maraming mga tao ang nakilahok
dito-mga sibilyan, militar at mga
alagad ng simbahan tulad ni 
Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng
pagbagsak na pamahalaang
diktatoryal ni PangulongFerdinand
Marcos at ang paghalili ni 
Corazon Aquino sa posisyong nilisan
ni Marcos.
Naganap ang mga
demonstrasyon sa Epifanio
de los Santos Avenue
(EDSA), isang mahalagang
daan sa Kalakhang Maynila.
Pebrero 22, 1986

Nagsagawa ng Press Conference sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Lt. Gen. Fidel Ramos upang ipahayag
ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos
Nanawagan si Manila Archbishop
Jaime Cardinal Sin sa taong bayan
na magtungo sa Camp Aguinaldo at
Camp Crame upang suportahan at
protektahan sina Ramos at Enrile
at maiwasan ang pagdanak ng
dugo kung sakaling aarestuhin ng
mga tauhan ni Marcos ang dalawa.
Isinagawa niya ang panawagan sa
pamamagitan ng Radio Veritas.
Nagsimulang mapuno ng tao ang
kahabaan ng EDSA.
Pebrero 23, 1986 ---Ipinalabas sa
telebisyon ang pahayag ni Marcos
na may nagaganap nang
negosasyon sa pagitan ng
pamahalaan at ng kampo nina
Enrile at Ramos.
Sinira ng mga tauhan ni Marcos
ang transmission ng Radio Veritas
at inangkin ang istasyon.
Nagplano sina Gen. Ver at Ramos
na lusubin ang Camp Crame.
Lalo pang dumami ang mga tao na
nagtungo sa EDSA upang ipahayag
ang kanilang pagnanais na
mapaalis si Marcos.
Pebrero 24, 1986 
Inanunsiyo sa radio na umalis na
ng bansa si Pangulong Marcos.
Subalit ito ay isang panlilinlang
lamang sa taong bayan.
Sinugod at inangkin ng taong
bayan ang Channel 4, ang istasyon
na pagmamay-ari ng gobyerno.
Idineklara ni Marcos ang curfew
mula ika-6 ng gabi hanggang ika-6
ng umaga. Walang sumunod sa
kaniyang kautusan.
Nanindigan ang mga mamamayan
sa EDSA sa kabila ng balita na
paparating ang mga tangke at
armadong helicopter upang sila ay
puwersahang paalisin.
Pebrero 25,1986 
Nanumpa si Corazon Aquino bilang
Pangulo ng Pilipinas sa pamumuno
ni Supreme court Associate Justice
Claudio Teehanke. Isinagawa ito sa
harap ng kaniyang mga
tagasuporta sa Club Filipino.
Nanumpa rin bilang Pangulo ng
Pilipinas si Ferdinand Marcos sa
harap ng kaniyang mga loyalista sa
Malakanyang.
Nilisan ni Pangulong Marcos ang
Malakanyang kasama ang kaniyang
pamilya at ilang tauhan. Nagtungo
sila sa Clark Airbase sa Pampanga
at mula dito ay nagtungo sa
Hawaii, sa United States.
Nagdiwang ang mga Pilipino nang
mabalitaan nila ang paglisan ni
Marcos. nagtapos ang mahigit sa
20 taong pamumuno ni Marcos sa
pamamagitan ng mapayapang
pagkilos at puwersa ng
nagkakaisang taong bayan.
Pamprosesong Tanong:

1.    Ano ang EDSA?


2.    Masasabi mo ba na ang 1986
EDSA People Power Revolution ay
pagkilos para makamit ang
kalayaan? Bakit?
3.    Nakamit ba ang pagkakaisa ng
iba’t ibang sector ng lipunan dahil
sa nasabing pangyayari?
Patunayan.
4.    Sa iyong palagay, ano
ang nagging dahilan sa likod
ng tagumpay ng 1986 EDSA
People Power Revolution?
Ipaliwanag.
 
 
Awit-tanong:
        Pakinggang mabuti ang
kantang Handog ng Pilipino sa
Mundo, suriin ang nilalaman nito
at pagkatapos sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

You might also like