You are on page 1of 30

Rebyu Sa

Batayang Kaalaman
sa Pananaliksik
1. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon

2. Pagbabasa at Pagbubuod ng
Impormasyon

3. Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik


4. Pagsasalin, Paraphrasing Atbp.

5. Pagbabalangkas
PANANALIKSIK
MAG-UMPISA TÁYO SA salitâng Research .
Napakahalagang salitâ. Sa OxFord Concise
Dictionary (2006), sinasabing isa itong “
investigation into and study of materials and
sources in order to establish facts and reach
new conclusions .”

Mahalaga sa naturang depinisyon ang


panlaping re- na ngangahulugang “muli,”
bagaman kung mula daw sa Lumang French,
nagpapahayag ito ng “matinding puwersa.”
Ang ibig sabihin, ang isinasagawang
imbestigasyon at pag-aaral ng mga
materyales ay isang paraan ng “muling
paghahanap,” ngunit kung ilalahok ang
gamit ng mga French, isa itong “matinding
muling paghahanap.”

Ng “mga katunayan”
(facts). Dagdag pa, ayon
Ng ano? sa Oxford, ng “bagong
mga kongklusyon” (new
conclusions).
Ginámit namang niláng katumbas ng
salitang Ingles ang research na ang ibig
sabihin ay
“saliksik” o “pananaliksik.”

Isang katutubo at sinaunang salitâ ang


saliksík.

Sa Vocabulario nina Noceda at


Sanlucar, nakalimbag na kahulugan
nitó ang buscar por todos los rincones
(“hanapin sa lahat ng sulok”).
May tindi at sigasig ang paghahanap dahil
kailangang gawin ito sa “lahat ng sulok.”

Kailangang sa kahit saan


at sa kaliit-liitang bahagi
ng pook na ginagamit sa
paghahanap.

Taglay din nitó ang


pahiwatig ng paulit-ulit
na paghahanap upang
makatiyak na walang
puwang na nakaligtaan.
Ang pangwakas na tungkulin ng saliksik ay
karunungan.

Ang isinasaad ng karunungang


na katunayan” nakabatay sa mataimtim na
at “bagong pagsusuri ng mga
kongklusyon” ebidensiya, sa isang bandá;
sa depinisyon
at ng karunungang
ng research ay
makapagsusúlong sa estado
kapuwa
ng kaalaman at
nauukol sa makapagbibigay ng higit na
pagtatamo ng matatag na direksiyon sa
karunungan— pananaw at pamumuhay ng
tao.
Samakatuwid, pananaliksik ang
pangkalahatang tawag sa mga
kaparaanang tumutukoy sa proseso ng
pagsagot ng mga makabuluhang tanong
na maaaring humantong sa
pagkakatuklas ng bagong kaalaman sa
lahat ng bagay, mula sa ating materyal na
realidad hanggang sa mga pilosopikong
tanong tungkol sa ating pag-iral.
May apat itong bahagi:

(1) ang pagbuo ng makabuluhang


tanong;

(2) ang paghanap ng mga pamamaraan


upang masagot ang tanong;

(3) ang pagsusuri ng nalikom na datos


batay sa idinisenyong pamamaraan;

(4) ang pagharap ng kasagutan sa


orihinal na tanong sa madla.
Layunin ng Pananaliksik

Ayon kina Calderon at Gonzales(1993) ang mga


sumusunod ay ilan lamang sa mga tiyak na layunin
ng pananaliksik::

1. Upang makadiskubre ng mga


bagong kaalaman hinggil sa mga
batid nang penomena.
2.       Upang makakita ng mga sagot
sa mga suliraning hindi pa ganap na
nalulutas ng mga umiiral na metodo at
informasyon.
3.   Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at
makadevelop ng mga bagong instrumento o
produko.

4. Makatuklas ng hindi pa
nakikilalang substances at elements.

5.       Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya


sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan
at iba pang larangan.
6.       Masatisfay ang kuryosidad ng
mananaliksik.
7.       Mapalawak o maverify ang mga
umiiral na kaalaman.
1. Pagpili ng Batis (Sources)
ng Impormasyon

Primaryang Batis
 Sekondaryang Batis
Pasalitang Kasaysayan
Kasaysayang Lokal
Nationalist Perspective
History from Below
Pantayong Pananaw
Pangkaming Pananaw
Primaryang Batis
Naglalaman ng
mga
impormasyon na
galing mismo sa
bagay o taong
pinag- uusapan Sekondaryang batis
sa kasaysayan. Batayang ang
impormasyon ay
mula sa
pangunahing batis
ng kasaysayan.
Pasalitang Kasaysayan

Kasaysayan na sinambit ng bibig.

Kasaysayang Lokal

Kasaysayan na nagmula sa ating lugar.

Nationalist Perspective

Pagtingin o perspektiba na naaayon o


mas pabor sa isang bansa.
History From Below

Naglalayong kumuwa ng kaalaman batay sa


mga ordinaryong tao.

Binibigyang pansin nito ang


kanilang mga karanasan at
pananaw, kaibhan sa
estereotipikong tradisyonal na
pampulitikang kasaysayan at
tumutugon sa gawa at aksyon ng
mga dakilang tao.
Pantayong Pananaw

Isang metodo ng pagkilala sa


kasaysayan at kalinangang Pilipino na
nakabatay sa “panloob na
pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay
ng mga katangian, halagahin (values),
kaalaman, karunungan, hangarin,
kaugalian, pag-aasal at karanasan ng
iisang kabuuang pangkalinangan—
kabuuang nababalot sa, at
ipinapahayag sa pamamagitan ng
iisang wika.
Pangkaming Pananaw
“Pangkaming Pananaw” ang nagawa ng hanay
ng mga Propagandista tulad nina Rizal,
Luna atbp. bilang pamamaraan sa paglilinang
ng kabihasnan natin.
Ang kausap nila sakanilang mga nilalathala ay
ang mga banyaga—partikular ang mga
kolonyalistang Kastila.

Ang mga Kastilang ito na pinapaniwala ang mga


indio na sila ang nagdala ng ‘kaliwanagan’ sa atin
(bunga ngrelihiyon) at utang natin ito sa kanila dahil
tayo daw ay mga barbaro at walang sariling
sibilisasyonkung hindi pa sila dumating dito sa atin.
Pansilang Pananaw

Sa perspektiba ng PP "pansilang pananaw"


ito na na-absorb o ipinagpapatuloy ng
kasalukuyang mga antropologong Pilipino
(sa nasyonalidad ngunit siguro hindi sa
kultura at wika).

Ibig sabihin, wala pa nga sa Pangkaming


Pananaw ang aghamtao sa Pilipinas (na
ginanagawang mga may nasyonalidad na
"Pilipino").
2. Pagbabasa at Pagbubuod ng
Impormasyon

Kahulugan ng Pagbasa

Ang pagbasa ay ang pagkilala at


pagkuha ng mga ideya at
kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas
nang pasalita.
Paraan din ito ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya sa mga
simbolong nakalimbag. (Austero,et.al.,1999)

Ang pagbasa ay isang psycholinguistic


guessing game. Ang isang mambabasa ay
bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango
sa tekstong kanyang binasa. -
1. ISKANING

 pagbasa sa mga susi na


salita o key word, pamagat
at sub-titles.

Halimbawa nito ay
pagtingin sa diyaryo upang
alamin kung nakapasa sa
isang Board Examination,
pagtingin ng winning
number ng lotto.
/2. SKIMMING
 pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na
pagbasang magagwa ng isang tao.
ito ay pahapyaw na Ito rin ay pagtingin o
bumabasa ng mga paghanap sa
pahiwatig sa seleksyon mahalagang
katulad ng pamagat at impormasyon, na
paksang pangungusap. maaaring makatulong
Binabasa niya nang sa pangangailangan
pahapyaw ang kabuuan ng tulad ng term paper o
seleksyon at nilalaktawan pamanahong papel,
ang mga hindi kawili-wili riserts at iba pa.
sa kanya sa sandaling iyon.
3. PREVIEWING

Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa


aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at
ang estilo at register ng wika ng sumulat.

Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis


na pagbasa at pag-unawa sa babasa.
May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing
gaya ng mga sumusunod:

a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na


karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga
talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan,
graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o
nilalaman.
4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian.
Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang
may inaantay o pampalipas ng oras.

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may Maaari rin ang pagbasa
layunin malaman ang ng aklat sa layunin
impormasyon tulad masagot ang takdang-
halimbawa ng pagbasa aralin. Ito rin ay pagbasa
sa pahayagan kung may na may hangarin na
bagyo, sa hangarin
mapalawak ang
malaman kung may
kaalaman.
pasok o wala.
Kahulugan ng Buod
Siksik at pinaikling bersiyon ito ng
teksto.

 Ang teksto ay maaring nakasulat,


pinanood o pinakinggan.

 Pinipili rito ang pinakamahalagang


ideya at sumusuportang ideya o datos.

 Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at


kronolohikal na daloy ng mga ideya ng
binuod na teksto.
Pangunahing Katangian ng Pagbubuod

Tinutukoy agad ang


pangunahing ideya o punto
kaugnay ng paksa

Hindi inuulit ang mga salita


ng may akda;bagkus ay
gumagamit ng sariling
pananalita

Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa


dito ang buod
Mga hakbang sa pagbubuod
1. Basahin, panoorin o pakinggan muna
nang pahapyaw ang teskto.

2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang


pinanood o pinakinggan. Tukuyin ang
paksang pangungusap o pinaktema.
Tukuyin ang key words.

3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang


ito upang mabuo ang pinakapunto o
tesis.
4. Sulatin ang buod.
Tiyakin ang organisasyon
ng teksto.
5. Huwag maglagay ng mga
detalye, halimbawa at
ebidensya.

6. Makakatulong ang signal word o mga


salitang nagbibigay-transisyon sa mga
ideya gaya ng :
- gayunpaman
-kung gayon
-bilang pangwakas 
7. Huwag magsinggit ng mga opinyon.
8. Suriin ang dayagram sa ibaba.
Sa pagbubuod ng mga piksyon, tula,
kanta at iba pa, maaring gumawa
muna ng story map o graphic
organizer upang malinawan ang
daloy ng pangyayari.

Pagkatapos isulat ang buod sa isang


talata kung saan ilalahad ang
pangunahing karakter, ang
tunggalian at ang resolusyon ng
tunggalian.

You might also like