FOUNDATION ANGELES CITY KOLEHIYO NG EDUKASYON DEPARTAMENTO NG FILIPINO
VICENTING BINGI Jose Villa Panganiban
Guerrero, Calica Lawrence B.
BSED-3B HEARING IMPARED III. MGA TAUHAN 1. Senyorito (anak) – anak siya ng kumupkop kay Vicente Pilyo at makulit, may katigasan ang ulo at kalooban. 2. Papa – ama ng tinatawag na “Senyorito”. Ang nagligtas at kumupkop kay Vicente. 3. Vicenting Bingi – lalaking iniligtas ng mag-ama. Natagpuan siya sa harap ng bahay nila sa putikan at nilalagnat. 4. Padre – pari na nagmisa sa bangkay ni Vicente. IV. BUOD
Isang araw ay may natagpuan ang mag-ama na
nilalagnat sa harap ng bahay nila. Siya ay putikan at basang-basa. Gumaling naman ang lalaki at kinupkop na lamang dahil sa mga kabutihang kanyang ginagawa. Siya ay pinangalanang Vicenteng Bingi. Siya ang naging body guard ng anak nito. Siya ang sumasalo sa lahat ng kamalian ng bata. Dahil nga sa murang kaisipan ng bata ay walang halaga sa kanya ang mga pagmamahal na iniuukol ni Vicente. Isang pangyayari ang ikipinahamak ni Vicente dahil sa pag-ako nito sa pagputol sa buhok ng batang babae ng kandilang may ningas na ginawa ng batang pilyong kanyang senyorito. Dahil nga rito ay hinuli at kinulong si Vicente samantalang ang bata ay pinaluwas ng kanyang ama sa Maynila at dinala sa Semenario de San Javier. Ilang taon din ang kanyang ginugol doon. Nang muling mag-asawa ang kanyang ama ay pinahintulutan siya na makauwi sa Paniqui. Doon na lamang niya nalaman na namatay si Vicente sa pagkakaroon ng pulmonya dahil sa pag- aalaga ng mga manok pagkaraan nitong makalaya. Malaki ang pagsisisi niya dahil binalewala niya ang atensyong iniukol ni Vicente para sa kanya. Pinamisahan na lang niya ang puntod ni Vicenteng Bingi. V. PAGSUSURI 1. Panahong Kinabibilangan: kasalukuyang panahon at panahong darating pa. 2. Mga Sariling Puna: naging makatotohanan ang kwento dahil sa lugar na ginanapan at karaniwan itong nangyayari. May taglay na kahiwagaan dahil bihira na lamang ang taong katulad ni Vicenting Bingi para maintindihan.. Ang kulang lamang ay ang pagbibigay ng pangalan ng mga tauhan tulad ng “papa” at “senyorito”. Walang pangalan itong binaggit kundi “ang aking papa” at tulad ng “anak” at “senyorito”. Hindi nabigyan man lang ng palayaw para mas madaling maikwento ito nang maayos kung sino at ano ang sinasabi ng may-akda. Maganda ang kanyang naging panimula kaya nakawiwiling basahin. =GINTONG KAISIPAN=
“Ang mga kapuspalad ay may puwang din sa
lipunan” Tulad ni Vicente na isang kapuspalad ngunit may malaking ginagampanan o naging importante sa buhay ng bata at naging huwaran ng kagandahang-asal sa lipunan.