You are on page 1of 12

KAKAYAHANG

SOSYOLINGGUWISTIKO
-Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko
ang kakayahang gamitin ang wika nang may
naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan
para sa isang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon.
HALIMBAWA: Magandang araw po! Kumusta po kayo?
(pakikipag-ugnayan
sa mga nakatatanda at may awtoridad.
SPEAKING NI DELL HYMES

• Ang sosyolohistang si DELL HYMES ay


nagdebelop ng isang modelo sa pagsusuri ng
diskurso bilang isang serye ng sitwasyon at
akto ng pagsasalita sa loob ng isang
kontekstong kultural. Ito ay ibinatay niya sa
salitang SPEAKING.
SPEAKING NI DELL HYMES
• S-SETTING AT SCENE
• P- PARTISIPANTE
• E-ENDS
• A-ACT SEQUENCE
• K-KEYS
• I-INSTRUMENTALITIES
• N-NORMS
• G-GENRE
SETTING AT SCENE
• Setting at Scene (Saan Nag-uusap) Ang setting ay
tumutukoy sa panahon at lugar ng akto ng
pagsasalita. Samakatuwid, ito ang pisikal na mga
pinangyayarihan ng talastasan. Isang halimbawa
nito ang klasrum. Samantala, ang scene ay
psychological setting o cultural definition ng isang
senaryo, kabilang na ang mga katangian gaya ng
lawak o saklaw ng pormalidad at pagka-seryoso.
PARTISIPANTE
•Partisipante (Sina ang kausap?) Sila ang
ispiker at awdyens. Paglilinaw, gumawa
ng distinksiyon ang mga linggwista sa
kategoryang ito.
ENDS
•Ends( Ano ang layunin?) Sakop nito
ang layunin, hangarin at kalalabasan
ng proseso ng komunikasyon.
ACT SEQUENCE
•Act Sequence ( Takbo ng usapan). Ito ay
anyo ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. May mga usapang
nagsisimula sa biruan, napupunta sa
asaran, humahantong sa pikunan at
nauuwi sa awayan.
KEYS
• Keys (Pormal o Impormal) Nakakita ka na ba
ng isang taong nakashort sa isang
kumperensiya o seminar sa isang kilalang
unibersidad? O di kaya ay isang taong naka-
gawn o barong habang naglalaro ng
basketball?Kung pormal ang okasyon, paano
ka makikipag-usap? Ano ang mga salitang
gagamitin mo?
INSTRUMENTALIE
S
• Instrumentalies ( Ano ang midyum ng usapan?)
Tumutukoy sa tsanel o daluyang gagamitin ng
mga kalahok sa pakikipagtalastasan. Maaari mo
bang ikwento sa iyong kaibigan ang isang
telenobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng
text. Susulat ka ba sa fire station upang sabihing
may sunog na nagaganap sa inyong lugar?
NORM
• Norm (Ano ang paksa ng usapan?)
Mahalagang malaman ng isang indibidwal
ang paksa ng usapan bago siya makisali sa
naturang talastasan. Tandaan, minsan mas
makabubuting itikom ang bibig kung hindi
maka-relate sa usapan kaysa magsimula ka
pa ng kalituhan o kaguluhan.
GENRE
•Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo
ba? Nagmamatuwid? Naglalarawan?)
Mahalagang malaman ng isang tao ang
genre na ginagamit ng kanyang kausap
nang sa gayo’y malaman din niya kung
ano ang genre na kanyang gagamitin.
• JEFF ANDRY SALCEDO
• CHRISTIAN PAUL CAUNGA
• MICHELLE KHAY PEDROSO
• ANTHONY AGABON
• SHERILYN BENJAMIN
• RUBELYN PONTENEGRA
• MARNIE ESPANOLA
• JOHN MARK MAGBANUA

You might also like