You are on page 1of 18

ARALING PANLIPUNAN 6

LAYUNIN:
Nasusuri ang sistema ng pamamahala sa panahon ng mga
hapones.
PAKSA: Pagsusuri sa sistema ng pamamahala sa
panahon ng mga Hapones
AP6KDP-IIf-g-7
https://www.slideshare.net/diiinsexy/pamamahala-ng-hapones-
sa-pilipinas

Ppt. by: AMLB- SVES, Bińan


Magandang Umaga mga
bata! Anu-anong naririnig
nyong mga balita sa
kasalukuyan dito sa loob
at labas ng bansa ?
Balik-aral:

Laro: Pasahan ng Bola

Ipapasa ang bola at sa pagtigil ng awit ay magbigay


ng patakaran na naging kontribusyon sa pagsasarili
ng Pilipinas sa kamay ng dayuhan.:
SURIIN ANG
MGA
LARAWAN

1.Sa iyong palagay, ano kaya


naging relasyon ng bansang
Pilipinas sa bansang Japan
sa sistemang pamamahala
ng bansang Pilipinas?

2.Nakabuti nga ba sa
kapakanan ng mga Pilipino
ang mga hangarin ng mga
hapon para sa ating bansa?
Gawain 1: Pagbasa ng Slides/Talata
Sistema ng Pamahalaan ng mga Hapones
Sa simula, nagtatag ng isang pamahalaang militar ang mga Hapones sa
Pilipinas. Ang mga kautusang ipinatupad nila ay mula sa Japan. May mga
patakarang ipinasunod sa mga Pilipino. Hindi maaaring gumala sa mga kalsada
kapag gabi. Pinapatay ang lahat ng mga ilaw. Kinukumpiska ng mga hapones
ang lahat ng mga armas mga baril. Hindi nila pinagamit ng mga radio ang mga
Pilipino upang hindi makakuha ng impormasyon tungkol sa mga balita sa labas
ng bansa, lalo na ang tungkol sa mga Amerikano. Hangad ng mga Hapones na
magtatag ng isang papet na pamahalaan na magpapatupad ng mga patakarang
Hapones sa bansa. Ipinakita ng mga Hapones na nais nilang bigyan ng
kapayapaan, kalayaan, at kasaganaan ang mga Pilipino. Naisa nila na makiisa
ang mga Pilipino sa pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
Gawain 1: Pagbasa ng Slides/Talata

Hindi naman naniwala ang mga Pilipino sa ipinakita ng mga


banyaga. Isang magandang pangako ang Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere Sa pamamagitan nito, ipinahayag ni Punong
Ministro Hideki Tojo ang pagbibigay ng kasarinlan ng Pilipinas
noong Mayo 6, 1943 sa Luneta. Itinatag ang Preparatory
Commission for Philippine Independence sa pamumuno ni Jose
P. Laurel upang bumuo ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas.
Nilagdaan ng mga kasapi nito ang nabuong Saligang Batas
PANGKAT Gawain2: PANGKATANG GAWAIN
1
Ano- anong mga patakaran ang ipinatupad ng bansang
Japan para sundin ng mga Pilipino? Kilalanin ang mga
pinagbawal ng mga Hapones sa mga larawang ito.
Ipaliwanag.
PANGKAT Bakit nais ng mga hapon na sumapi ang bansang
2
Pilipinas sa pagtatatag ng Greater East Asia Co-
Prosperity? Ang mga larawan ay nagpapakita ng
mga layunin. Ipaliwanag ito.

KASAGANAAN
Ano ang naging layunin ng Preparatory Commission for
PANGKAT
3 Philippine Independence na pinamunuan ni Jose P. Laurel?
Ipaliwanag.
PANGKAT Anong mga balakid ang kinaharap ng mga Pilipino lalo
4
na ang pangulo ng Pilipinas na si Jose P. Laurel sa
sistemang pamamahala ng mga Hapon?Ipaliwanag ang
mga larawan

Matinding gutom Kahigpitan Puppet government


Pag-uulat at talakayan ng bawat pangkat
Ano ang naging
ugnayan ng mga
Hapones sa mga
Pilipino sa
sistema ng
pamahalaan sa
ating bansa?
INDIBIDWAL NA GAWAIN:

Sa inyong palagay, bakit nasabing kahit Pilipino na ang


namumuno sa panahong ito hindi pa rin masasabi na siya ay
makapangyarihan at makakapagbigay ng kapayapaan,
kalayaan at kasaganaan sa mga Pilipino?
INDIBIDWAL NA GAWAIN:

Sa inyong palagay naging maayos at matiwasay ba ang


pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng pamamahala ng
mga hapon? Paano nila ito kinaharap at binigyang pansin?
Paglalapat:
PANGKATANG GAWAIN

Pangkat 1-Paggawa ng Rap Jingle


Pangkat 2 Paggawa ng Poster
Pangkat 3- Pagdudula-dulaan
Pangkat 4-Paggawa ng tula
 
Pagtataya

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pahayag ay nagsasabi ng Tama at
malungkot na mukha ( ) kung ang pahayag ay nagsasabi ng Mali.

______1. Ang mga Hapones ay nagbigay ng matiwasay


at maayos na pamumuhay sa mga Pilipino.
______2. Si Jose P. Laurel ang naging pangulo ng
Pilipinas noong panahon na pinamamahalaan tayo ng
mga Hapones.
______3. Hindi naging pantay o patas ang mga Hapones
mga Pilipino at naging mahigpit sila sa paglalathala ng
mga babasahin, mga palabas sa tanghalan, radyo at sa
pelikula.
______4. Tinatatag ang Preparatory Commission for
Philippine Independence at pinamunuan ito ng Punong
Ministro Hideki Tojo ng bansang Hapon.
______5. Hindi binibigyan pansin ng mga hapones ang
pagkuha o pagkumpiska ng lahat ng armas at baril na
mayroon ang mga Pilipino na para sa seguridad.
Takdang Aralin:
Sumulat ng tatlong talata na
nagpapahayag ng iyong reaksiyon sa
sistema ng Pamahalaan ng mga Hapones
sa bansang Pilipinas. Isulat ito sa isang
buong papel.

You might also like