You are on page 1of 5

EMOSYON

• Lugar ng Pinuntahan
- Nakatutuwang makita ang ilang kakaibang bahagi ng
SM Harrison. Maraming mga tindahan at
establisimyento ang tila hindi natural na nakikita sa
loob ng Mall. May mga boyika, tindahan ng damit,
brand ng produkto na hindi kilala. Mas nakatawag
pansin at narasan ko pang bumili sa ukay-ukay.
Nakalulungkot ding isipin na parang napaglipasan na
ng panahon ang dating makinang na bahagi ng
lungsod ng maynila. Kung nag ibang mall ay
umaawas sa at nagsisiksikan ang laman; halatang-
halata sa SM Harrison na maraming bakanteng
espasyo na lalo pang pinaluwag dahil sa nilalangaw sa
unti ng mga tao.
Nassisilbi lamang itong pansamatalang pahingahan
ng mga taong nakatira sa paligid ng mall o kaya’y
lagusan o daanan ng mga tao na magtutungo sa
ibat-ibang panig na malapit sa mall.
• Paglalakad
- Masayang maglakad nang magkakasama. Isaito sa
simula ng bagong pagkakaibigan sa aking mga naging
kapangkat. Halakhakan, twanana, asaran. Sa aming
halos dalawang oras ng pagtambay, pagkain, at
paglalakad sa loob ng mall, nakakilala ako ng mga
bagong kaibigan na posibleng maging kaagapay at
kasangga sa pagharap sa hamon ng ants graduwado.
Ang paglalakad ay nagbunga ng malalim na
bahaginan na bahaginan ng mga buhay-buhay ng
bawat isa ukol sa trabaho, pag-ibig, pamiya, at kung
ano-ano pang usapin.
• Paksa
- Lahat ng naiisip na paksa ay may kaugnay na
emosyon. Punong-puno ng mga katanunganna
nahahaluan ng ibat-ibang damdamin. Lungkot sa mga
pagkakataong nakikitang naghahabulan ang mga
batang yagit. Halatang-halata nag-aabang ng mga
mag-aabot ng pera o pagkain mula sa mga kumakain
na nakapalibot na fast food chain; hindi alintana ang
tumatakbong oras upang kalimutan ang reyalidad ng
lipunan. Bawat emosyon ay dapat harangin
ngasyonalidad upang maging obhetibo ang paksa na
nais magpatuunan ng pansin.

You might also like