You are on page 1of 56

IBONG ADARNA

SAKNONG 1211-1236
Saknong 1211

Tumugpa sila sa dagat sa batya’y


lumulanagad,napalaot na maingat
sa gita sila tumambad.
PALIWANAG

Napunta sina Don Juan at


Maria Blanca sa isang dagat at
dali daling sumakay sa batya at
pumalaot na sa gitnang parte
ng karagatan
Saknong 1212

“Don Juan”, anang


Prinsesa,”lakasan ang loob sana,
iwaksimo ang pangamba upang
magtagumpay kita”.
PALIWANAG

Sinabi ni Maria Blanca kay Don


Juan na lakasan ang kaniyang
loob at alisin ang takot na
nararamdaman nang kung sa
ganoo’y magtagumpay sila.
Saknong 1213

“Ngayon ako’y tadtarin


mo,tadtarin mong pinung-
pino,ngunit ingatang totoo may
matapong kapiraso.”
PALIWANAG
Lakas loob na sinabi ni Maria
Blanca kay Don Juan na tadtarin ng
pinong-pino ang kaniyang katawan at
kailangan itong ingatan na walang
matapong kapirasong.
Saknong 1214

“Kung tadtadna ay ihulog


nang sa tubig ay
lumubog,katawan kong durug-
durog isdang sisisid sa pusod.
PALIWANAG

At kapag natadtad na ng
pino, ay ihulog na sa tubig
upang ito ay lumubog at
siyay sisisd sa pusod ng
karagatan
Saknong 1215

“Habang ako ay wala pa


h’wag kang matutulog sana,
gagawin mo’y mag-abang ka’t
paglitaw ko ay taon na”.
PALIWANAG

Sinabi ni Maria Blanca kay


Don Juan na habang wala pa
siya ay huwag itong matutulog
ang kailangn niyang gawin ay
magbantay hanggang sa
lumitaw si Maria Blanca.
Saknong 1216

Dala ko na yaong singsing sa daliri


ko kukunin,huwag sanang lilmutin
ang lahat kung mga bilin .”
PALIWANAG

Kapag dala na ni Maria


Blanca ang singsing ay agad
kunin at huwag sanang
kalimutan ang lahat ng bilin
nito.
Saknong 1217

Gawa na ang lahat-lahat ang


Prinsesa ay natadtad, isdang-buhay
nasa dagat ang singsing ay
hinahanap.
PALIWANAG

Nagawa na ang lahat na


dapat gawin naging isdang
buhay na sa dagat at ang
singsing ay kaniyang
hinanap.
Saknong 1218

Paghanap ay natagalan nang di


gayun-gayon lamang, nakatulog
si Don Jua’t ang pangako’y
nalimutan.
PALIWANAG

Matagal-tagal ang
paghahanap ni Maria Blanca ng
singsing kaya nakatulog si Don
Juan at nakalimutan na niya
ang bilin ni Maria Blanca.
Saknong 1219

Siyang paglitaw sa tubig ng


Prinsesang umaawit ngunit itong
napaidlip sa tulog ay nag tatalik.
PALIWANAG

Nang lumitaw na sa
tubig ang Prinsesang
umaawit at doon ay
nakita nya si Don Juan
na natutulog
Saknog 1220

Sumisid upang maghintay


lumitaw na namamanglaw, ang
singsing na ibibigay walng umabot
na kamay.
PALIWANAG

Sumisid si Maria Blanca


upang maghintay na
umabot sa singsing ngunit
walang umabot nito.
Saknong 1221

Muli na namang sumisid upang


paramin ang hapis nang lumitaw ay
may galit at ang batya ay tinabig.
PALIWANAG

Muling sumisid si Maria


Blanca upang maibsan ang
kaniyang pagka dismaya pero
nang lumitaw na siya ay galit
ito saka tinabig ang batya .
Saknong 1222

Ngunit itong natutulog di man


lamang binangungot ang
Prinsesa ay napagod ang singsing
ay inihulog.
PALIWANAG

Ni hindi man lang


binangungut si Don Juan na
natutulog at nang napagod
na ang Prinsesa ay inihulog
niya ang singsing
.
Saknong 1223

At umahon na sa batya ang


katawa’y patang-pata, tampo’t
hapis, hikbi’t luha’y gumisig sa
nagpabaya.
PALIWANAG

At si Maria Blanca ay umalis


na sa batya na parang pagod a
pagod, sama ng loob na
nagdadalamhati.At sa kaniyang
pag-iyak luha ang gumising sa
kaniyang pagkakasala.
Saknong 1224

“Tingnan mo nga, aking mahal


ang nangyaring kabiguan,” ang
nasabing nalulumbay ng Prinsesa
kay Don Juan.
PALIWANAG

Sinabi ng nalulumbay na
Prinsesa kay Don Juan na
tignan niya ang kaniyang
sarili sa nangyaring
kabiguan.
Saknong 1225

“Di ba aking pakiusap na


huwag kang malilingat paglitaw
ko’y kunin agad ang singsing na
aking hawak?”
PALIWANAG

Ang pakiusap ng Prinsesa


kay Don Juan na huwag
siyang malilingat at sa
paglitaw ng Prinsesa ay agd
kunni ang singsing na hawak.
Saknong 1226

“Di mo lamang nalalaman kaya


kita kailanga’y ang singsing kung
aking tangan mahirap akong
lumitaw.”
PALIWANAG

Di mo nalalaman na
kailangan kita ang singsing
kung hawak ay ag dahilan
kaya mahirap akog
magpakita .
Saknong 1227

“Tingnan mo kung anong oras


ganap ngayong ikaapat, kung kay
ama ay mabunyag malaking
pagkapahamak.”
PALIWANAG

“Tingnan mo ang oras


itoy ganap na alas
kuwatro na, kung itoy
malalaman ng ama tayoy
mapapahamak.”
Saknong 1228

“Walang salng ako’t ikaw


tatanggap ng kamatayan, sa munti
mong pagkukulang anong laking
kabayaran!”
PALIWANAG

Ako at ikaw ay
makakatanggap ng
kamatayan sa maliit mo
lang na pagkukulang siyang
malaking kabayaran.
Saknong 1229

“Danga’t kita’y di matitiis,sa


nangyaring ito’y labis bawiin ko
ang pag-ibig at bato kang
maiidlip.”
PALIWANAG

Dahil hindi kita matiis sa


nangyari babawiin ko na
lang ang pag-ibig at bato
ang ipapalit.
Saknong 1230

“Di ko ibig sisihin ka’t sa puso


ko ay mapakla, ngunit ikaw ay
may sala gayon pa ma’y mahal
kita.”
PALIWANAG

Ayaw sisihin ni Maria Blanca si


Don Juan kahit na sya ang may
kasalanan sa kanilang
kabiguan ang dahilan kung
bakit hindi niya ito masisi ay
dahil labis ang kaniyang
pagmamahal kay Don Juan.
Saknong 1231

“Aksayahin nati’y huwag ang


panahong lumipas, tadtarin
mo ako agad sa tubig muling
ikalat.”
PALIWANAG

Hindi na sila nag-aksaya pa ng


panahon, kaagad na tinadtad
ulit ni Don Juan ang katawan ni
Maria Blanca at saka muling
ikinalat sa tubig.
Saknong 1232

“Pagtadtad mo ay daliin nang di


tayo umagahin, Hari ay baka
magising na wala pa yaong
singsing,”
PALIWANAG

Upang hindi sila abotan ng


umaga ay binilisan ni Don
Juan ang pagtadtad sa
prinsesa dahil baka
magising ang hari na hindi
pa nila nakikita ang
singsing.
Saknong 1233

Sa pagtadtad sa Prinsesang
oras ay hinahabol na tumalsik
nang di napuna dulo ng daliri
niya.
PALIWANAG

Dahil sa madaling
pagtadtad s katawan ng
prinsesa ay hindi nila
namalayan na tumalsik
pala ang dulo ng daliri
nito.
Sakong 1234

Muli siyang naging isdang


singsing ng Hari ang nasa,
sasandali ang pagkapa umahon
na’t tuwang-tuwa.
PALIWANAG

Nang lumitaw na ang


prinsesa ay tuwang-tuwa
ito dahil hawak-hawak
na niya ang singsing na
pinaghirapang hanapin.
Saknong 1235

Sa batya’y muling sumakay ang


singsing ay nasa kamay,
hintuturo ng pagmasdan walang
dulo at naputlan.
PALIWANAG

Muling sumakay sa batya


ang prinsesa habang hawak-
hawak niya ang diyamanteng
singsing ng hari, hanggang
sa Nakita niya ang kaniyang
kamay na wala nang dulo.
Saknong 1236

Luha’t lungkot ay tiniis ng


dahilan sa pag-ibig, pangiti ri’t
walang hapis na sa sinta ay
nagsulit:
PALIWANAG

Tiniis ang lungkot at hirap


pero napapangiti rin ang
prinsesa na parang walang
sakit na nararamdaman ng
dahil sa pag-ibig at
tagumpay na natamo.
BUOD
NAGPUNTA SILA SA DAGAT AT SUMAKAY S BATYA.
INUTUSAN NI MARIA BLANCA SI DON JUAN NA TADTARIN
SYA NG PINUNG-PINO AT ILAGAY SA TUBIG. IPINAGBILIN
NYANG HUWAG HAHAYAANG MAY MATAPON NI
KAPIRASONG LAMAN AT HINDI DAPAT MATULOG SI DON
JUAN.LILITAW ANG KAMAY NI MARIA BLANCA NA MAY
DALANG SING-SING ANG KAILANGAN IYONG KUNIN NI
DON JUAN,GINAWA LAHAT NI DON JUAN ANG IPINAGBILIN
I MARIA BLANCA.NAGING ISDA ANG PRINSESA AT SUMISID
SA ILALIM NG KARAGATAN.
 NAGHINTAY ANG PRINSIPE NGUNIT SYA’Y
NAKATULOG.ILANG ULIT NA LUMITAW AG KAMAY NA
MAY DALANG SING-SING SUBALIT HINDI IYON NAKUHA
NI DON JUAN. UMAHON SI MARIA BLANCA NA PATANG-
PATA. NAGALIT SI MARIA BLANCA SUBALIT HINDI
MAGAWANG TIISIN ANG PRINSIPE,SA IKALAWANG
PAGKAKATAON NAPADPAD SI DON JUAN KAY MARIA
BLANCA AY TUMALSIK ANG ISANG DALIRI NG
PRINSESA.LUMITAW AG KAMAY SA BATYA NA MAY
HAWAK NA DIYAMANTENG SING-SING SUBALIT WALANG
HINTUTURO ANG PRINSESA
TINIIS ANG LUNKOT AT HIRAP NG PRINSESA NA PARANG
WALANG SAKIT NANARAMDAMAN NG DAHIL SA PAG-IBIG
 GABRIELA MARIE
V. BASA

You might also like