You are on page 1of 21

MATHEMATICS

Quarter 1
(Comparing Numbers Through 100
Using Relation symbols)

Eileen F. Solano
Ibigay ang place value ng mga bilang
na may salungguhit.

83 97 63

95 78
Mga bata, nakakita na ba kayo ng unggoy?
Ngayong umaga ay magkukuwento ako sa
inyo tungkol sa limang maliliit na unggoy.
Handa na ba kayo?
Ano-ano ang mga dapat gawin kapag
nakikinig ng kuwento?
Limang Maliliit na Unggoy
Limang maliliit na unggoy nakaupo sa punungkahoy
Tinutukso si Ginoong Buwaya: “ Hindi mo kami mahuhuli!”
Tahimik na dumating si Ginoong Buwaya
At biglang … SNAP!
Apat na maliliit na unggoy nakaupo sa punungkahoy
Tinutukso si Ginoong Buwaya: “ Hindi mo kami mahuhuli!”
Tahimik na dumating si Ginoong Buwaya
At biglang … SNAP!
Tatlong maliliit na unggoy nakaupo sa punungkahoy
Tinutukso si Ginoong Buwaya: “ Hindi mo kami
mahuhuli!”
Tahimik na dumating si Ginoong Buwaya
Dalawang maliliit na unggoy nakaupo sa punungkahoy
Tinutukso si Ginoong Buwaya: “ Hindi mo kami
mahuhuli!”
Tahimik na dumating si Ginoong Buwaya
At biglang … SNAP!
Isang maliit na unggoy nakaupo sa punungkahoy
Tinutukso si Ginoong Buwaya: “ Hindi mo ako
mahuhuli!”
Tahimik na dumating si Ginoong Buwaya
At lumakad palayo si Ginoong Buwaya na busog
ang tiyan!
Ilan lahat ang mga maliliit na unggoy sa ating
kuwento?
Ano ang kanilang ginagawa?
Sino ang kanilang tinutukso?
Anong ginawa ni Ginoong buwaya sa mga unggoy?
Sa palagay niyo ba ang isang gutom na buwaya ay
gustong kumain ng mas maraming unggoy o mas
kaunti? Bakit?
Alin kaya sa bilang ng mga unggoy
ang ibig kainin ni Ginoong Buwaya
13 o 31? Bakit?
Kung paghahambingin natin ang
dalawang bilang,
Ang 31 ay mas marami sa 13
Ang 13 ay mas kaunti sa 31
Tingnan ninyo ang mga sets ng masasayang
mukha. Magbigay ng mga puna tungkol dito.

Set A
Set B Set C
Ang set A ay mas kaunti kaysa set B
Ang set B ay mas marami kaysa set A
Ang set B ay kapareho ng set C
4<6
6>4
6=6
Sa paghambing ng mga bilang
gumamit tayo ng mga simbolong:
> mas marami
< mas kaunti
= kapareho
Paghambingin ang sumusunod na
bilang gamit ang > , < o =
25 < 30 50 > 40
46 > 32 12 = 12
85 = 85 27 < 72
Pangkatang Gawain
Pair-share Activity
Tandaan:
Sa paghahambing ng mga bilang
gumagamit tayo ng simbolong > , < at = .
Kapag ang pinaghahambing ay 2 digit na
bilang, unang paghambingin ang sampuan
bago ang isahan.
Pagtataya:
Paghambingin ang sumusunod na bilang
gamit ang mga simbolong > , < , = .

1. 23 ______ 25
2. 67 ______ 80
3. 52 ______ 52
4. 90 ______ 43
5. 11 ______ 20
Takdang Aralin:
Magbigay ng bilang na angkop sa
patlang.
1. 100 > _____
2. 60 < _____
3. 85 = _____
4. 62 < _____
5. 29 > _____

You might also like