You are on page 1of 9

KAYARIAN NG MGA SALITA

Habang hinahabol ng amo ang papatakas na lobo ay ito naman


ang naging usapan ng mga hayop na naiwan sa kulungan.
➪Mga hayop: Putol, sori sa hiyang-hiya kami dahil ikaw pa na
tinutukso namin ang magliligtas sa aming buhay.

➪Putol: Naku, huwag niyo na ninyong isipin iyun. Ang mahalaga,


ligtas na tayong lahat.

➪Aling Alberta: Dakila at malinis ang puso mo, Anak.


Ipinagmamalaki kita.

➪Mga hayop: Pinatunayan mong ikaw ay isang mabuting


kapitbahay. Ginawa mo pa rin ang tama kahit hindi kami naging
mabuti sa iyo. Pangako, magbabago na kami.
Mga Salitang may kuhay.
➪hiyang-hiya
➪mahalaga
➪puso
➪kapitbahay
Ang mga salitang ito ay halimbawa ng bawat
KAYARIAN NG SALITA
Kayarian ng salita
➪Payak
➪Maylapi
➪Inuulit
➪Tambalan
Payak
➪Binubuo ng salita ugat lamang at walang kasamang
panlapi at hindi rin nagkakaroon ng pag-uulit.

Halimbawa:
saya
dumi
grasa
bahay
Maylapi
➪Binubuo ng panlapi at salitang-ugat.

Halimbawa:
ma + saya = masaya
ma + dumi = madumi
ma + itim = maitim
ma + liit = maliit
lista + han = listahan
Inuulit
➪Salitang binubuo ng pag-ulit ng isang bahagi ng salita o ng
buong salita

Halimbawa:
masayang masaya
maduming madumi
itim na itim
bahay bahayan
Tambalan
➪Salitang binubuo sa pamamagitan pagsasama o pagtatambal
ng dalawang salita uoang makabuo ng isang tambalang salita
➪Minsan, nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal at may pagkakataon ding nawawala na ang orihinal
na kahulugan ng dalawang salita at isang bagong salita na ang
nabubuo mula sa mga ito.
A. Halimbawa ng tambalang nananatili pa din ang kahulugan:
dalaga + bukid
dalagang bukid = isang dalagang nakatira sa bukid o taga
bukid.
balik + bayan
B. Halimbawa ng tambalang nawawala na ang orihinal na
kahulugan:

Taingangang-kawali
Taong nagbibihingibingihan

Bahaghari
Arko na may iba’t ibang kulay sa himpapawid

You might also like