You are on page 1of 8

REPUBLIC OF THE PHILLIPPINES

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF VALENZUELA


Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela

Portfolyo ng Kagamitang
Pampagkatuto
Gabay Para Sa
Magulang
Ang gabay para sa magulang ay inilaan para matulungan
ang mga magulang, tagapag-alaga o kamag-anak ng mag-
aaral upang gumanap sa kanilang mahalagang papel sa
pagkatuto at pag-unlad ng kaalaman ng mga mag-aaral
sa panahon ng pandemya. Ang tagubilin ay nasusulat sa
simple at maikling salita. Ang pangkalahatan at tiyak na
patnubay sa bawat asignatura ay ginawang kapaki-
pakinabang para sa magulang upang madaling maibigay
ang programa ng kurso. Sapagkat ang proseso ng
pagtuturo at pag-aaral ay mangyayari sa loob ng bahay,
ang magulang ang tagapagdaloy ng kaalaman,
tagagabay, tagapagpasunod, tagapag-paalala sa mga
dapat gawin ng anak at tagasubaybay sa tamang video
lesson na panonoorin. Hindi ang magulang ang magtuturo
ng lesson kungdi ang mga guro sa pamamagitan ng mga
recorded tutorial, videos presentation o learning packets
na guro mismo ang gumawa.
Gabay Sa Mag-
aaral
Ang gabay para sa mag-aaral ay isang
kasangkapan upang gabayan ang mag-aaral na
maunawaan ang nilalaman ng palatuntunan sa
interaktibo at pansariling lapit sa pagkatuto.
Kasama na rin dito ang pangkalahatang
impormasyon sa kabuuang nilalaman ng bawat
paksa. Ang patnubay ay nakasulat sa simple at
maikling salita kasama na rin ang mga hakbang
at pamamaraan na magbibigay ng pagkakataon
upang matutong mag-isa at matutuhan nila ang
kahalagahan ng kasanayan sa pagkatuto.
Lingguhang Gawaing
Pampagkatuto Sa
Bahay (Aral-bahay)

Lingguhang Gawaing Pampagkatuto ay


binubuo ng tatlong elemento tulad ng petsa
at oras, kasanayang pampagkatuto at
gawaing pampagkatuto. Ang nilalaman sa
kasanayang pampagkatuto at gawaing
paampagkatuto ay nakasama sa
Kagamitang Pampagkatuto o Learning
Packets sa bawat asignatura samantalang
ang petsa at oras ay pupunuan ng mga mag-
aaral
Kasanayang
Pampagkatuto
Lahat ng gawaing pampagkatuto, pagsasanay at
iba pang kaugnay na kagamitang pampagtuturo na
kasama sa Learning Packets ay nakaayon sa
mga Kasanayang Pampagkatuto sa MELCs batay
na rin sa K to 12 Kurikulum ula sa Tanggapan ng
DepEd. Ito rin ay nakakontekstwalido, lokalisado
upang ang mga kasanayang pampagkatuto ay
maging makahulugan, may kaugnayan at gamitin
ng mga mag-aaral. Binubuo ng mga batayang
pilosopikal, legal at teoryang pang-edukasyon.
Kabilang dito ang tunguhin: pamantayang
pangnilalaman, pamantayan sa pagganap,
inaasahang bunga o resulta upang makabuo ng
isang buo at ganap na Pilipinong mag-aaral na may
kapaki-pakinabang na literasi. Ang napiling
paghahatid ng kaalaman ay siniguradong akma sa
local na nilalaman at kaibahan ng mga mag-aaral
habang iniaakma sa hamong dulot ng COVID 19.
Mga Gawain Sa
Pagpapahusay,
Pagpapaunlad At
Pagsasanay
Ang Kagamitang Pampagkatuto na ito ay ginawa bilang tugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral. Layunin nito na matulungan ang
mag-aaral na maturuan habang wala sila sa loob ng silid-aralan upang
madulutan nang makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ito ay
pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
iba’t ibang asignatura upang gabayan ang mag-aaral sa tulong ng mga
magulang upang matulungang makamit ng mga mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng K to 12 habang pinagtatagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral sa
panahon ng “New Normal.”

Ang Mga Gawain at Pagsasanay

Ito ay isang kasangkapan na gagamitin upang sukatin at paunlarin ang


kasanayan ng mga mag-aaral. Sa kabuuan, nakatuon ito sa tiyak na
gawaing susukat sa iba’t ibang kasanayan.Gagamitin ito upang tayahin at
mahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral na nakatuon sa tiyak na
pagsukat ng mga kasanayan.

Gawain sa Pagpapahusay at Pagpapaunlad

Ito ay isang kasangkapan na gagamitin upang sukatin at paunlarin ang


kasanayan na pangunahing tuon ay ang pagganap ng mga mag-aaral.
Pagtatasa Ng
Portfolyo
Pag-unlad at pagkatuto ang mahalaga, higit pa kaysa sa marka. Narito
ang maaaring gamitin sa iba’t ibang uri o kasangkapan ng pagtatasa
kaugnay sa layunin nito. May mga kagamitan sa pagtatasa na inihanda
ng mga guro para sa kanilang mag-aaral upang tayahin ang kani-kanilang
mga kasanayan at kaalaman ng sa gayon ay matukoy nila ang kalakasan
at kahinaan ng mga mag-aaral. Pag-unlad at pagkatuto ang mahalaga,
higit pa kaysa sa marka Ito ay pinakaimpotanteng sa panahong
pinauunlad at pinatutupad ang pagsasagawa ng pagtuturo habang may
mga kagamitan sa pagtatasa na nakalaan sa pagsukat ng epektibong
pagkatuto at reaksyon sa pagtuturo na ibinibigay pagkatapos ng klase .
Makatarungan na tasahin ang progreso ng isang mag-aaral sa kabuuan
ng isang kurso ng pag-aaral upang maging batayan sa progreso ng
kanyang pag-aaral. Narito ang mga itinakdang paraan ng pagtatasa:

a. Paunang Pasubon o Pansariling Ebalwasyon


b. Replektibong Dyornal
c. Takdang-aralin
d. Tala o Talaan ng mga Gawain na may kasamang mga larawan/Video
Clips kung kinakailangan at magagamit (naglalaman ng mga
halimbawa ng nagawa ng mga mag-aaral na nagpapakita ng
kanilang pag-unlad o pagsasagawa ng lampas sa oras)
e. Puna ng magulang

Ito ay maaring isagawa sa iba’t ibang kaparaanan na kung saan ang


guro, magulang at mag-aaral ay maginhawa sa paggamit ng iba’t ibang
online platform tulad ng: FB Messenger, Google Classroom, Google meet.
Teams, Zoom o tulad nang nakagawiang dulog o lapit na kumbinyente sa
guro, magulang at mag-aaral.
Pormatibong
Pagtataya
Ang ebalwasyon o pagtataya ay makabuluhang
aspeto ng pag-aaral. Isa itong panukat na
ginagamit ng mga guro upang tasahin ang
paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng
isang pagtuturuan. Ito ay nakaayos at ang pag-
unlad ng mag-aaral at ang proseso ang
nararapat na unahin. Ginagamit ang kagamitan
sa ebalwayon upang masukat ang kalidad ng
pagtuturo. Ito ay nakabatay sa pagganap ng
mga mag-aaral ayon sa nakalatag na mga
layunin. Ang pagtataya ay nararapat na
komprehensibo.Kalimitan ito ay sinusukat sa
pamamagitan ng pagsusulit (online exam, pen
and paper o quizzes). Dito sinusukat kung
napagtagumpayan ang proseso ng pagkatuto o
pagtuturo.

You might also like