You are on page 1of 28

PANITIKAN HINGGIL

SA MGA ISYUNG
PANGKASARIAN
MGA INAASAHAN:

• 1. Mabigyang-linaw ang ilang mga konsepto na nagdudulot ng kalituhan dahil


sa pagkakaugnay-ugnay ng mga ito;
• 2. Matukoy ang mga papel na ginagampanan ng iba‘t-ibang kasarian;
• 3. Matalakay nang may talas ng pag-iisip ang mga isyu katulad ng LGBT,
SOGIE, atbp.;
• 4. Malinang ang iba‘t-ibang pananaw ng mga tao at lipunan ukol sa pag-usbong
at ng iba‘t-ibang kasarian;
TERMINOLOHIYA

SEX O SEKSUWALIDAD – tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian na nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ang ating seksuwalidad ay natatalaga sa pamamagitan ng ating
Genetic inheritance o ang pinagmulan ng lahi. Ang ating genes naman ay nagtataglay ng ating
mga biyolohikal na katangian ay ating mamamana at naipapasa sa mga salinlahi sa
pamamagitan ng pagsusupil.
GENDER O KASARIAN – tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa
seksuwalidad. Ang mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natututuhan mula sa lipunang
ating kinabibilangan at ginagalawan. Ang seksuwalidad ang tukuyin pinapangkat ang mga tao
bilang ―babae‖ at ―lalaki‖. Kung kasarian ang ginagamit na termino ay ―pambabae‖ o
―panlalaki.
TERMINOLOHIYA

ORYENTASYONG SEKSUWAL (SEXUAL ORIENTATION)- tumutukoy sa pisikal at


emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa pang
indibiwal.
PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY)- kinikilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex nya nang siya‘y ipanganak. Kabilang dito ang personal
na pagtuturing niya sa sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang
pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
TERMINOLOHIYA

HETEROSEKSUWAL (HETEROSEXUAL) – tumutukoy sa mga taong


nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian; mga lalaki na
ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
HOMOSEKSUWAL (HOMOSEXUAL) – tumutukoy sa mga taong
nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa
katulad na kasarian; mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at
mga babaeng mas gusto ang babae bilang seksuwal na kapareha.
TERMINOLOHIYA

LESBIAN (TOMBOY) – tumutukoy sa mga babae na ang kilos at damdamin ay


panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
GAY (BAKLA) – tumutukoy sa mga lalaking nakakaramdam ng atraksiyon sa
kanilang kapwa lalaki; may ilan na nagdadamit at kumikilos na parang babae.
BISEXUAL (BISEKSUWAL) – tumutukoy sa mga taong nakakaramdam ng
atraksiyon sa dalawang kasarian.
ASEXUAL (ASEKSUWAL) – tumutukoy sa mga taong walang nararamdamang
atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian.
TERMINOLOHIYA

TRANSGENDER (TRANSGENDER) – tumutukoy sa isang tao na


nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan; ang
kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma.
MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN AYON SA
KASARIAN (GENDER ROLES)

• Ang mabuting isang anak.


• Ang maging mapagmahal na asawa ay papel na
ginagampanan din ng bawat babae o lalaki sa lipunan.
• Ang maging responsableng mga magulang ay
mahalagang papel ng bawat lalaki o babae.
MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN AYON SA
KASARIAN (GENDER ROLES)

• Ang maging masunuring mamamayan ay papel na


ginagampanan ng lahat ng tao bilang bahagi ng
lipunan.
• Ang masipag na empleyado ay papel na
ginagampanan din ng isang babae o lalaki.
KASAYSAYAN NG LGBT COMMUNITY

• Ika-16 hanggang ika-17 siglo.


• Babaylan –lider panrelihiyon; shaman o priestess.
• Asog ng Visayas- nagsusuot at nagkakatawang babae.
• Dekada 60 kung kailan umusbong ang Philippine gay
culture sa bansa.
KASAYSAYAN NG LGBT COMMUNITY

•International media at local na media-


ang nagsulong sa pagbibigay daan sa
LGBT at nagsimula noong dekada 80
at 90.
KASAYSAYAN NG LGBT COMMUNITY

•International Women‘s Day noong Marso 1992-


Lesbian Collective
•Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na
nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT
sa Pilipinas
KASAYSAYAN NG LGBT COMMUNITY

•Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993, ang


Metropolitan Community Church noong 1992, at
ang UP Babaylan (pinakamatandang
organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP)
noong 1992.
KASAYSAYAN NG LGBT COMMUNITY

•Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot noong


dekada 90, gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at
Lesbian Advocates Philippines (LeAP). Unang
partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community
ang partidong Akbayan Citizen‘s Action Party.
• Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa
Ateneo de Manila University, ang political na partido na Ang
Ladlad. Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang Ang Ladlad
na tumakbo sa halalan 2010 dahil sa basehang imoralidad. Subalit
noong Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang pinaygan ng
Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan.
KARAPATAN SA PAGPILI NG KASARIAN AT SEKSUWALIDAD

Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban


Karapatang maikasal nang sibil at mapagkalooban ng
mga benipisyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga kasal
na heteroseksuwal at sa kanilang mga anak; at
Karapatang mabuhay nang malaya at walang
diskriminasyon
PANANAW SA HOMOSEKSUWALIDAD NG MGA
PILIPINO

• Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinaka


tumatanggap sa mga LGBT (gay-friendly nation).
• Sa isang pandaigdigang pag aaral na kinabibilangan ng 39 na
bansa, pang sampu ang Pilipinas sa 17 bansang tumatanggap sa
homoseksuwalidad.
• Sa kabilang dako, masasabi na Malaki ang impluwensiya ng
Simbahang Romano Katoliko sa pananaw ng mga Pilipino laban
sa homoseksuwalidad.
DISKRIMINASYON BATAY SA KASARIAN

• Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sa


kapangyarihang politikal sa pamahalaan, kumunidad at
institusyon.
• Sa tahanan, may pag kakaiba rin ang mga gawaing nakaatang
sa kanila gaya ng paggawa ng desisyon at paghanap ng
mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan.
• Sa panghanapbuhay, ang pang aabuso ay mas madalas
maranasan ng kababaihan at homoseksuwal kaysa sa mga
kalalakihan.
• Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (kilala rin
bilang gender equity, gender egalitarianism, o sekswal
na pagkakapantay-pantay) ay ang layunin ng
pagkakapantaypantay ng mga kasarian o ng mga
seks,na nagmumula sa paniniwala sa kawalan ng
katarungan na may iba't ibang anyo ng hindi
pagkakapantay-pantay sa kasarian.
PAGSISIKAP UPANG LABANAN ANG HINDI
PAGKAKAPANTAY-PANTAY

• Binibigyang-kahulugan ng UNICEF ang


"pagkakapantaypantay ng mga kasarian" bilang
"pagpapantay sa lebel ng kababaihan, bata man o
matanda, sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng
mga bata ay may pantay na pagkakataon na hubugin
ang kanilang mga talento."
• Ang United Nations Population Fund ay nagpahayag na ang mga
kababaihan ay may karapatan sa pagkakapantay-pantay. Ang "gender
equity" ay isa sa mga layunin ng United Nations Millennium Project,upang
tapusin ang pandaigdigang kahirapan sa 2015; isinasaad sa proyekto, "Ang
bawat isang layunin ay direktang may kinalaman sa karapatan ng mga
kababaihan, at sa lipunan kung saan ang mga kababaihan ay hindi
nabibigyan ng pantay na karapatan na nagdudulot sa tao ng maaaring hindi
kailanman pagkamit ng pag-unlad sa isang pangmatagalan na paraan."
• Noong 2010, binuksan ng European Union ang
European Institute for Gender Equality (EIGE) sa
Vilnius, Lithuania upang itaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng kasarian at upang labanan ang
diskriminasyong sekswal.
EPEKTO SA DIGNIDAD NG MGA ISYU SA
SEKSWALIDAD

• Ang mga taong naging biktima ng anumang uri ng sexual


harrassment ay bumababa ang tingin sa sarili
• Ang mga kababaihan na nagiging biktima ng panggagahasa ay
mayroong mataas na tysansa ng pagkabuntis.
• Ang mga taong kabilang sa LGBT community ay tinitnginan
bilang salot sa lipunan.
• Mataas ang bilang ng mga taong nagpapakamatay lalo
sa LGBT Community dahil sa hindi pagtanggap sa
kanila ng kanilang magulang o kaibigan
• Mayroong mga karapatan na hindi ipinagkakaloob sa
kanila. Kabilang dito ang pagpapakasal
SOGIE BILL

• SOGIE: Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado;


at House Bill 258, o SOGIE Equality Act, sa Kamara.
• Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala
ngunit may kaonting pagkakaiba. Tinutukoy nito ang direksyon
ng emosyonal at sekswal na pagkaakit o gawi ng isang tao.
• Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros.
• Kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang "sex" sa mga
"male," "female" o "intersex" na nakabatay sa ari, gonads at chromosome
patterns ng isang tao.
• Ang mga intersex ay may mga katangian ng sex na hindi pasok sa
karaniwang ideya ng katawang male o female.
• Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na personal
na pagkakakilanlan sa sarili sa pamamagitan ng pananamit, kagustuhan at
pag-uugali kaugnay ng mga "masculine" at "feminine" conventions.
• Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang tao
sa kanyang "sex," kinikilalang transgender ang isang tao.
• Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili
bilang lalaki habang lalaki rin ang gusto.
• Iba rin ang transmen sa mga lesbyana. Kinikilala ng lesbyana
ang sarili bilang babae habang babae rin ang gusto.
• Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaeng
tugma ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae.
• Posible ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugma
ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang lalaki.
• Kung maisasabatas ang SB 159 o HB 258, depende sa sitwasyon,
maaaring patawan ng multang P100,000 hanggang P500,000 ang mga
lalabag nito.
• Pwede ring makulong ng mula isang taon hanggang 12 taon ang mga
nabanggit.

You might also like