You are on page 1of 10

Kayarian ng Salita

PAYAK
 Mga salitang walang panlapi, walang katambal, at hindi
inuulit. Binubuo lamang ng salitang-ugat
Halimbawa:
 Sulat
 Basa
 Bahay
 Kain
 Talon
MAYLAPI
 Mga salitang-ugat na may kasamang panlapi
1. UNLAPI- panlaping ikinakabit sa unahan ng salita
HaLimbawa: Magsulat, umuwi, nagsimula

2. GITLAPI- panalaping nasa gitna ng salita


Halimbawa: tumawa, tinalon, sinagot

3. HULAPI- panlaping ikinakabit sa hulihan ng salita


Halimbawa: talaan, aralin, hulihan
4. KABILAAN- panlaping ikinakabit sa unahan at hulihan ng
salita
Halimbawa: pagsikapan, kabaitan, paglaruan

5. LAGUHAN- panlaping ikinakabit sa unahan, gitna at


hulihan ng salita.
Halimbawa: magginataan, pinagsumikapan
Inuulit
 Ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
1. Inuulit na ganap-buong salitang-ugat ang inuulit
Halimbawa: gabi-gabi, araw-araw, sari-sari

2. Inuulit na parsiyal- isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit


Halimbawa: tatatlo, pipindot, aalis

3. Magkahalong ganap at parsiyal- buong salita at isang bahagi ng pantig


ang inuulit
Halimbawa: hihingi-hingi, tutulog-tulog, iinon-inom
Tambalan
 Binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng
isang salita
1. Tambalang Di Ganap- kapag ang kahulugan ng salitang
pinagtambal ay nananatili
Halimbawa: bahay-kubo, kwentong-bayan, asal-hayop

2. Tambalang Ganap- nakabubuo ng ibang kahulugan kaysa sa


kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa: hampaslupa, anakpawis, bahaghari
Salaysay
 Nagpapahayag ng magkakasunod at magkakaugnay na
mga pangyayari patungo sa isang tiyak na katapusan
 Hulwarang balangkas: simula, gitna at wakas
 Tatlong hakbang na dapat isaalang-alang sa paglikha ng
salaysay:
 Pagpili ng paksa
 Pagsususri ng paksa
 Pagbubuo ng paksa
Iba’t-ibang uri ng salaysay
 Pangkasaysayan(historical narrative)
 Pantalambuhay(biographical narrative)
 Pakikipagsapalaran(narrative of adventure)
 Paglalakbay(travel narrative)
 Nagpapaliwanag(expository)
 Anyong pampanitikang salaysay
 Parabula
 Abula
 Anekdota
 Maikling kuwento
 Nobela
Apat na Paraan na ginagamit sa Pagsasalaysay
 Panauhan
 Paggamit ng usapan
 Gawing malapit sa mambabasa ang mga
pangyayari
 Paggamit ng konkretong salaysay

You might also like