You are on page 1of 6

SALAYSAY

 Nagpapahayag ng magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayaring pinagagalaw patungo sa isang tiyak na katapusan.

May hulwarang balangkas ang salaysay

-May simula ,gitna at wakas na bahagi ito

 Mga hakbang na dapat isaalang-alang sa paglikha nito:


1. Pagpili ng paksa

2. Pagsusuri ng paksa

3. Pagbubuo ng paksa

 Mga Uri ng Salaysay

1. Pangkasaysayan 5. Nagpapaliwanag

2. Pantalambuhay 6. Anyong pampanitikang salaysay:

3. Pakikipagsapalaran 6.1. Parabula 6.4.Maikling

4. Paglalakbay 6.2. Pabula Kwento


Apat na karaniwang paraan na ginagamit sa pagsasalaysay

1. Ang panauhan

2. Paggamit ng usapan

3. Paglalapit sa mambabasa ng mga pangyayari

4. Paggamit ng kongkretong detalye

TANDAAN: Ang pamagat ng isang salaysay ay dapat na nakapupukaw ng interes ng

mambabasa

- Masasalamin dito ang kulturang pinagmulan nito.


KAYARIAN NG SALITA
1) Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi
inuulit, at walang katambal na ibang salita.
Halimbawa:
Anim, dilim, presyo, langis, tubig

2) Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. May


limang paraan ng paglalapi ng salita:
Mga Panlapi
A. Inuunlapian – ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat
Halimbawa: Kasabay- paglikha, marami
B. Ginigitalipian – ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita
Halimbawa: Sinasabi, sumahod, tumugon
C. Hulapi – ang panlapi ay nasa huulihan ng salita
Halimbawa:Unahin, sabihin, linisan
D. Kabilaan – ang panlapi nasa unahan at hulihan ng salita
Halimbawa:Pag-isipan, pag-usapan, kalipunan
E. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, hulihan, at sa loob ng salita
Halimbawa:Pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan
3. Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig sa dakong unahan ay
inuulit.

May dalawang uri ng pag-uulit:


a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat
Halimbawa: Araw-araw, sabi-sabi, sama-sama
b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang
inuulit
Halimbawa:
Aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

4 Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para


makabuo ng isa lamang salita.
Uri ng tambalan
1. Tambalang ganap-kapag ang pinagtambal o pinagsamang dalawang
salita ay nakabuo ng panibagong kahulugan
Halimbawa:
Bahaghari, Dalagambukid,Dilang-anghel-Balat-sibuyas

2. Tambalang di-ganap-kapag ang pinagtambal o pinagsamang


dalawang salita ay nananatili ang kahulugan nito.
Halimbawa:
Pamatid-uhaw,bahay-kubo,anak-pawis

You might also like