You are on page 1of 61

Globalisasyon

Wilmar G. Relox
Guro
Pamantayan sa Pagkatuto
 Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon
bilang isa sa mga isyung panlipunan
 Naiuugnay ang ibat-ibang perspektibo at pananaw ng
globalisasyon sa lipunan
 Nasusuri ang implikasyon ng anyo ng globalisasyon
sa lipunan
 Napapahalagahan ang ibat-ibang tugon sa pagharap sa
epekto ng Globalisasyon
Larawan Suri
Suriin ang mga sumusunod na simbolo
Pamprosesong mga Tanong
 1. Ano-anong kompanya ang kinakatawan ng mga
logo?
 2. Madali mo bang nasagot ang mga ito?Bakit?
 3. Sa iyong palagay,bakit sumikat ang mga
produkto/serbisyong ito?
 4. Ano ang kaugnayan ng gawaing ito sa paksang
globalisasyon?
Globalisayon:Konsepto at
Perspektibo
Isa sa mga pangyayaring lubusang
nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan ay ang globalisasyon.
Kailan at paano nagsimula ang
globalisasyon?Paano nito binago ang
ating buhay
Depinisyon(Globalisasyon)
 Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao,
bagay,impormasyon at produkto sa ibat-ibang
direksyon na nararanasan sa ibat-ibang panig ng
daigdig( Ritzer,2011)
 -sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang
higit na mapabilis ng tao ang ugnayan ng bawat isa
Itinuturing din ito bilang proseso ng
interaksyon at integrasyon sa pagitan ng
mga tao,kompanya, bansa o maging ng
mga samahang pandaigdigan na
pinapabilis ng kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya
at impormasyon
Pagsusulong ng pandaigdigang
kalakalan o international trade sa
pamamagitan ng pagbubukas ng
mga pambansang hangganan at
pagbabawas sa paghihigpit sa pag-
aangkat ng mga produkto.
Pagpapalawig,pagpaparami at
pagpapatatag ng mga koneksyon at
ugnayan ng mga bansa sa kapwa
bansa at bansa sa mga international
organization sa aspekto ng
ekonomiya,politika,kultura at
kapaligiran
Gamit ang kahulugan ng
Globalisasyon,sagutin ang mga
sumusunod na katanungan
 Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na
dumadaloy o gumagalaw?
Electronic gadgets,makina o produktong agrikultural?
 Anong uri ng impormasyon ang mabilisang
dumadaloy?
Balita,scientific findings and breakthroughs,
entertainment o opinyon?
 Paano dumadaloy ang mga ito?
Kalakalan,media o iba pang paraan?
 Saan madalas nagmumula at saan patungo ang
pagdaloy na ito?Mula sa isang maunlad na bansa
patungong mahirap o kabaligtaran?
 Mayroon bang nagdidikta nga kalakarang ito?

Sino?US,China,Germany,Japan,UK o Pilipinas?
 Sino-sinong tao ang pinaka indemand?

Manggagawa ba tulad ng skilled workers at propesyunal


gaya ng guro,engineer,nurse o caregiver?
Pekspektibo at
Pananaw
UNA
 paniniwalang ang globalisasyon ay taal o nakaugat
sa bawat isa.
 Ayon kay Nayan Chanda(2007),manipestasyon ito
ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kaniyang
makipagkalakalan,magpakalat ng
pananampalataya,mandirigma’t manakop at maging
manlalakbay
PANGALAWA
 Nagsasabi na ang globalisasyon ay isang
mahabang siklo o cycle ng pagbabago
 Ayon kay Scholte (2005)maraming globalisasyon
na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at
ang kasakuyang globalisasyon ay makabago at
higit na mataas na anyo na maaring magtapos sa
hinaharap
PANGATLO
Paniniwala na may anim na wave o
panahon na siyang binigyan diin ni
Therbon(2005).Para sa kanya,may tiyak
na simula ang globalisasyon at ito’y
makikita sa talahanayan
IKAAPAT
Ayon dito ang simula ng globalisasyon
ay mauugat sa ispesipikong
pangyayaring naganap sa kasaysayan
Sa katunayan,posibleng maraming
pinag-ugatan ang globalisasyon
IKA-LIMA
Ang huling pananaw o perspektibo ay
nagsasaad na ang globalisasyon ay
penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng
ika-20 siglo.
Tatlo sa mga
pagbabagong naganap sa
panahong ito ang
sinasabing may tuwirang
kinalaman sa pag-usbong
ng globalisasyon
1. Pag-usbong ng US bilang
Global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ipinakita ng US sa daigdig ang kanilang
lakas-militar nang talunin ang Japan at
Germany sa Ikalawang digmaang
pandaigdig,naungusan ang France at Great
Britain sa usaping pang-ekonomiya at
kontrolin ang mga asyanong bansang
Korea(1950’s) at Vietnam(1960’s)
2. Paglitaw ng mga multinational at
transnational corporations (MNcs and TNCs)
Bagamat ang mga makapangyarihang
korporasyon sa daigdig ay nagsimula noong
ika 18 at ika 19 na siglo mula sa Germany,
Great Britain at US,marami sa mga ito ay
kasalukuyang nagtutuon ng pansin sa ibang
bansa partikular ang mga developing
countries
3. Pagbagsak ng Soviet Union at ang
pagtatapos ng Cold War
Sinasabing ang pagbagsak ng ‘Iron Curtain’
at ng Soviet Union noong 1991 ang
naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon
Matapos ang pangyayaring ito’y mabilis na
nabura ang markang naghahati at
naghihiwalay sa mga bansang komunista at
kapitalista.
Anyo ng
Globalisasyon
Globalisasyong Ekonomiko
Sentro sa isyung globalisasyon ang
ekonomiya na umiikot sa kalakalan ng
mga produkto at serbisyo.
Kinakitaan ito ng pag-usbong ng
malalaking korporasyon na ang mga
operasyon ay nakatuon hindi lamang sa
bansang pinagmulan kundi maging sa
ibang bansa.
Multinational at Transnational
Companies
 Ayon sa United Nations Commission on Transnational
Corporation s and Investment,ang Transnational
Companies ay tumutukoy sa mga kompanya o
negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.
 Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa
pangangailangang lokal.
 Marami sa kanila ay kompanyang
petrolyo,IT,consulting,pharmaceutical at mga kauri nito
 Hal. Shell, Accenture, TELUS, Glaxo-Smith Klein
Ang
Multinational
pangkalahatang katawagan na tumutukoy
sa mga namumuhunang kompanya sa ibang
bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong
ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan
Hal. Unilever, Procter and Gamble,
McDonalds,Coca-
cola,Google,UBER,Starbucks,Seven-
Eleven,Toyota at iba pa.
Suriin ang talahanayan na
nagpapakita ng mga
kompanya at bansa kasama
ang kanilang kaukulang kita sa
taong 2011
 Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino Firms
Building ASEAN empires ng Philippine Daily
Inquirer na nailathala noong February 9, 2017, ilan sa
mga MNCs at TNCs sa Vietnam,Thailand at Malaysia
ay pag-aari ng Pilipinong korporasyon tulad ng
Jollibee,URC,Unilab,International Container
Terminal Services at San Miguel Corporation
 Batay sa artikulo ni John Mangun sa Business Mirror
noong March 9, 2017, ang mga kompanyang
SM,PNB,Metrobank,Jollibee,Liwayway Marketing
Corp ay itinayo na sa China.
OUTSOURCING
Pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula
sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
Pangunahing layunin nito na mapagaan ang
gawain ng isang kompanya upang
mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay
nila ay higit na mahalaga.
URI NG OUTSOURCING BATAY SA
URI NA IBINIBIGAY NA SERBISYO
 BusinessProcess Outsourcing –tumutugon sa
prosesong pangnegosyo ng isang kompanya
 Knowledge Process Outsourcing –na nakatuon sa
mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng
kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik,pagsusuri
ng impormasyon at serbisyong legal.
URI NG OUTSOURCING BATAY SA DISTANSYA NA
PAGMUMULAN NG KOMPANYANG MAGBIBIGAY
SERBISYO/PRODUKTO
1. OFFSHORING
Pagkuha ng serbsiyo ng isang kompanya
mula sa ibang bansa na naniningil ng mas
mababang bayad.
Ang mga bansang papaunlad ang may
pinakamalaking offshoring companies sa
mundo
Ang mga bansang US at mga bansa sa
Europa ang maraming kumukuha ng serbisyo
sa ibang bansa
BPO-BUSINESS PROCESS OUTSOURCING
 Maraming outsourcing companies sa bansa ang
nakatuon sa Voice Processing Services
 Call Centers
 Ilan sa mga gawaing kalakip nito ay pagbebenta ng
produkto at serbisyo,paniningil ng bayad sa nagamit
na produkto/serbisyo.
 Bukod sa pagkakaiba ng oras,karaniwang nagiging
suliranin dito ang pagkakaiba ng wika at kultura na
nakapagpapabagal sa produksyon
2.NEARSHORING
Tumutokoy sa pagkuha ng serbisyo
mula sa kompanya sa kalapit na
bansa
Ano kaya ang magandang
maidudulot ang pagkuha ng
nearshoring?
3. ONSHORING
 Tinatawag ding domestic outsourcing
 Pagkuha ng serbisyo muka din sa loob ng bansa
 Masmarami ang may gustong lokal na negosyante
dito
 Bakit kaya mas pabor ang nakakaraming lokal na
negosyante ang ganitong uri?
Pamprosesong Katanungan
 Nakakatulong ba ang mga multinational,transnational
corporations at outsourcing sa pag-unlad ng ating
bansa?
 Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng
multinational,transnational corporations at
outsourcing sa ating bansa?
 Sa pangkabuuan,nakakabuti o nakasasama ba nag
mga pagbabagong nabanggit?Pangatuwiranan,
OFW bilang manipestasyon ng Globalisasyon
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-
Kultural
Sang-ayon ka ba sa cyber
crime law upang
mabigyang-tugon ang
suliranin ukol dito?
Globalisasyong Politikal
Maituturing ito ang mabilisang
uganayan sa pagitan ng mga
bansa,samahang rehiyunal at maging
ng pangaigdigang organisasyon na
kinakatawan ng kani-kanilang
pamahalaan
Pagharap sa Hamon ng
Globalisasyon
Guarded Globalization
Patas o Pantay na Kalakalan
(Fair Trade)
Pagtulong sa Bottom
Billion
Thank you
for
Listening

You might also like