You are on page 1of 10

Para sa unang grupo: (Perpektibo)

Magbigay ng limang pangyayari na


naganap noong unang panahon sa ating mga
ninuno. Matapos makaisip ng limang
pangyayari ay isadula ang mga ito. Isulat sa
papel ang mga pangyayari.
Para sa ikalawang grupo: (Imperpektibo)
Gumuhit ng limang larawan na
nagpapakita ng kasalukuyang ginagawa
ninyo ngayon. Lagyan sa ibaba ng
pangugusap tungkol sa iginuhit na
larawan.
Para sa ikatlong grupo: (Kontemplatibo)
Magtala ng limang pangyayari na gusto mong
gawin pagkaraan ng 10 taon. Isulat sa papel ang mga ito
at isadula.
Para sa ikaapat na grupo:
(Neutral)
Gumawa ng isang
pagsasadula na magpapakita
ng mga kilos na nag-uutos.
Para sa ikalimang grupo:
(Katatapos)
Gumawa ng maiksing
tula na nagpapakita ng mga
kilos na katatapos pa lamang.
PERPEKTIBO
- ito ay tumutukoy sa mga
kilos na nangyari na o tapos
na.
IMPERPEKTIBO
- ito ay tumutukoy sa mga
kilos na nagaganap o
nangyayari sa kasalukuyan.
KONTEMPLATIBO
- ito ay tumutukoy sa mga
kilos na magaganap o
mangyayari pa lamang.
KATATAPOS
-ito ay tumutukoy sa mga
kilos na katatapos o
kakapangyari pa lamang.
NEUTRAL
-ito ay mga pandiwa na
nasa anyong pawatas o
pautos

You might also like