You are on page 1of 19

1STIKALAWANG

WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

BATAYANG KAALAMAN SA WIKA


ANG WIKA NG PANANATILI – walang bahid alinlangan na integral na bahagi ng tao
ang wika. Gamit ang wika hindi lamang upang mabuhay (to live) kundi upang
makapanatili (to exist).

• Sa wika nailalarawan ang tagumpay at pagkabigo.


• Sa wika nasasagot ang mga tanong atnaipababatid ang mga kaalaman.
• Sa wika nabubusog ang kumakalam na tiyan.
• Malinaw ang gampanin ng wika bilang kasangkapan sa komunikasyon.
• Ayon akay Alfred North Whitehead (2006) na ang wika ng lipunan ay nagpapakita
ng kanyang kaisipan, salamain ng kanyang lahi at na kanyang katauhan.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

Ang wika ang magsasalin ng talinong kasangkapan upang makapanatiling buhay


at nakikipamuhay sa patuloy na pagbabago at papaunlad o papabulusok na
sibilisasyon ng tao. Ibig sabihin, kung nagbabago ang paligid, nagbabago ang wika.
Kung namamatay ang taong gumagamit nito, namamatay rin ang wika. At upang
patuloy na maisalin, kailangan na patuloy itong maging repleksyon ng nakaraan,
kumakatawan sa kasalukuyan at magsisilbing pag-asa ng hinaharap. Nananatili ang
sibilisasyong pantao, sapagkat nakaaalinsabay ang wikang gamit nito upang
makipagkomunikasyon di lamang sa kapwa tao, maging sa pisika at metapisikang
nagpapaikot sa mundo
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

ANG FILIPINO BILANG WIKANG KARANIWAN AT WIKANG AKADEMIKO

Wikang karaniwan – wikang ginagamit sa labas ng mga paaralan at larangang pang-


akademya bilang ekspresyon ng saloobin sa pang araw-araw na buhay.

Wikang akademiko – ang midyum ng mga aklat; ginamit ng mga siyentipiko, guro,
inhenyero, at iba pang propesyonal sa ispesipiko nilang larangan, gamit sa mga
kapulungan, pampublikong pagbigkas, pakikipanayan at mga katulad.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

SARBEY NA GINAWA NG ATENEO DE MANILA NOONG 1989 HINGGIL SA


KASAKLAWAN NG GAMIT NG WIKANG FILIPINO

92 % - Nakauunawa ng filipino
88% - nakababasa
83 % - nakapagsasalita
82 % nakasusulat

Ayon sa pananaw ni Andrew Gonzales (Dating kalihim ng Edukasyon) sa taong 2020


ay aabot na sa 98% ang gumagamit ng wikang filipino sa pakikipag-interaksyon.

Ayon din sa NSO ngayon ay PSA nagsabi na ang Filipino sa iba’t iba nitong barayti ay
ang lingua franca na ng bansa.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

ANG BARAYTI AT REJISTER NG WIKA


- Ang pagkakaroon ng barayti ng wika at patunay paggbubukolod ng tao dahil sa
wika.
- Ayon kay Richard Nordquist ng www.amazon.com, tumutukoy ang barayti ng
wika sa diyalekto, idyolek, sosyolek at rejister ng wika.
- Ayon naman kay Constantino, may dalawang barayti ang wika:
1. Diyalekto – nabuo dahil sa dimensiyong heograpikal o teritoryo.
2. Sosyolek – nabuo mula sa dimensyong sosyal o ang estado ng buhay,
kasarian, antas ng pinag-aralan at paniniwala.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

Tinawag na Panganiban na diyalekto ang mga wikang


lalawiganin tulad ng: Ilokano, bicolano, pangasinense,
kapampangan, tagalog, hiligaynon, waray, samar-leyte,
cebuano, chavacano, maguindanao, tausug.

Kasama rin ang mga minoryang wika: tiruray, aeta, ivatan,


ifugao etc (San Juan, 2020)
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

Ipinakikita ng idyolek ang mga natatanging punto


o paraan ng pagsasalita ng tao, batay sa rehiyonal na
pinagmulan, hal. Saa batangas ay ang “ala eh” patula
ng mga taga bulakan at maraming pang iba.

Binulod naman ng sosyolek ang mga taong may


parre-parehong antas ng pamumuhay, interes,
kinahihiligan, kasarian at edad.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

Jargon – register na wika. Makikita ang pagbubuklod ng


mga mananalita batay sa kanilang propesyon. May diktang
bokabularyo ang medisina. Komunikasyong pangmadla,
abogasya at iba pa. – na tanging propesyonal ng ispesipikong
propesyon ang nakauunawa. Wika nga ni Joos (1961)
tumutukoy ang register ng wika sa istilo ng pagsasalita ng
mananalita, gayundin sa piling bokabularyong kanyang
gamit batay sa hinihingi ng pagkakataon.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

URI NG REJISTER NG WIKA BATAY KAY JOOS:


1. NANANATILING REJISTER – tumutukoy ito sarejister ng
wika na ginagamit sa saligang batas, panunumpa sa
watawat, mga himno ng paaralan at organisasyon, mga sitas
sa mga banal na kasulatan, mga kakintalang pormal kung
sinasambit. Taglay ng mananalita ang pagmamalaki, mataas
na respeto at pag-aangkop ng sarili kung ang uri ng register
na ito ang gagamitin.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

URI NG REJISTER NG WIKA BATAY KAY JOOS:

2. AKADEMIKONG REGISTER – ito ang rejister ng mananalita


na ginagamit sa mga paaralan, paghahatid ng mga
impormasyong pampubliko, pananaliksik, pampublikong
pagbigkas tulad ng talumpati, pagdedebate, paglelektura.
Karaniwang pormal ang estilo ng mga sangkot na
mananalita. Sinasabing ang tinatawag na jargon ay bahagi ng
akademikong rejister, ito ay tumutukoy sa mga set ng
bokabularyo na eksklusibong gamit ng isang partikular na
disiplina.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

URI NG REJISTER NG WIKA BATAY KAY JOOS:

3. KONSULTATIBONG REJISTER – ang uring ito naman ng


rejister ang gamit ng mga sumasangguni sa
mapagkakatiwalaang makapagbibigay ng mabuting payo,
opinyon o hatol. May pagkapormal sapagkat ang
sumasangguni ay may katanggapan na mas mataas at dapat
na may respeto sa pinagsasanggunian. Tulad ng paghingi ng
payo sa doktor, pagkonsulta sa isang nasasakdal sa isang
abogado at iba pa.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

URI NG REJISTER NG WIKA BATAY KAY JOOS:


4. KARANIWANG REJISTER – gamit ito sa karaniwang
pakikipag-usap sa kaibigan, kakilala o di man kakilala. Hindi
pormal ang pili ng mga salita at malayang nakapipili ng
bokabularyong gagamitin.
5. INTIMASIYANG REJISTER – ito ay ang gamit sa pag-uusap
ng naglalambingang magkasuyo o magkasintahan. Walang
kapormalan ang estilo ng usapan. Karaniwansa rejister na ito
ay nasasaling ang sekswalidad at may paggamit ng mga
terminolohiyang tinatawag na “taboo” kung kaqya’t piling
pili ang pinaggagamitan.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

Awtput Blg 1: Basahin ang Register ng Wika sa iba’t ibang larangan sa


mga pahina 9-18. pumili ng tig-limang termino at ang katumbas sa
filipino sa mga sumusunod na larangan: 30 puntos.

1. Mga katawagan sa edukasyong panteknolohiya at pangkabuhayan.


2. Mga katawagan sa pagbobrodkas.
3. Mga katawagan sa adbertaysing
4. Mga katawagan sa pamamahayag
5. Mga katawagan sa pelikula.
6. Mga katawagan sa kasaysayan

Paalala: Ang awtput blg. 1 ay ipapasa sa google classroom.


1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

WIKA ANG TULAY NG PAGBASA AT PAGSULAT UPANG MAKAPANALIKSIK

Isang esesnyal na kasanayan ang pagbasa at pagsulat. Ang buhay ay masasabing walang
sustansiya kung ang umaangkin sa buhay na ito ay hindi napag-aralan kung paano ang wasto
at epektibong pagabasa at pagsulat. Sa wika, higit na nakapagpapahayag ng epektibo ang
isang tao kung larangan ng pagbasa at pagsulat ang usapin.

Malalim ang pagtanaw ng isang edukador na si PHIL BARTLE sa punsiyunal o basikong


kaalaman sa pagbasa at pagsulat, sinabi niya;

ang kahulugan ng pag-aaral ng pagbasa at pagsulat ay ang pag-aaral kung paano kilalanin
ang nakatitik, paano parisan ito, at paano iuugnay ito sa mga salita at pahayag na ating
binibigkas at naririnig. Bukod dito, napakaraming pagpipiliang mga titik o letrang maaaring
pag-aralan. Maaari nating ipagpatuloy ang pag-aaral nito habang tayo ay nabubuhay. Ang mga
titik o letrang ito ay nakagrupo sa bokabularyo, pagbaybay, gramatika at iba pang kaurian.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

Mahihinuha mula kay Bartle na ang


basikong kaalaman sa pagbasa at pagsulat
ang magsisilbing tulay para matamo ang
hustong kaalaman tungkol sa paligid.
Kung wika ang midyum nito,
napakahalagang aspekto ng wika na
siyang tuntungan para lubos na
makaunawa at matuto.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

MGA KAHALAGAHAN NG PAGBASA AT PAGSULAT


1. Kayraming natutuklasan sa pamamagitan ng pagbabasa.
Ang mga natutuklasang ito ung nais pang palawigin o
palalimin ay tiyak na hahantong sa mas masidhi pang
pagbabasa. Hanggang sa humantong sa hindi na
namamalayang pag-inog sa mundo na pananaliksik.
Nakapagkakaloob ng tiwala sa sarili ang mga kaalamang
natatamo sa pagbabasa sapagkat nakatutuklas ng mga
patunay o katibayang magpapatotoo sa mga hinuha, agam-
agam, at karanasan.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

MGA KAHALAGAHAN NG PAGBASA AT PAGSULAT

2. Kung kayrami nang nabasa ay kusang nahihikayat sa


pagsusulat, lalo’t may layuning maging bahagi ng tagapag-
ambag ng karunungan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay
muling naisasalin ang kaalamang natamo sa pagbabasa.
Kung gayon ang pagsusulat ay di lamang bunga ng
ekspresyon, mas higit na dapat isulat ang bunga ng
pananaliksik.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

MGA KAHALAGAHAN NG PAGBASA AT PAGSULAT


3. Kung mananaliksik, karaniwang hanap ay mga salik na
kung ano anong mga bagay. Salik sa epekto, salik sa naging
bunga, salik sa kaganapan, at kung ano-ano pang salik. Sa
paghahanap ng mga salik na ito ay nagpupumilit sumiksik
upang masaliksik ang kaalamang isisiksik sa isip ng isang
mambabasang nag-iisip. Sa ganyang kalagayan, kung bakit
napakahalaga ng wika, pagbasa at pagsulat. Dahil sa wikang
taglay ay mayroong naisusuulat; dahil may naisulat kung
kaya’t may nababasa na siyang nagiging batayan ng isang
pananaliksik.
1STIKALAWANG
WEEK SESYON 1-3LINGGO

SESYON 4-6

Awtput Blg 2: Isa-isahin at ipaliwanag ang uri ng repertwa ng wika


ayon kay Joss. Paalala: Kasagutan sa awtput blg. 2 ay ipapasa sa
google classroom.

https://docs.google.com/document/d/1w07uvnmXD9tAsYRzcnnwGet
H6Hmi6DYc74puFGw0TVQ/edit?usp=sharing

MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 1. (10 aytem) ipapaskil sa google


classroom gamin ang google Form.

https://docs.google.com/document/d/1zTNf09zf1letNQTXxVIJ-CIQD-f
0SDf_RC4-tvxYce8/edit?usp=sharing

You might also like