You are on page 1of 28

PANGKAT 4

Antonio, Khryssel Mari


Boongaling, Marlon
Dequina, Xyvier Daniel
Panganiban, Mica
Sim, Elmer
Solo, Dianne Grace
AWIT
(Piliin ang may mga tayutay)
Layunin:

A. Nabibigyang-kahulugan ang mga malalalim o matatalinghagang


salita na maririnig mula sa awitin.

B. Nabibigyang tuon o halaga ang pagkakaiba ng estado ng


pamumuhay at kalagayan sa pagitan ng mahirap at mayaman at ng
mga nakaupo sa pwesto sa isang lipunan.

C. Nakabubuo ng isang Comic Strip na nagpapakita ng bentahe at


disbentahi ng pagiging mahirap at pagiging mayaman.
Ano ang kahulugan ng tayutay?

- Ang tayutay ay isang pahayag na ginagamitan ng


mga matalinhaga o di karaniwang salita upang
gawing mabisa, makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
Pagganyak

(AWITIN MO, DUDUGTUNGAN KO)


Pipili ng limang (5) mag-aaral ang guro gamit ang roleta sa
kanyang elektronikong kagamitan upang maging kalahok.
Kinakailangan lamang na dugtungan ng mag-aaral ang kanta
na pangungunahan ng guro. Dudugtungan ito ayon sa beat ng
kanta. Matira, matibay. Ang huling matitira ay magkakaroon
ng karagdagang limang puntos sa recitation.
Paghahawan ng mga balakid
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na kahulugan ng mga idyoma sa bawat bilang. Isulat sa
guhit bago ang bilang ang letra ng napiling sagot.

a. Ito ay nangangahulugan ng pagsumpa, o pagbibigay ng


matinding pangako na imposibleng mabali o masira kaya
kailangan itong pakatandaan o tandaan; tutuparing f. Nabigla o natigilan
walang sala.

b. Daldalero o daldalera g. Maluwag sa pera o galante

c. Balitang salat sa katotohanan

d. Nakikisama o nakikipagmabutihan sa di niya asawa o h. Nagkagulo


pagtataksil sa kabiyak.

e. Kumalma o pigilan ang sarili i. Sinungaling.


_____ 1. Makati ang dila
_____ 2. Naglalaro ng apoy
_____ 3. Bulang-gogo
_____ 4. Balitang kutsero
_____ 5. Itago mo ito sa bato
_____ 6. Hunus-dili
_____ 7. Maghalo ang balat sa tinalupan
_____ 8. Parang natuka ng ahas
_____ 9. Mahilig maglubid ng buhangin.
Pagtatalakay

UPUAN (GLOC 9)

• Ang mga may salungguhit ay mga tayutay.


Kayo po na nakaupo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng


Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan

Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan


Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo

Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno


Ang ding-ding ng bahay namin ay
pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo KABAN
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
NG
BAYAN
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin

Di ko alam kung talagang maraming harang


O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...
Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit

Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
Tayutay na nasa Liriko ng Awitin ni Uri ng Tayutay Kahulugan
Gloc 9

Kayo po na naka upo Apostrope o Pagtawag Mga taong may kapangyarihan o mataas
ang posisyon sa gobyerno

1 baka matanaw na nyo Pagmamalabis o Sitwasyon ng ating bayan.


Hyperboli mahihirap at mga inaapi.
2 Ang tunay na kalagayan ko

3 sarap sigurong manirahan sa bahay na


ganyan

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Tanong Retorikal o Ito ay tungkol sa mga mahihirap na
Rhetorical Question hinahanap ang gobyerno ngunit may mga
taong ipinapakita sa mfga mayayaman at
may kapangyarihan ang sitwasyon ng mga
mahihirap ngunit pinipilit nilang hindi
makinig upang hindi makaistorbo ang
kanilang maginhawang buhay.
Mga patay na laging bulong ng Metapora o Pagwawangis Mga pulitiko at mayayaman na
bulong puro salita lamang at mga
pulitiko ay walang ginagawa
upang masolusyonan ang mga
problema.

Mga plato’t kutsara na hindi Pagpapalit-tawag o ukol sa buhay ng mayayaman.


kilala ang tutong Metonymy

Ang kanin ay simputi ng gatas Simili o Pagtutulad Mamahaling pagkain.


Gabay na mga tanong:

1. Tungkol saan at sino ang pinag-uusapan sa awitin na ito?


2. Ano ang khulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa awit na ito?
3. Sino ang tinutukoy na mga taong nakaupo sa awiting ito?
4. Paghambingin ang estado ng pamumuhay ng mayayaman at
mahihirap.
5. Ano-ano ang mga isung panlipunan na nakapaloob sa awiting ito?

6. Sa inyong pananaw bakit UPUAN ang pamagat ng awitin na ito?


7. Paano natin malulutas ang mga isyung panlipunan na ito?
8. Bilang isang estudyante, paano natin mabibigyang halaga o tuon ang
estado ng pamumuhay sa pagitan ng mahihirap at mayayaman?

9. Ano ang mahalagang mensaheng nais iparating ng awitin na ito?


Input

• Background patungkol sa Gloc 9.


• Kailan sinulat ang kanta.
• Sino ang nagsulat.
• Sino ang nag-arrange.
• Sino ang kumanta.
Si Gloc-9 (Aristotle Pollisco) ay isang Pilipino na kwalipikado sa Awit Award. Ang kanyang
mabilis na pagsalita ay ang daan upang siya ay maging isa sa mga tagumpay na rapper sa
Pilipinas. Siya ay nanalo ng gantimpala sa pagiging Pinakamagaling na Rapper sa Philippine
Hip-Hop Music Awards sa tatlong magkakasunod na taon (2005-2007) at siya rin ay nakilala
sa MYX at MTV.

Ipinapakita ng kantang “Upuan” ni Gloc-9, ang malaking agwat ng mayayaman at mahihirap


sa ating bayan. Ang mensahe ng kanta ay nakasentro sa napalaking isyu ng kahirapan sa ating
bansa. At sa pamamagitan ng “music video” ng kantang ito, nabigyang diin at lalong naipakita
kung gaano kalaki ang epekto ng korupsyon at kahirapan sa Pilipinas. Ang awiting upuan ay
inilabas noong June 22, 2009.

Isinulat ni Gloc-9 ang kantang “Upuan” upang mabigyang tinig ang mahihirap.
Pangkatang Gawain
Dimensyon Pinakamahusay Mahusay Katamtaman
(10) (8) (6)

PAGKAKAISA Aktibong nakikiisa ang Aktibong nakikiisa ang Aktibong nakikiisa ang
mga kasapi nakararami ilan

PAGSASALITA AT Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di-gaanong naging


PAGBIGKAS paghahatid at pagbigkas paghahatid ng mensahe malinaw ang paghahatid
ng mensahe ng mensahe

PAGKAMALIKHAIN Lubos na nagpamalas ng Naging malikhain sa Di-gaanong naging


pagkamalikhain paghahanda malikhain sa paghahanda
Pangkat Isa
• Bumuo ng isang tableau na
nagpapakita/nagpapahayag ng kahulugan
ng mga tayutay na nabanggit sa loob ng
awiting “Upuan”.
PANGKAT DALAWA

• Bumuo ng maikling dula na


nagpapahayag ng pagkakaiba sa pagitan
ng mahirap at mayaman.
PANGKAT TATLO

• Bumuo ng slogan na nagpapahayag ng


sistema ng gobyerno na nararanasan
mula noon hanggang sa ngayon.
(Ipaliwanag sa klase).
S
i
n
t
e
s
i
s
Takdang-Aralin

• Bumuo ng isang comic strip na nagpapakita ng Sistema


ng buhay mula sa pagitan ng mayaman, gobyerno, at
mahirap.

You might also like