You are on page 1of 17

Forest

Land
Use
Planning
Wastong pagpaplano para sa
pamamahala ng kagubatan

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT & NATURAL RESOURCES


PHILIPPINE ENVIRONMENTAL GOVERNANCE PROJECT
Gaano kahalaga ang
kagubatan sa ating buhay?

Ang gubat ang pinagkukunan ng ating pagkain, gamot, tubig, kahoy


at mga gamit na kailangan natin sa araw-araw. Maliban sa
kanlungan ng samut-saring buhay (tao, hayop at halaman), ang
kagubatan din ang nagpapanatili ng malusog na ekolohiya.
Gaano kabilis nauubos ang
ating kagubatan?

60 % 40 %
70 %

34 % 23.7 % 18.3 %

Source: Environmental Science for Social Change, 1999

Ayon sa mga dalubhasa, dapat ay hindi bababa ang kagubatan ng bansa


sa 45% upang mapanatili ang malusog na ekolohiya.

Subalit sa kasalukuyan, humigit-kumulang 20% ang kagubatang naiiwan!


Ang pagkawasak ng kagubatan ng Pilipinas ay lubhang napakabilis at
napakalala.

Kaakibat ng pagkawasak ng kagubatan ay ang pagkaubos din ng mga


samut-saring buhay na naninirahan dito.

Ang mga ganitong sitwasyon ang nagbabadya ng panganib sa balanse ng


kalikasan- at nagdudulot ng pangamba para sa kaligtasan ng tao.
Bakit nauubos ang ating
kagubatan?

May mga bahagi ang kagubatan na hindi pa napasasailalim sa anumang


klaseng pamamahala (tenure). Mayroon ding mga bahagi na mayroon nang
tenure subalit ang mga may hawak nito ay nagpapabaya sa kanilang
responsibilidad. Ang mga bahaging ito ng kagubatan ay itinuturing na “open
access.”

Dahil walang nakikitang namamahala at walang nakikialam, may mga taong


basta na lamang pumapasok sa mga bahaging ito ng kagubatan (open access)
upang mamutol ng kahoy, magsagawa ng kaingin, at iba pang mapanirang
gawain na nagdudulot ng pagkasira at patuloy na pagkaubos ng ating
yamang-gubat.
Paano natin maiiwasan
ang mga ito?

Maiiwasan ang pagkaubos ng ating kagubatan sa pama-magitan ng


tamang pagpaplano at pamamahala rito. Upang maging makabuluhan
at epektibo ang gawaing ito:

a) kailangan ang malawakang pakikilahok ng lahat ng sektor ng


lipunan sa pagpaplano ng gamit ng gubat;

b) kailangang malinaw (transparent) ang proseso ng pag-aaral o


pagsusuri sa gamit ng mga ito; at

c) ang mga nabigyan ng responsibilidad o tungkulin na mamahala


ng kagubatan ay dapat may pananagutan (accountable) sa
DENR, LGUs at komunidad.
Sa pamamagitan ng FLUP:
a) magiging malinaw ang alokasyon ng gubat at lupaing gubat
sapagkat lahat ay magkakaroon ng tama at sapat na
impormasyon tungkol sa gubat at lupaing gubat;

b) may pananagutan ang mga may hawak o nabigyan ng


tenure/allocation instruments batay sa commitment,
napagkasunduan, plano ng pamamahala sa mga lugar na
naibigay na pangalagaan nila; tungkulin din ng DENR at LGU
na suportahan ang pagprotekta at pagpapaunlad ng gubat at
lupaing gubat.

c) malawakan ang pakikilahok ng lahat ng sektor/ stakeholders sa


pagpaplano, proseso ng alokasyon at sa lahat ng gawain
kaugnay sa pagpoprotekta ng kagubatan

Ang FLUP
Ang FLUP ay
ay may
may mga
mga katangiang
katangiang nagpapakita
nagpapakita
ng mga
ng mga mahahalagang
mahahalagang sangkap
sangkap ngng maayos
maayos na
na
pamamahalasa
pamamahala samga
mgagubat
gubatat
atlupaing
lupainggubat.
gubat.
Ano ang FLUP?

 Ang Forest Land Use Planning (FLUP) ay isang pamamaraan


ng pagpaplano – matapos ang isang masusing pagsusuri at
pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan – upang mailagay ang
mga ito sa maayos na pamamahala.

 Ang FLUP din ang maging basehan sa “alokasyon” o


paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan
ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.
Anu-anong klaseng
alokasyon ang maaring
isagawa sa tulong ng FLUP?
Ang FLUP ay makakatulong sagutin ang mga katanungan tungkol sa
alokasyon tulad ng:

Anong bahagi ng gubat at lupaing gubat ang dapat ay


protektado – tulad ng watershed reservation? Anong parte
ang maaaring ipamahala sa komunidad? O sa pribadong
sektor? O sa pamahalaang lokal (tulad ng communal
forest)? O sa ibang ahensya ng pamahalaan (tulad ng
pamantasan, Department of Agriculture, National Power
Corporation, atbp.)?

Ang tamang alokasyon, base sa FLUP ay mangangahulugan ng


paglalagay ng naangkop na pamamahala sa mga kagubatan na
itinuturing na “open access.”

Sa pamamagitan rin nito, magiging malinaw ang mga responsibilidad


at pananagutan ng DENR, LGU, at maging ang lokal na pamayanan,
upang tiyakin na maisasa-katuparan ang tamang pamamahalang
nabanggit.
Bakit kailangan ang FLUP?

 Upang matukoy ang mga “open access” na kagubatan at


mailagay sa tamang pamamahala, kasunod ng pagbibigay ng
“tenure” sa mga interesado at responsableng tao o
organisasyon na maaring mamahala dito.
Paano nakatutulong ang FLUP sa
ugnayang DENR-LGU ukol sa
alokasyon at pamamahala ng
kagubatan?

 Ang FLUP ay magsisilbing batayan tungo sa pagbuo ng kasunduan sa


pagitan ng DENR at ng pamahalaang lokal at iba pang sektor upang
malinaw na maipatupad ang mga kasunduan ayon sa alituntunin ng
batas. Sa gayon, mapapadali ang pagtutulungan ng DENR at LGU na
maisakatuparan ang mga mithiin sa pamamahala ng kagubatan, ganun
din sa pagpapasya ng DENR sa pag-isyu ng angkop na tenure, ayon sa
itinalaga ng plano (FLUP).
Ano pa ang gamit ng FLUP?

 Ang FLUP ay magsisilbing batayan ng iba’t-ibang sektor sa


pagmonitor ng pagbabago sa kagubatan. Sa pamamagitan ng
pagmomonitor, agarang maak-siyunan ang mga problema na
posibleng kaharapin kaugnay ng pamamahala sa kagubatan.
Ano ang pakinabang ng
mamamayan mula sa FLUP?
Oras na maisakatuparan ang FLUP, ang mga sumusunod ay ilan
lamang sa mga pakinabang na matatamasa ng mga mamamayan:

 Pagkakaroon ng tenure
Mabibigyan ang mga kuwalipikadong komunidad ng tenure na siyang
nagbibigay sa kanila ng prebilihiyo na pangalagaan ang ilang bahagi ng
gubat kasama ang likas-kayang paggamit ng ilang likas-yamang
nakapaloob sa kasunduan.

 Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa paggamit ng likas-yaman

Dahil ang pamamahala ng kagubatan at ang paggamit ng yamang-


gubat ay ipasasaloob sa isang malinaw na kasunduan kung saan lahat
ng maaapektuhan ay kukunsultahin, maiiwasan din ang away at
anumang di pagkakaintindihan.

 Pagkabawas ng mga ilegal na aktibidad


Kung mayroon nang komunidad o organisasyon na responsible sa
pangangalaga ng kagubatan, tiyak na mababawasan ang ilegal na
pagpuputol, kaingin at iba pang mga aktibidad na nakasasama sa
kagubatan.
Mga pangmatagalang
pakinabang:
 Natitiyak ang patuloy na pagbibigay ng kabuhayan sa mga
pamayanan

 Patuloy na serbisyo sa pamayanan tulad ng malinis na tubig,


suplay ng kahoy, proteksiyon sa kalamidad, at marami pang
iba.

 Nababantayan din ng mamamayan ang paglalagay ng mga


proyekto at masusuri kung ang mga ito ay naaayon sa
pangangailangan ng kagubatan at sa kagustuhan ng mga
komunidad.

Ano naman ang pakinabang


ng mga nasa kapatagan?

 Sapagkat kunektado ang


kagubatan at kapatagan,
ang maayos na pamamahala
sa ka-gubatan ang
nagtitiyak ng patuloy na
pagbi-bigay nito ng serbisyo
sa mga nasa kapatagan
tulad ng regular na suplay
ng tubig para sa irigasyon,
gamit sa bahay at iba pa.
Ano ang proseso ng FLUP at
gaano katagal bago matapos
ang plano?
1. Paghahanda
· Pagbuo ng Planning Team o Technical Working Group
· Orientasyon tungkol sa FLUP para sa Planning Team

2. Mobilisasyon/Community Profiling
· Pagpupulong at pagpapalakas ng Technical Working Group
· Orientasyon sa mga barangay/komunidad tungkol sa FLUP
· Pagkolekta ng mga mapang teknikal
· Pangangalap ng impormasyon ukol sa kultura, kabuhayan at sosyal na
kalagayan ng pamayanan
· Pagmamapa

3. Pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan


(tulad ng pag-aaral sa mga socio-economic data at pagsusuri sa mga mapa)

4. Lakbay Aral sa mga minomodelong lugar na nagpapakita ng maayos na


pangangalaga at pamamahala ng kagubatan

5. Malawakang kasunduan (kung saan kasama ang iba-ibang sektor ng komunidad)


sa alokasyon ng kagubatan/lupang gubat at prioritization ng subwatersheds

6. Pagpapatibay ng FLUP
· Pagsusulat at pagbubuo ng plano
· Pagpapatibay ng Municipal Development Council
· Pagpapatibay at pag-endorso ng Sangguniang Bayan
· Paglagda sa kasunduan ng DENR at ng lokal na pamahalaan

7. Pagpaplano para sa pagpapatupad ng FLUP (kagaya ng paggawa ng lokal na


ordinansa at pagbuo ng Multi-sectoral Forest Protection Committee).

Bago ipagtibay ang FLUP, ang komunidad ay kinukunsulta muli upang


matiyak na tama ang mga napapaloob sa plano.
Ano ang papel na dapat
gampanan ng pamayanan sa
pagbuo ng FLUP at sa
pagpapatupad nito?

 Tumulong na magbigay ng kaukulang impormasyong kakailanganin


sa pagbuo ng FLUP;

 Makilahok sa pagsusuri ng mga impormasyong nakalap upang


matiyak na ang mga ito ay tama;

 Tiyakin kung ang mga nilalaman ng plano ay sang-ayon sa mga


napag-usapan o napagkasunduan, at batay sa kagustuhan ng
nakararami

 Makibahagi at tumulong upang tiyakin na ang plano ay


maisasakatuparan batay sa napagkasunduan.

 Makilahok sa mga gawain o aktibidad na ipinapatupad ng lokal na


pamahalaan at ng iba pang ahensiya kaugnay sa pagpapalawak ng
kaalaman at pagpapaunlad ng kakayahan para sa pamamahala ng
kagubatan

 Makibahagi sa mga pagpupulong o pag-uusap-usap hinggil sa


pangangalaga sa kagubatan para maipahayag ang mga saloobin at
mabigyan ng kaukulang pansin ang mga mithiin.
Sinu-sino ang bubuo ng
FLUP?
Inaasahan ang malawakan at makabuluhang pakikilahok ng iba’t-
ibang sektor at ahensiya sa paghahanda ng FLUP sa pangunguna ng
pamahalaang lokal at DENR.

Bukod sa DENR at LGU, ang mga iba pang may mga mahahalagang
papel na gagampanan sa pagbuo ng FLUP at sa pagpapatupad nito
ay ang mga sumusunod:

 Pamayanan/Katutubo

 NGOs/Private institutions

 Iba pang stakeholders, tulad ng mga komunidad sa


kapatagan na apektado ng pagsasaayos ng kagubatan

 Iba pang ahensya tulad ng NCIP, DA, DAR, NIA,


atbp.
Bakit kailangang
makilahok?

Bilang isang
responsableng
mamamayan, tungkulin
nating pamahalaan at
paunlarin ang mga
likas-yamang nadatnan
hindi lamang para sa
atin kundi para sa
susunod na henerasyon.

. flip chart na ito ay inihanda ng Philippine Environmental Governance


Ang
Project (EcoGovernance) ng DENR-USAID.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa FLUP Technical


Working Group sa inyong bayan.

You might also like