You are on page 1of 14

Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga

pagbabago ng salik na nakaaapekto sa demand

LC Code: AP9MYK-IIb-3
Tiyak na Layunin:
• 1. Nakapagbibigay ng mga paraan sa pagtugon
sa pagbabagong dulot ng mga salik na
nakaaapekto sa demand.
• 2. Nailalahat ang mga alternatibo o pamalit sa
pagtugon sa pagbabagong dulot ng mga salik
na nakaaapekto sa demand.
Panimula
• Napag-aralan sa nakaraang talakayan ang mga
iba’t-ibang salik na nakaaapekto sa demand.
• Ito ay ang kita, panlasa, dami ng mamimili
presyo ng magkaugnay na produkto sa
pagkonsumo at inaasahan ng mga mamimli
sa presyo sa hinaharap.
Kaya laging tandaan………..
DAMI NG
KITA OKASYON MAMIMILI

DEMAND

MAGKAUGNAY NA
INAASAHAN NG
PANLASA PRODUKTO SA
MAMIMILI PAGKONSUMO
Gawain A
ALAMIN NATIN
Panuto: Basahin ang pag-uusap ng dalawang karakter sa ibaba. Tukuyin at bigyan ng
interpretasyon ang palitan ng diskurso ng mga tauhan. Sagutin ang mga tanong sa susunod
na slide.
Berto: Bogart, saan ka magkokolehiyo?
Bogart: Hindi ko pa alam. Gusto ko saana sa
Pamantasan sa Maynila subalit hindi kakayanin ng mga
magulang ko ang gastos sa pag-aaral ko roon. Alam mo
namang hindi kalakihan ang kanilang kita sa palengke.
Berto: Mas magandang dito na lang sa atin tayo mag-
aral sapagkat makakatipid ka na at kasama mo pa ang
mga mahal mo sa buhay.
Bogart: Pag-iisipan ko pa yan Berto.
Pamprosesong tanong
1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawang
karakter?
2. Ano ang naging basehan ni Berto sa kanyang naging
desisyon?
3. Paano tumulong sa pagdedesisyon ni Berto si Bogart?
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Berto, ano ang iyong
isasaalang-alang para sa gagawing mong desisyon?
GAWAIN B
TY! (TSEK na YAN!)
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na kalagayan at ano ang epekto nito sa ekonomiya. Sa isang
papel, isulat ang sagot. Isulat ang √ sa bawat kahon kung nagsasaad ito ng MM kung mas
makabubuti, M para sa mabuti at DM para sa di-makabubuti. Sa likod ng papel ay isulat kung
bakit iyon ang pinunan ng tsek.
KALAGAYAN MM M DM
1. Pagtatakda ng mataas na presyo sa mga pangunahing produkto.
2. Kampanya para sa pagpaplano ng pamilya
3. Pag-endorso ng mga kilalang artista o celebrity sa pag-anunsiyo ng
produkto.
4. Matagal na committee hearing ukol sa pagtaas ng sahod ng mga
manggagawa.
5. Pagsunod sa mga kinagisnang kaugalian.
GAWAIN C
Panuto: Alamin kung saang salik nakapaloob
ang mga sumusunod na sitwasyon.
1. Ang pagtaas ng kita ay nagpapataas sa demand sa mga produktong normal tulad
ng masasarap na pagkain, mga gamit sa bahay at iba pa.
2. Inaasahan ang pananalasa ng Bagyong Carmen sa Hilagang Luzon sa susunod na
Linggo.
3. Nagdudulot ng kasiyahan ang pag-aayos ng katawan, kaya naeengganyo ang iba na
bumili ng kolorete sa katawan at ang tinatawag na ”cosmetics”.
4. Ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy ay nakapagpapataas sa demand sa karne
ng baka. (produktong pamalit)
5. Batay sa estadistika, tumataas ang bilang ng ipinapanganak kaya nagdudulot ito ng
pagtaas ng demand sa lampin, gatasat iba pang gamit ng sanggol.
Paglalahat
 Sa bawat paglaki ng kita ng isang tao, nagiging
kritikal ang kalagayan sa paggasta nito ng kanyang
mga pangangailangan.
 Matutong magplano kung saan gagastusin ang kita
at pera
 Kung namamahalan ay humanap ng pamalit o
alternatibo sa kailangang produkto.
Takdang Aralin
Sagutin Natin!!
• Panuto: Isulat sa kwaderno ang mga sumusunod na katanungan at
punan ng sagot ang mga nawawalang letra sa kahon.
1.
Nakatuon sa isang produkto ang dahlan ng pagbabago sa demand ng
konsyumer.
2.
Ang pagtaas ng “income” ay nakaaapekto sa demand para sa sa isang
partikular na produkto.
3.
Nahihikayat ang mga taong bumili ng isang produkto dahil sa ito
ay uso.
4.
Mga produktong maaaring magkarron ng alternatibo.
5.
Ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas
sa demand para sa isang produkto
Takdang Aralin
Think, Pair and Share
Panuto: Humanap ng kapareha. Bumuo ng Pick-
up line patungkol sa mga salik na nakaaapekto
sa demand. Maaaring gumawa ng dialogue o
palitan ng usapna pero ito’y gagawin sa
pamamagitan ng pick up-lines.
Sanggunian
• EKONOMIKS Araling Panlipunan Modyul para
sa Mag-aaral pahina 122-123
• EKONOMIKS Sa Nagbabagong Panahon IV
Vanessa Policarpio-Alcantara pahina 90-91
Reymond G. Bondoc
Teacher II
Cristo Rey High School

You might also like