You are on page 1of 4

ANG GINTONG

ARAL
“Huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin
nila sa iyo”. Mula sa kasabihang ito ni Confucius, isang
pantas mula sa Silangang Asya, makikita ang
pagkakatulad sa ikalawang pagtataya ng Unang
Balangkas ng Kautusang Walang Pasubali ni Kant – ang
reversibility. Ayon sa kanya, mahalagang isa alang-alang
ang mabuting pakikisama at kapakanan ng kapwa sa
bawat kilos ng tao.
Kinakailangang pag-isipan nang malalim ang bawat
kilos bago isagawa at ang magiging epekto nito sa iba.
Diyo higit na mapapatunayan kung mabuti o masama ang
isang partikular na kilos.
Kaugnay sa kasabihang ito ni Conficius, nabanggit ni
Hesukristo nang minsang mangaral sya na “Kung ano
ang ibig gawin sa inyo ng ibang tao, gayon din ang
gawin ninyo sa kanila” (Lukas 6:31).
Sumang-ayon din ang kasabihan ni Conficius sa turo
ni Propeta Muhammad sa pananampalatayang Islam.
“Wala ni isa man sa inyo ang tunay na mananampalataya
hanga’t hindi niya ninanais sa kanyang kapatid ang nais
niya para sa kaniyang sarili”
Sa huli, mahalagang tiyakin na ang bawat kilos natin
ay hindi lamang para sa lahat.
ANG PAGNANAIS: KILOS NG DAMDAMIN
Kung ang paninindigan ay dahilan ng pagkilos ayon sa
Kautusang Walang Pasubali ni Emanuel Kant, ang pagnanais na
gawin ang isang kilos dahil makakabuti ito para sa kaniyang sarili
at sa iba pa.
Hindi bulag ang damdamin dahil nakikita nito ang
kahalagahan ng isang mabuting kilos kaya’t obligado ang tao na
gawin ito.
Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong
pagpapahalaga na nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating
pagkatao tungo sa pagiging personalidad.

You might also like