You are on page 1of 13

Gaya-Gaya ang mga

Pilipino: Kulturang
Popular sa
Modernong Panahon
Kinaiinisan ng nakararami sa mga
nakatataas na mga tao sa lipunan ang
kulturang popular ng Pilipinas. Sa
pagbanggit ko ng terminong kulturang
popular, tinutukoy ko ang iba’t ibang media
(musika, telebisyon, pelikula, atbp.) na
maituturing na mainstream at tinatangkilik
ng mayoridad ng Pilipinas – ang masa.
Kung pagtatabihin ang mga produktong
kinokonsumo ng mga naiinis sa kulturang popular
sa mga tumatangkilik ng kulturang popular –
mapagtatantong ang mga produktong
kinokonsumo ng nauna ay mga kanluraning mga
produkto. Mas panonoorin nila, kung gayon, ang
How I Met Your Mother kaysa sa Be Careful with
My Heart, mas pakikinggan nila ang mga awit
nina Lady Gaga, Pink at One Direction kaysa sa
mga awit nina Sarah Geronimo, Bamboo, atbp.
Kung susuriin ang masang tagapagtangkilik
ng kulturang popular ng Pilipinas at piling
kulturang popular ng ibang bansa, nauuwi
ang usapan sa accessibility ng media. Kaya
siguradong pamilyar at tagapagtangkilik ang
mga masang Pilipino sa kulturang popular
ng ng ibang bansa kung ang pag-uusapan ay
musika, ito ay dahil accessible para sa kanila
ito.
At kung babalikan nila ang kulturang
popular na para sa kanila, dahil nabahiran
na sila ng mentalidad ng banyaga, ay iniisip
nilang hindi na ito nababagay sa kanila, at
bagkus, nakararanas sila ng dislokasyon –
na nasa anyo ng inis, o kahit na kawalan ng
interes man lang, sa kulturang popular ng
Pilipinas na para naman talaga rin sa
kanila, bilang Pilipino sila.
Ang inis na ito ay nauuwi rin sa kolonyal
na usapan. Kapag tanungin ang mga may-
ayaw sa kulturang popular ng Pilipinas
kung bakit nila ito ayaw – isa sa lumilitaw
na sagot ay dahil ginaya lang din naman ng
mga Pilipino ang kanluran sa mismong
kulturang popular. Halimbawa na lamang
ay ang pinakabagong boy band ng Pilipinas
– ang Chicser:
. Para sa mga pamilyar sa
kulturang popular ng ibang
bansa pamilyar ang kanilang
kuwento sa kuwento ng isa ring
sikat na boy band sa ibang
bansa.
Sa gayon, sa aking palagay, walang basehan ang
pagsabing mas mababang klase ang Chicser ng
kulturang popular ng Pilipinas kaysa sa One Direction
ng kulturang popular ng kanluran dahil ang mismong
“pinaggayan” nito ay may “pinaggayahan” din. At ang
“pinaggayahan” ay may “pinaggayahan” din, ad
infinitum. Imbes na gamitin ang salitang “paggaya” ay
mas mainam yata ang salitang “pinanggalingan” dahil,
hindi nga ba’t lahat naman ng mga produktong
kinokonsumo, hindi lamang sa musika kagaya ng
Chicser, ngunit sa lahat ng uri ng produkto na rin, ay
may pinagmulang “luma”?
Sa gayon, dahil na sa modernong
panahon na tayo, wala talagang
maituturing na bagong-bago, gaya nga
ng sinabi ni Rolado Tolentino, dahil
lahat ng bagong nalilikha ay may
pinanggagalingang luma na
pinaghahalawan at kinakapitan nito.

You might also like