You are on page 1of 34

ANG PAGLALAKBAY SA UNANG

PAGKAKATAON SA ESPANYA
(1882-1885)
Monarkiyang Konstitusyunal- pamahalaan ng Espanya.
• Sa ilalim ng konstitusyon ay kumikilala sa mga Karapatang Pantao, lalo na sa.

kalayaan sa pananalita, kalayaan sa pamamahayag at kalayaan sa pagtitipon

“Lihim na Misyon”- ang masusing pag-aaral sa buhay at kultura, wika at kaugalian, industriya at
komersiyo, at pamahalaan at batas ng mga Europeo nang sa gayon ay maihanda na ni Rizal ang sarili
sa dakilang misyon ng pagpapalaya sa mga kababayang inaapi ng tiranya ng Espanya.

Mga dahilan ni Rizal papuntang Espanya:


1. Nagpasyang tapusin ang kanyang pag-aaral ng Medisina sa Espanya.

2. Masusing pag-aaral sa buhay at kultura, wika at kaugalian, industriya at komersiyo, at pamahalaan at batas ng mga
bansang Europeo.

3. Pagpapalaya sa mga kababayang inaapi ng tiranya ng Espanya.


Ang lihim na misyon ni Rizal ay sinabi ni Paciano sa kanyang liham sa
nakababatang kapatid noong Mayo 20, 1882 sa Maynila.

Ang nakakaalam ng lihim na pag-alis ni Rizal patungong Espanya:


1. Kapatid na lalaki (Paciano)
2. Tiyo (Antonio Rivera)- ama ni Leonor Rivera
3. Mga kapatid na babae (Neneng at Lucia)
4. Mag-anak na Valenzuela ( Kapitan Juan at Kapitana Sanday at kanilang anak na si
Orang)
5. Pedro A. Paterno
6. Mateo Evangelista
7. Mga paring Heswita ng Ateneo
8. Ilang malalapit na kaibigan- Chengoy ( Jose M. Cecilio)
Jose Mercado- ginamit ni Rizal na pangalan na isang pinsang taga-Biñan.
 Sinulatan ni Rizal bago ang kanyang lihim na pag-alis:
1. minamahal na magulang

2. kasintahang si Leonor Rivera

Mayo 3,1882- lumulan si Rizal sa barkong Espanyol na Salvador na papuntang


Singapore.

 May 16 na pasahero ang barko, kasama na siya (lima o anim na


kababaihan,maraming bata at ang natira’y kalalakihan). Siya lamang ang Pilipino ang
iba’y Espanyol, Ingles, at Negrong Indiyan.
Donato Lecha- kapitan ng barko na mula sa Asturias, Espanya na nakipagkaibigan sa
kanya.

Para maibang sa nakakabagot na biyahe, nakipaglaro si Rizal ng Ahedres (Chess) sa


ibang pasahero na mas matanda sa kanya.

Mayo 8,1882- habang papalapit ang barko sa Singapore, may natanaw siyang
magandang islang nagpaalala sa kanya sa “Isla ng Talim na may Susong Dalaga”
Mayo 9, 1882- dumaong ang barkong Salvador sa Singapore.
Hotel de la Paz- nagparehistro si Rizal
Nakita ni Rizal sa pagpasyal niya sa lungsod na kolonya ng Inglatera:
1. Bantog na Hardin Botanikal

2. Magagandang templo ng Buddhist

3. Abalang distrito ng pamilihan

4. Estatwa ni Sir Thomas Stanford Raffles (tagapagtatag ng Singapore)

Djemnah- isang barkong Pranses na umalis sa Singapore papuntang Europa


noong Mayo 11,1882.
Ang mga pasahero ay mga Ingles, Pranses, Olandes, Espanyol, Malay, Siamese,
at Pilipino (G. at Gng. Salazar, G. Vicente Pardo, at Jose Rizal)

Wikang Pranses ang gamit na salita sa barko.


Mayo 17,1882- narating ng Djemnah ang Point Galle na isang baybaying bayan
sa katimugan ng Ceylon (ngayo’y Sri Lanka)

May 18,1882- pumalaot uli ang Djemnah patungong Colombo na kabisera ng


Ceylon. Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating ito sa kabiserang lunsod nang araw
ding ito.
Mula Colombo, nagpatuloy ang Djemnah sa kanyang byahe at tumawid ng
Karagatang Indian patungong Tangos ng Guardafui, Africa.

Tigang na Baybayin ng Africa- hindi kaaya-ayang lupain ngunit kilalang-kilala.


Aden- sumunod na pagtigil ng Djemnah at dito nakita ni Rizal ang kamelyo na
doon lamang makikita.
Mula Aden, nagtuloy ang Djemnah sa lungsod ng Suez, ang terminal ng Kanal
Suez ay sa Red Sea.

Gabing Maliwanag ang Buwan- bagay na nakaakit kay Rizal na nagpaalala sa


kanya sa Calamba at kanyang pamilya.

Limang Araw- binagtas ng Djemnah ang Kanal Suez.


Kanal Suez- ginawa ni Ferdinand de Lesseps (inhinyero at diplomatang
Pranses) na pinasinayaan noong Nobyembre 17,1869.
Port Said- terminal ng Kanal Suez sa Mediteranyo.
Ang mga wika ng naninirahan sa Mediteranyo ay Arabe, Ehipto, Griyego, Pranses,
Italyano, Espanyol, atbp.
Hunyo 11,1882- narating ni Rizal ang Naples. Humanga siya sa ganda ng Bundok
Vesuvius, Kastilyo ni San Telmo, at iba pang makasaysayang lugar sa lungsod.

Hunyo 12, 1882- dumaong ang barko sa Pranses na daungan ng Marseilles.


Dinalaw ni Rizal ang Chateau d’If kung saan nakapiit si Dantes (bida ng The
Count of Monte Cristo)

Hunyo 15,1882- umalis ng Marseilles si Rizal lulan ang tren patungong Espanya.
Tinawid niya ang Pyrenees at tumigil ng isang araw sa bayang ito ng Port Bou.
Hunyo 16, 1882- narating ni Rizal ang Barcelona.
Ang impresiyon ni Rizal sa Barcelona ay hindi maganda.
Barcelona- pinakadakilang lungsod ng Cataluna at pangalawang
pinakamalaking lungsod ng Espanya.
• Maruruming mailiit na paupahang bahay
• Supladong mga naninirahan

Las Ramblas- pinakakilalang daan sa Barcelona.


Malungkot na Balita mula sa Pilipinas:
1. marami na ang namamatay sa Maynila at karatig lalawigan dahil sa kolera.
• Ayon sa sulat ni Paciano noong Setyembre 15, 1882, tuwing hapon ay nagnonobena ang mga taga-
Calamba kay San Roque, bukod sa gabi-gabing prusisyon at pagdarasal.

2. pagiging malungkotin ni Leonor Rivera na habang tumatagal ay lalong pumapayat


• Nagmula kay Chengoy

Mayo 26, 1882- pinayuhan si Rizal ni Paciano na tapusin ang kursong medisina sa
Madrid.

Nilisan ni Rizal ang Barcelona noong taglagas ng 1882 para manirahan sa Madrid
(Kabisera ng Espanya)
Nobyembre 3, 1882- nag enrol si Rizal sa dalawang kurso--- Medisina at
Pilosopiya at Sulat --- sa Unibersidad Cenral de Madrid.

Iba pang ginawa ni Rizal bukod sa pag-aaral:


• Pagpinta at eskultura sa Akademya ng Sining ng San Fernando.

• Kumuha ng pribadong guro para sa aralin sa wikang Pranses, Aleman, at Ingles.

• Masipag na nagsanay sa pakikipag-eskrima at pagbaril sa Bulwagan Armas nina Sanz at


Carbonell.
Ang pagkauhaw ni Rizal sa karunungan ay pinunan niya sa
pamamagitan ng:
• Pagbisita sa mga galerya at museo
• Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa anumang bagay (inhenyeriyang pangmilitar).

 Buhay-Spartan – buhay ni Rizal sa Madrid


 Ang tanging bisyo ni Rizal ay bumili ng ticket ng loterya para sa
bawat bola nito sa Loterya ng Madrid
 Inilalaan ni Rizal ang bakanteng oras sa:
• Pagbabasa at pagsusulat
• Pagdalaw sa mga kapwa Pilipinong esttudyante sa bahay ng mga Paterno
(Antonio, Maximino, at Pedro)

• Pagsasanay ng pag-eeskrima at pagbaril


• Minsan nagtutungo siya sa Antigua Cafe de Levante para
makipagkwentuhan sa mga estudyanteng mula Cuba, Meximo, Argentina,
atbp.
Don Pablo Ortiga y Rey- bumibisita si Rizal sa tahanan niya tuwing
sabado.
• Kapisan ang anak na lalaking si Rafael at anak na babaeng si Consuelo.
• Naging alkalde ng Maynila noong administrasyon ng liberal na gobernador-
heneral na si Carlos Ma. De la Torre (1869-1871).

• Kinalaunan ay naitaas ang posisyon at naging pangalawang pangulo ng Konseho


ng pilipinas sa Ministeryo ng mga Kolonya (Ultramar).
Mga katangian ni Rizal na nakaakit sa kababaihan:
1. Mga talento
2. Pagiging maginoo

Consuelo- umibig kay Rizal na mas maganda sa mga anak ni Don Pablo.
Lumayo si Rizal bago maging ganap ang kanilang pag-iibigan ni Consuelo
dahil:
1. May kasunduan na sila ni Leonor Rivera.
2. Ang kanyang kaibigan at kasama sa Kilusang Propaganda (Eduardo de Lete), ay
umiibig kay Consuelo.
Pagbabasa- paboritong libangan ni Rizal sa Madrid.
Ang natipid ni Rizal na pera ay ipinambili niya ng mga libro sa
tindahan ng mga Segundo mano ng isang Señor Roses.
Mga koleksyon na aklat ni Rizal:
• Bibliya • Works of Thucydides

• Hebrew Grammar • The Byzantine Empire

• Lives of the Presidents of the United States • The Characters ni La Bruyere


from Washington to Johnson • The Renaissance
• Complete Works of Voltaire (9 na tomo) • Works of Alexander Dumas
• Complete Works of Horace (3 tomo) • Louis XIV and His Court
• Compete Works of C. Bernard (16 na tomo) • Iba pang libro tungkol sa medisina,
• History of the French Revolution pilosopiya, wika, kasaysayan, heograpiya,
• Ancient Poetry sining at agham
• Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe
• The Wandering Jew ni Eugene Sue } Malaki ang naging epekto kay Rizal at gumising sa
kanyang damdamin para sa mga aping kababayan.
Paris - masayang kabisera ng France
• Nagtungo dito si Rizal noong bakasyon ng tag-araw.
• Tumigil siya rito mula Hunyo 17- Agosto 20, 1883.

• Una ay tumuloy siya sa Hotel de Paris sa 37 Rue de Maubange


• Lumipat siya sa mas murang hotel sa 124 Rue de Rennes sa bahaging Latino.

Magagandang tanawin sa Paris:


• Magagandang bulebard (lalo na ang Champs Elysses) • Katedral ng Notre Dame

• Opera House • Kolumna ng Vendome


• Invalides (na katatagpuan ng libingan
• Place de la Concorde
ni Napoleon, ang Dakila)
• Arko ng Tagumpay
• Pabulosong Versailles
• Bois de Boulogne (napakagandang parke)

• Simbahan ng Madelaine
Hinasa ni Rizal ni Rizal ang kanyang isipan sa pamamagitan ng:
• Masusing pag-aaral sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga Pranses at pagbisita sa mga
museo (lalo na ang bantog na Louvre)

• Mga harding botanikal (Luxembourg)


• Mga aklatan at galerya ng sining
• Mga ospital
o Ospital ng Laennec – pinag-aralan ni Rizal ang pamamaraan ni Dr. Nicaise sa paggamot ng mga
pasyente

o Ospital ng Lariboisiere – inobserbahan ni Rizal ang pag-eeksamena sa iba’t-ibang sakit ng


kababaihan.
Ang Nakakatuwang pangyayari habang nasa Paris si Rizal ay madalas siyang
mapagkamalang Hapon ng mga Pranses.

“Ang Paris ang pinakamahal na kabisera sa Europa”


▬ nabanggit ni Rizal sa isang liham sa kanyang mag-anak dahil ang presyo ng pagkain,
inumin, tiket sa teatro, paglalaba, pagtira sa hotel, at transportasyon ay lubhang mataas
para sa kanyang bulsa.
Mga nakasalamuha ni Rizal na mga kilalang Espanyol sa liberal at republiko
(karamihan ay Mason) :
• Miguel Morayta – estadista, propesor, mananalaysay, at manunulat

• Francisco Pi y Margal – mamamahayag, estadista at dating pangulo ng Unang Republikang


Espanyol

• Manuel Becerra – Ministro ng Ultramar (Mga Kolonya)

• Emilio Junoy – mamamahayag at kasapi ng Cortes ng Espanya

• Juan Ruiz Zorilla – miyembro ng Parlamento at pinuno ng Partidong Progresibong Republika ng


Madrid.
Acacia – lohiya ng Masonerya sa Madrid kung saan sumapi si Rizal noong Marso
1883.

Ang dahilan ni Rizal sa pagiging Mason ay para makahingi ng tulong sa


Masonerya pakikipaglaban sa mga prayle sa Pilipinas.

Relihiyong Katolisismo - ginamit ng mga prayle bilang kalasag sa pamamalagi sa


kapangyarihan at yaman at pag-usig sa mga makabayang Pilipino.

Masonerya – ginamit ni Rizal na kalasag sa pakikipaglaban sa mga prayle.


Lumipat si Rizal sa Lohiya Solidaridad (Madrid) kung saan siya
naging isang Punong Mason noong Nobyembre 15, 1890.

Pebrero 15, 1892 – ginawaran si Rizal ng diploma bilang Punong


Mason ng Le Grand Orient de France sa Paris.
Bilang Mason, hindi kasing-aktibo si Rizal gaya nina M. H. del
Pilar, Lopez Jaena, at Mariano Ponce.

“Science, Virtue, and Labor” – isang panayam na tanging


sinulat ni Rizal bilang Mason na binigkas niya noong 1889 sa
Lohiya Solidaidad, Madrid.
Hunyo 25, 1884 – nangyari ang isang makabagbag-damdamin sa buhay
ni Rizal sa Madrid.
 Walang laman ang sikmura a pumasok siya sa klase sa unibersidad, sumali sa isang paligsahan sa
wikang Griyego, at nanalo siya ng gintong medalya.

 Nang gabing iyon ay nakapaghapunan siya dahil siya ang ang nagging panauhing tagapagsalita sa
isang bangketeng inihandog kina Juan Luna at Felix Resurreccion sa Restawran Ingles, Madrid.

Ipinagdiwang ang kambal na tagumpay ng mga Pilipinong pintor sa Pambansang


Eksposisyon ng Sining sa Madrid.
• Spolarium (Luna) - nanalo ng unang gantimpala

• Virgenes Cristianas Expuestes al Populacho (Hidalgo) - pangalawang gantimpala


Nobyembre 20-22, 1884 – madugong demonstrasyong pinasimunuan ng mga mag-
aral ng Unibersidad Central sa lungsod ng Madrid.
• Dr. Miguel Morayta (propesor sa kasaysayan)- noong Nobyembre 20 ipinahayag niya ang
“kalayaan ng agham at ng guro”.

Sa lansangan, sinisigaw na mga estudyante ng unibersidad ang mga pagtutol:


“Mabuhay si Morayta! Ibagsak ang mga Obispo!”

Nobyembre 26, 1884 – isinulat ni Rizal ang kaguluhan sa pagtatalaga sa bagong


rektor na kinagalit ng estudyanteng demonstrador.
Lisensiyado sa Medisina – digri na iginawad kay Rizal ng Universidad Central
de Madrid noong Hunyo 21, 1884.

Doktor ng Medisina – digri ni Rizal na pinag-aralan at naipasa ang lahat ng


asignatura sa taong 1884-1885.

Dahilan kung bakit hindi nabigyan si Rizal ng diploma bilang doctor:


1. Hindi nakapagpakita ng kanyang tesis na kailangan ng isang nagtatapos

2. Di pa rin nababayaran ang mga pagkakautang niya.


Ulat na grado ni Rizal sa Medisina sa Universidad Central de
Madrid:
Ikalimang Taon (1882-83)

Pagpapatuloy ng Kurso sa Medisina na sinimulan sa Unibersidad ng Santo Tomas

Klinika Medikal ……………………………………… Mahusay

Klinika Pangsiruhiya I ………………………………… Mahusay

Klinika Obstetrikal I …………………………………... Mahusay

Klinika Legal ………………………………………….. Pinakamahusay


Ikaanim na Taon (1883-84)

Klinika Medikal 2 …………………………… Mahusay

Klinika Pangsiruhiya 2………………………… Mahusay na mahusay

Lisensya sa Medisina iginawad noong Hunyo 21, 1884 na may antas na “Mainam”

Doktorado (1884-85)

Kasaysayan ng Siyensiyang Medisina ……………………. Mainam

Pagsusuring Pangsiruhiya ………………………………….. Mahusay

Histolohiyang Normal ……………………………………… Pinakamahusay

Doktor ng Medisina (Hindi Iginawad)


Lisensiyado sa Pilosopiya at Sulat – digri na iginawad kay Rizal ng Univesidad
Central de Madrid noong Hunyo 19, 1885 (kanyang ika-24 kaarawan) na may antas
na “Pinakamahusay” (Sobresaliente).

Rekord pang-eskolastika sa kursong Pilosopiya at Sulat:


1882-83

Kasaysayang Unibersal I …………………………… Mahusay na mahusay

Pangkalahatang Literatura ………………………… Pinakamahusay


1883- 84

Kasaysayang Unibersal I …………………………… Mahusay na mahusay

Pangkalahatang Literatura ………………………… Pinakamahusay

1884-85

Kasaysayang Unibersal 2 …………………………… Pinakamahusay

Literaturang Griyego at Latin ……………………… Pinakamahusay (na may napalunang gantimpala)

Griyego I …………………………………………… Pinakamahusay (na may napalunang gantimpala)

1882 -83

Wikang Espanyol …………………………................ Pinkamahusay (na may iskolarsip)

Wikang Arabe ……………………………………..... Pinkamahusay (na may iskolarsip)


Lisensyado sa Pilosopiya at Sulat - pagkapropesor ng humanidad
Lisensyado sa Medisina – magpraktis ng Medisina
Nobyembre 26, 1884 – sinabi ni Rizal sa liham sa kanyang pamilya:
• “Ang aking pagkadoktorado ay walng gaanong halaga para sa akin.. Dahil bagaman kapaki-
pakinabang ang maging propesor ng isang unibersidad, naniniwala pa rin ako na sila (ang
Dominikong prayle) ay hindi mangangahas na kunin akong propesor”.

You might also like