You are on page 1of 26

ANG

MAMIMILING
PILIPINO

Inihanda ni:
Bb. Crisele Iris B. Hidocos
Panimula:
• Ang lahat ng tao ay may mga
pangangailangan na dapat
tugunan.

• Ang ekonomiks ay ang pag-aaral


kung paano tutugunan ang mga
pangangailangan ng tao.
Mamimili

• Tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit


ng mga produkto at serbisyo upang matugunan
ang pangangailangan at magkaroon ng
kasiyahan

• Tinatawag bilang isang konsyumer


Katangian ng Mamimili

MAPANURI

• Bago bilhin ang isang produkto, matiyagang sinusuri ang


lahat ng bahagi ng isang produkto.

• Pinag-aaralan ang sangkap, presyo, timbang, at expiration date


ng produkto.
HINDI NAGPAPADALA
SA ANUNSIYO

• Ang kalidad ng produkto at ang


kapakinabangan ng matatamo sa pagbili ng
isang produkto ang isinasaalang-alang at
hindi ang pag-aannsiyo ng produkto.
HINDI
NAGPAPADAYA

• Sa panahon ng kahirapan at kagipitan, maraming


negosyante at mga magtitinda ang nakaiisip na manlamang
ng kapwa. Laganap sa pamilihan ang pandaraya sa sukli,
timbangan at kalidad ng produkto.
• Ang matalinong konsyumer ay laging alerto,
mapagmasid, aktibo, at handa na labanan ang mga
maling gawain ng mga tindero at negosyante.
MAKATWIRAN

• Mahalaga ang bawat sentimo ng ating pera, kaya


sinisiguro ng bawat konsyumer na kapaki-pakinabang
ang mga binibiling produkto.
• Masusing tinitignan ang kalidad at presyo dahil sa limitado
ang badyet sa pamimili at kasiyahan na matatamo sa
pagpili at pagbili ng produkto
MAY
ALTERNATIBO

• Ang kakulangan ng supply ng produkto ay


nararanasan sa pamilihan kaya minsan, ang dating
binibiling produkto ay hindi na mabibili.

• Sa ganitong sitwasyon, ang konsyumer ay


kailangang marunong humanap ng alternatibong
produkto na makatutugon din sa pangangailangan.
SUMUSUNOD SA
BUDGET

• Alam natin na dumadagsa ang mga konsyumer


kapag may midnight sale, buy one, take one
promo at mga give away na produkto dahil ang
ganitong sitwasyon ay makatutulong sa
kanilang budget.
HINDI NAG PANIC
BUYING

• Ang matalinong konsyumer ay hindi


nababagabag sa artipisyal na kakulangan
ng mga produkto sa pamilihan.
• Alam niya na ang ganitong kalagayan
ay pansamantala lamang na umiiral
Karapatan ng
Mamimiling Pilipino
1. Karapatan sa Batayang
Pangangailangan
2. Karapatan sa Kaligtasan
3. Karapatan sa Makatotohanang
Impormasyon
4. Karapatan na Pumili
5. Karapatan sa Representasyon
6. Karapatang Pagkalooban
ng Pagwawasto sa Pagkakamali
7. Karapatan sa Edukasyon para sa
mga Mamimili
8. Karapatan sa Malusog na Kapaligiran
Kung may
Karapatan ka,
Ipaglaban Mo
Consumer Act of the Philippines

 Nakatakda sa Republic Act of 7394


( Consumer Act of the Philippines) ang
kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng
proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga
mamimili.
Bawat Karapatan,
May kaakibat na
tungkulin
MGA TUNGKULIN NG
MAMIMILING PILIPINO
1. Humingi ng opisyal na resibo kapag bumibili.
2. Ipaalam sa tamang kinauukulan ang ang anumang
illegal na Gawain, katulad ng pamimirata at
pagpapasok ng mga kontrabandong produkto.

3. Gamitin ng lubos ang pinagkukunang-yaman


(gaya ng paggamit muli ng papel at iba pang produkto)

4. Tangkilikin ang mga produktong Pilipino


5. Panatilihin ang kalinisan at kaayusan
ng kapaligiran sa lahat ng oras

6. Suportahan ang mga programa at proyekto ng


pamahalaan na nagtataguyod sa pambansang pag-unlad.

7. Magpunyagi at maging kapaki-pakinabang


sa lahat ng oras.

8. Maging matapat, magbayad ng buwis sa


takdang panahon.
Responsibilidad
ng Mamimiling
Pilipino
1. Mapanuring Kamalayan

Kinakailangang alam niya ang gamit, presyo, kalidad, at


posibleng negatibong epekto ng kalakip ng pagbili ng
produkto katulad ng panahon ng garantiya (warranty
period) at ang mga serbisyong nakapaloob dito.
2. Pagkilos

Kinakailangang matutuhan niyang maipahayag ang


kanyang sarili para matiyak na pataas ang magiging
pakikitungo sa kanya. Ang mga mapagmasid at aktibong
mamimili ay hindi maaabuso ng masasamang
mangangalakal.
3. Malasakit sa Lipunan

Kinakailangang alam niya ang epekto ng kanyang


pagkonsumo sa ibang tao, lalo na sa mga kapus-
palad, anuman ang uri ng pamayanan na kanyang
kinabibilangan.
4. Kamalayan sa Kapaligiran

Kailangan niyang maunawaan ang magiging epekto ng


kanyang mga gawain sa kapaligiran.
Dapat niyang matutuhan ang tamang paraan sa paggamit ng
pinagkukunang-yaman upang makatulong sa pagpapanatili
nito.
5. Pakikiisa

Kailangan niyang lumahok sa mga organisasyon na


kinabibilangan ng mga katulad niyang mamimili. Ang
mga organisasyong ito ay nagbibigay ng proteksiyon at
nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamimili. Isa
silang makapangyarihang sector ng pamayanan.

You might also like