You are on page 1of 17

M D T U J S O S H R Y I D S M

O P O R T U N I D A D A I G L
R A I D Y R L F G F M J E I O
S G N M O V A A R D A L T P A
I M S L H E S T G I Y I M R N
M A L R K Y D I M O A E D W Y
U M Y K T D I L E R N O G U M
P A N G A N G A I L A N G A N
R S Z D C X U B Z V P H T E R
N I R Y V T R E P P I R K A P
B D A L U K E I R D N U L A C
O T O S M H A N R E V T I M S

1
✗ OPORTUNIDAD
✗ BALITA
✗ PANAYAM
✗ SURVEY
✗ PAGMAMASID
✗ PANGANGAILANGAN

2
PAMAMARAAN SA
MATAGUMPAY NA
PAGNENEGOSYO
4
Ano ang
pagnenegosyo?
✗Ang Pagnenegosyo ay isang organisasyon
kaugnay ng pakikipagpalitan ng produkto at
serbisyo sa mga consumers. Ang pagnenegosyo ang
panguahing pangangailangan ng kita ng mga
mamamayan na kung saan halos lahat ng mga
negosyo ay pagmamay-ari ng pribadong sector.

6
✗May iba’t ibang uri ng Negosyo. May
Negosyo na nag-aalok ng produkto at
mayroon namang nagbibigay ng serbisyo.
Magmasid sa pamayanan at malalaman mo
ang mga impormasyon na tungkol sa
produkto at serbisyo.

7
1. PRODUKTO
Ang 'produkto' ay isang bagay na ginawa upang
maibenta, karaniwang ang bagay na ito ay ginawa sa
pamamagitan ng pang-industriyang proseso. Ang
ibang produkto naman ay tinanim ng mga magsasaka
matapos ay pinalago at inani upang ibenta.

8
1. PRODUKTO
Ilan sa mga halimbawa ng produktong dumaan
sa pang-industriyang proseso ay
✗papel,
✗plastic, metal,
✗mga gadgets at iba pa.

9
1. PRODUKTO
Samantalang ang mga produkto namang
nagmula sa pagsasaka ay ang mga
✗prutas,
✗gulay
✗bigas at iba pa

10
Ang mga bungang labis
sa pangangailangan ng
inyong pamilya ay maaari
mong ipagbili. Ito ay
maaaring ialok sa iba upang
magkaroon ng kita. Ang uri
ng negosyo na ito ay hindi
regular. Dahil sa
pagmamasid, nakakita ka ng
oportunidad at ikaw ay
umaksiyon.
11
Kung may kaalaman at
kasanayan sa pagluluto, maaaring
magluto ng meryenda o ulam para
sa pangangailangan ng mga
kapitbahay. Hindi lamang pagluluto
o pagtitinda ng mga produkto ang
maaaring inegosyo. Maaari ding
mag-alok ng mga serbisyo gaya ng
paglalaba, paglilinis o pag-aalaga ng
bata.
12
2. SERBISYO
Ang ‘serbisyo’ ay isang uri ng negosyo na kung
saan kumikita sa pamamagitan ng mga trabahador
(labor) o ibang serbisyo para sa gobyerno,
ibang mga negosyo, o mga bumibili (consumers). 
 Halimbawa nito ay ang mga restawrant, barber shop,
spa, at marami pang iba

13
Upang maging matagumpay ang negosyo, kailangan ang
pagsasaliksik. Sa isang katulad mong bata, magmasid sa
paligid. Magsagawa ng mga panayam o impormal na
pagtatanong sa mga kapitbahay o kamag-aral. Alamin ang
kanilang mga pangangailangan. Maaari ding magsagawa ng
survey tungkol sa mga pangangailangan sa pamayanan. Sa
mga gawaing ito, tukuyin ang mga pangangailangan ng iba
na kaya mong tugunan.

14
✗Matapos ang pagmamasid,
pakikipanayam, at pagsusurvey,
ano ang kaya mong ialok na
produkto o serbisyo sa
pamayanan? Interesado ka ba sa
ganitong gawain?

15
Kung sakaling nalaman mon a kulang o wala pang nagbibigay ng
ganitong uri ng produkto o serbisyo, gumawa ng plano upang
makapagsimula ng negosyo. Kung ang pangangailangan ay simple at kayang
gawin tulad ng pagtitinda ng kendi, magsagawa ng survey kung anong klase
ng kendi ang mabili at ang presyo nito sa pinakamalapit na tindahan. Mag-
alok ng kendi sa mas murang halaga. Isangguni ang lahat ng iyong gagawin
sa iyong mga magulang. Dapat ay mabilis ang aksiyon upang makarami ng
benta. Kung mapatutunayan mon a may oportunidad ka sa gawaing tulad ng
nabanggit para kumita, magplano at ihanda ang mga kakailanganin.
Isangguni sa nakatatandang mas nakakaalam ang mga plano.

16
ACTIVITY
Panuto:
Magtala ng negosyong nais mong
pasimulan. Tukuyin kung ito ay nag-aalok
ng produkto o serbisyo. Ipaliwanag kung
bakit ito ang iyong napili.
Iuulat nyo ang iyong sinulat sa klase.

17

You might also like