You are on page 1of 32

Aralin 2

Pangangalap ng Paunang
Impormasyon at Pagbuo ng Pahayag
ng Tesis
Layunin

• Naipaliliwanag ang mga kaisipang


nakapaloob sa tekstong binasa.
Mahalagang Tanong:

Paano mapaghahandaan at
mabubuo ang isang mahusay na
pahayag ng tesis para sa iyong
sulating pananaliksik?
Pagmasdan at suriing mabuti ang larawan sa
ibaba? Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
• Ano-ano ang nakikita mo sa mga larawan?
• Ano-anong tanong ang ang maaari mong mabuo tungkol sa mga
nakalarawan kung saan ang sagot ay makikita mismo sa larawan?
Maglahad ng dalawa.
• Ano pa ang gusto mong malaman kaugnay ng mga nakalarawan na
masasagot lamang kapagnaghanap ka sa iba’t ibang
mapagkukunan ng impormasyon? Dugtungan ang dalawang hindi
kumpletong pahayag sa ibaba.
• Gusto kong malaman ang
________________________________
• Gusto kong malaman ang
_________________________________
• Bakit hindi basta masasagot sa pamamagitan ng pagtingin
lang sa larawan ang mga gusto mo pang malaman ukol sa
mga nakalarawan?
• Paano mo maihahanap ng kasagutan ang mga gusto mong
malaman? Ipaliwanag ang iyong sagot.
• Paano mo maiuugnaysa pananaliksik ang gawaing ito?
Bakit ba kailangan pang magsaliksik?
Pangangalap ng Paunang Impormasyon

• Pumili at maglimita ng Paksa – unang hakbang sa


pananaliksik.
• Pagbuo ng Pahayag ng Tesis – ikalawang
mahalagang hakbang sa pananaliksik.
Pagpili ng Mapagkakatiwalaang
Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon
• Internet
• Website – search engine ay nagtatapos sa .edu (educational institution), .gov
(government), o .org. (nonprofit organization)
• .com (commercial) – maging mapanuri dahil ang iba’y hindi berepikado.
• Aklatan
• Aklat – almanac, atlas, encyclopedia
• Databases Subscription – Academic Search Premier, JSTOR
Tanong:
•Bakit mahalagang mangalap muna ng paunang impormasyon o
background information tungkol sa kanyang paksa ang mananaliksik
bago siya maupo at sumulat ng kanyang pahayag ng tesis?
• Bakit mahalagang siguruhin ng isang mananaliksik na
mapagkakatiwalaan ang kanyang pinagkukunan ng impormasyon o
kaalaman?
• Ano-anong bagay ang dapat niyang isaisip kapag kumukuha ng
impormasyon sa Internet?
• Bakit iminumungkahi rin ang paggamit sa mga sangguniang
matatagpuan sa aklatan?
Tanong:

• Bakit kailangang tingnan din ng mananaliksik ang petsa o


taon kung kalian inilathala ang aklat? Ano ang kinalaman ng
petsa kung kailan inilathala ang aklat sa nilalaman nito?
• Bakit mahalaga ring manaliksik sa mga library database
kung may subkripsiyon sa mga ito ang inyong aklatan?
• Paano makatutulong ang pag-oorganisa sa mga paunang
kaalaman o impormasyong masasaliksik mo?
Isulat sa dyurnal notbuk.

Sa iyong palagay, totoo nga bang maraming


impormasyong nakukuha sa internet ang hindi
tumpak, hindi beripikado, hindi mabisa, at hindi
kompleto? Magbigay ng patunay batay sa sarili
mong karanasan o karanasan ng mga taong kakilala
mo.
Mga Uri ng Datos
1. Datos ng kalidad o qualitative data – ay datos na
nagsasalaysay o naglalarawan o pareho.
Halimbawa:
- kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari at sasagot sa
tanong na paano at bakit
- pwede din ikunsiderang datos ng kalidad depende sa tanong
at/o sagot na ano, sino, kailan, at saan
Mga Uri ng Datos
Halimbawa:
Ano ang ginagawa mo noong kasagsagan ng Bagyong
Ondoy?
Sino si Jose Rizal para sa iyo?
Kailan mo masasabing handa ka nang pumasok sa isang
seryosong relasyon?
Anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo sa salitang
pabebe?
Mga Uri ng Datos
2. Datos na kailanan o quantitative data – tumutukoy ito sa
dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey o
ininterbyung mga respondent.
- maaari ding ang mga datos na ito ay tumutukoy sa mga
katangiang nabibilang o nasusukat.
Hal.: taas, bigat, edad, o grado ng mga mag-aaral
- dami ng mga babae at lalaki o dami ng mga mag-
aaral sa bawat baitang na sinarbey ng mananaliksik.
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na tanong.
1. Ano – ano ang mga uri ng datos?
2. Ano ang pagkakaiba ng datos ng kalidad o qualitative data sa datos ng
kailanan o quantitative data?
3. Sa ano-anong pagkakataon nagiging mas angkop ang qualitative data? Sa
ano-anong pagkakataon naman nagiging mas epektibo ang quantitative
data?
4. Bakit kaya sinasabing may mga pagkakataong kinakailangang gumamit
ang isang mananaliksik ng dalawang uri ng datos? Sa paanong paraan
makatutulong ito sa binubuo niyang pananaliksik?
5. Sa iyong palagay, ano o ano-anong uri ng datos ang kinakailangan mo para
sa iyong napiling paksa? Bakit mo ito nasabi?
Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement
• ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating
pananaliksik.
• isang matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang
posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksang
handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng
mga datos at ebidensiyang magpapatunay sa kanyang
argumento.
Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis
Hakbangin:
1. Mangalap ng impormasyon o datos
May kaugnayan ang bawat isa sa iyong paksa?
Sapat ba ang mga impormasyong nakalap?
Kung maari ka na bang bumuo ng tesis ng pahayag? o
Kailangan mo pang magsasaliksik upang higit na
mapagtibay?
Paano mo malalaman na matibay ang nabuo
mong pahayag ng tesis?

1. Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?


2. Tumutugon ba ito sa sakop ng pag-aaral?
3. Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
4. Maaari bang patunayan ang posisyong paninindigan nito sa
pamamagitan ng pananaliksik?
Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
(Samuels – 2004)
Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong
opinyon o posisyon.
Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at
maghinuha kung paano ito maaaring malutas.
Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o
pananaw.
Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis
(Samuels – 2004)
Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon
kung nangyari/hindi nangyari ang mga bagay-bagay sa
nakalipas.
Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at
bigyan ang mga ito ng marka.
Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong
naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito naging ganito o
ganoon (Halimbawa: musika, sining, politika)
Halimbawa ng Paksa at mga Pahayag ng Tesis
Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting
isinasalin sa ibang lengguwahe.
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung
naisalin ang ideya ng orihinal na awit nang hindi hinahabol o
isinisiksik ang titik ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal
na awit.
Halimbawa ng Paksa at mga Pahayag ng Tesis
Paksa:
Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa
telebisyon at pelikula.
Tesis:
Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng
mga manonood ng telebisyon at pelikula kaya suportado o
tinatangkilik nila ito.
Halimbawa ng Paksa at mga Pahayag ng Tesis
Paksa:
Mas pinili ng mga tao ang mga kapihan bilang lugar para sa
socialization kompara sa mga fastfood outlets, restoran, o karinderya.
Tesis:
Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapihan ay nakapag-project ng
imahen sa lipunan sa tulong ng media bilang lugar kung saan nagkikita-
kita o nakikipagkilala ang mga taong sinusuportahan naman ng kanilang
arkitektura, internal na disenyo, at pagtawag sa pangalan ng kostumer na
bumili kaya siya nakikilala ng iba pang mga kostumer sa loob ng kapihan.
Tanong:
1. Ano ang pahayag ng tesis? Bakit kailangang bumuo muna nito ang isang
mananaliksik?
2. Sa paanong paraan maaaring mabigyang-direksiyon ang isang matibay na
pahayag ng tesis ang isang mananaliksik?
3. Paano naman maaaring makatulong ang pahayag ng tesis sa mga
mambabasa?
4. Paano maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuong pahayag
ng tesis?
5. Ano-ano ang iba’t ibang paraan ng paglalahad ng pahayag ng tesis? Sa
iyong palagay, alin sa mga paraang ito ang magiging pinakakomportable
ka? Ipaliwanag.
Dyurnal

Gamitin bilang gabay ang binasa mong


teksto. Paano ka makabubuo ng iyong
pahayag ng tesis mula sa iyong paksa?
Ilahad ang mga hakbang na gagawin mo.
Layunin

• Nakabubuo ng tanong mula sa


nakalahad na impormasyong
masasagot lamang sa pamamagitan
ng pananaliksik.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa
bawat bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo
pang malaman o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang
masagot.
1 Maraming mag-aaral sa high school at kolehiyo ang nagtatrabaho ng part time
para makatulong sa mga gastusin sa kanilang pag-aaral. Bukod sa salaping kinikita,
mas malaking pakinabang ang mga kabataang ito sa kanilang pagtatrabaho. Sa
pamamagitan kasi nito’y nalilinang sa kanila ang mahuhusay na ugali sa
pagtatrabaho o tinatawag na “work ethics”. Ayon sa obserbasyon ng mga employer,
napansin nilang mas madaling matuto, mas may pokus sa trabaho, at mas mahusay
makibagay sa mga katrabaho ang mga empleyado nilang nagtatrabaho nang part
time habang nag-aaral pa. Gayunpama’y napansin din nilang karaniwang ang marka
nila ay hindi gaanong matataas at bibihira sa mga nagtatrabaho habang mag-aaral
ang nakatapos nang may mataas na karangalan.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat
bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang malaman
o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.
2. Naiwan ko ang smartphone ko sa bahay at pakiramdam ko’y hindi na ako
kompleto dahil isang bahagi ng buhay ko ang wala sa akin. Halos hindi ko binibitiwan
ang aking smartphone sa maghapon. Lagi nang nakadikit ang earphones sa tainga ko
at nakikinig sa paborito kong playlist ng Maroon 5 habang nag-tse-check ako ng e-mail
at nag-a-update sa aking Instagram at facebook account. Dahil hindi ako sanay
magsuot ng relo ay sa smartphone din ako nakadepende sa pagtingin sa oras. Dito rin
nakalagay ang schedule ko sa maghapon. Sa mga oras na tulad nitong matrapik ay
nililibang ko sana ang aking sarili sa paglalaro ng mga paborito kong app. Hindi rin ako
mapakali dahil tiyak na marami nang nagte-text o tumatawag sa akin ngayon. At
mamaya sa klase, tiyak na wala akong magagamit na aklat dahil ang e-book ko ay
naka-store din sa aking smartphone.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat
bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang malaman
o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.
3. Ang pagkakaroon ng magagandang marka sa high school ay patunay na may
pansariling disiplina ang isang mag-aaral. Maliban kasi sa paghahanda para sa mga
aralin sa silid-aralan, ang isang mag-aaral sa high school ay karaniwan ding sumasali
sa iba’t ibang gawaing extracurricular tulad ng pakikilahok sa clubs, isports, kontes, at
iba pa. Idagdag pa ang maraming lakad o gimik ng barkada. Kung kulang sa
disiplinang pansarili ang isang mag-aaral ay maaaring maubos ang kanyang oras sa
mga gawaing walang kaugnayan sa kanyang pag-aaral at maging isang malaking
hamon sa kanya ang pagkakaroon ng hindi lang pasado kundi mahuhusay na marka.
Isa sa mga kinokonsidera sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa mga kolehiyo ay kung
nababalanse ba ng mag-aaral ang pagiging abala sa iba’t ibang gawain at ang pag-
aaral. Ang magagandang marka sa kabila ng pagiging abala ay magpapatunay na
nagawa ito. Naniniwala silang magiging matagumpay sa kolehiyo ang mag-aaral na
nagtataglay ng ganitong katangian.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat
bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang malaman
o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat
bilang. Mula sa mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang malaman
o matuklasan na nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.

You might also like