You are on page 1of 16

ARALIN 5

Paglalahad at Pangangatuwiran Bilang


Sandigan sa Akademikong Kalakasan
Paglalahad o Ekspositori

● Ang paglalahad ay uri ng diskurso na nagpapaliwanag o naglalarawan ng isang paksa. Ang


layunin nito ay mapaliwanag at magsuri ng mga impormasyon sa pamamagitan ng
paglalahad ng ideya, mahalagang ebidensya, at angkop na pagtatalakay.
● Ang paglalahad ay ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o
proseso ng paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng isang
layunin o simulain.Pagbibigay ng direksiyon at pagpapaliwanag ng mga
hakbang.Natutugunan ng paglalahad ang mga tanong tungkol sa isang
usapin.Sinasaklaw ng paglalahad ang malawak na bahagi ng sinusulat at
binabasa ng tao.
KATANGIAN

Upang maging mabisa ang paglalahad, kailangan ang maging malawak na kaalaman sa paksa.
Mahalaga rin na maging mahusay ang pagkakahanay ng mga impormasyon. Makakatulong
nang Malaki ang pagsangguni sa makabuluhang aklat, magasin, dyornal, at iba pang
mahalagang sanggunian para maging mapanghawakan ang mga impormasyong ibibigay. Ang
pagsasalaysay at paglalarawan ay ginagamit sa paglalahad kung ito ay makatutulong sa
gagawing pagpapaliwanag.
KAHALAGAHAN

Ang paglalahad ay maaaring magbigay ng depinisyon at tumutukoy sa sanhi at bunga, sa paraan ng


pagsasagawa, problema at solusyon. Para maisagawa nang mahusay ang paglalahad, mahihikayat
tayo na maging palabasa, mapanaliksik, mapagmasid nang mapaunlad ang ating kakayahan.

ØNagiging daan sa pagkakaroon ng bago at/o karagdagang kaalaman ng tao kaugnay ng mga bagay
na nagaganap sa kanyang kapaligiran
Layunin ng Paglalahad/Ekspositori

Ø  Makapagbigay ng impormasyon.
Ø  Madagdagan ang kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran.
 

Kahingian ng Epektibong Ekspositori

● Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang isang tao kaugnay ng paksa.


Ø  Makabubo lamang ng isang mahusay na eksposisyon kung malawak at
maituturing na may kalaliman ang saklaw ng kaalaman ng isang tao sa isang
paksa.
 
● Pagkakaroon ng kakayahang ihanay ang kaisipan.
Ø  Ang mahusay na organisasyon ay daan sa pag-unawa ng eksposisyon.
 
● Kawalan ng pagkiling.
Ø  Nararapat na obhetibo ang tagapagpahayag kaya’t kailangang taglay ang
pagkakaroon ng bukas na isipan upang tanggapin ang mga mahaha-lagang
ideya kaugnay ng isang bagay maging ito man ay taliwas sa sariling paniniwala.
 
● Mahalagang nagbabasa ang isang tao upang laging nakakakalap ng mga
impormasyon.
Ø  Mainam na maging mapagmasid dahil bukod sa mga aklat, ang kapaligiran ay
kapupulutan ng mga impormasyon na mahalaga sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
 
KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY AT EPEKTIBONG
PAGLALAHAD

● MALINAW – maituturing na malinaw ang eksposisyon kung ito ay agad na


mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig.
● TIYAK – nararapat na ang mismong tagapagpahayag ay magawang
mapanindigan ang kanyang pahayag.
●  MAY KOHIRENS – hindi magkakaroon ng halaga ang nilalaman ng akda kung
ito ay hindi naihanay sa maayos na pamamaraan.
●EMPASIS – kailangang hindi malunod sa mga ideya ang mambabasa o
tagapakinig ngunit mahalaga ang mga karagdagang paliwanag
upang mas maging epektibo ang paglalahad.
Pamamaraan ng Epektibong Paglalahad

● PAGBIBIGAY – DEPINISYON
Ø  Itinuturing na karaniwang pamamaraan ng pagbibigay ng eksposisyon na ginagamit sa mga
teksbuk at iba pang aklat reperensyal na ginagamit sa pagkatuto.
 
●  PAG – IISA – ISA (ENUMERASYON)
Ø  Ang pagtalakay sa pangunahing paksa kasunod ay ang pagbanggit nang isa-isa ng mga kaugnay
na mahahalagang kaisipan.
 
● PAGSUSUNUD – SUNOD (ORDER)
Ø  Nararapat na isaayos ng tagapagpahayag ang kanyang mga kaisipan mula sa panimula hanggang
sa pagwawakas ng akda,
Ø  Kailangan upang matiyak na hindi mapupunta sa wala ang pahayag.
 
● PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAS
Ø  Ang dalawang ideyang ito ay hindi maaaring mapaghiwalay.
Ø  PAGHAHAMBING – pagpapahayag ng katangian, kahinaan at kalakasan ng bagay upang
makabuo ng sariling pagpapasya ang tao tungkol sa kahalagahan ng isang bagay o kaisipan.
●  PAGKOKONTRAS – pagpapahayag ng pagkakaiba-iba ng mga bagay na
nakapaloob sa isang akda.
 
● PROBLEMA AT SOLUSYON
Walang problema na walang katapat na solusyon dahil hindi maituturing na
problema ang isang bagay kung hindi mahahanapan ng katapat na solusyon.
 
● SANHI AT BUNGA
 Walang pangyayari na hindi nagging kahinatnan ng isang pangyayari.
Ang bawat pangyayari na nagbibigay-daan sa iba pang pangyayari ay nagiging
simulain ng panibagong pangyayari.
Uri ng Paglalahad

SANAYSAY – pagpapahayag ng isang manunulat ng kanyang ideya, kaisipan, pananaw o


damdamin kaugnay ng isang paksa.
PAGLALAHAD NG PROSESO – maraming bagay sa ating paligid na kailangang
ipaliwanag upang mapakinabangan. Ang matagumpay na pagsasa-gawa ng isang bagay o ang
wastong paggamit ng isang bagay ay nakasalalay sa mahusay na pagsunod sa mga panuto na
magaganap lamang kung maingat at masusing inihayag ang bawat hakbang na nakapaloob sa 
isang proseso.
SURING – BASA O REBYU – nakatutulong sa mga manonood o mambabasa upang maging
mapanuri sa pagpili ng aklat at pelikulang tatangkilikin.
EDITORYAL – isang uri ng eksposisyon na naglalayong ipayahag ang pananaw ng isang
pahayagan o ng isang manunulat kaugnay ng isang isyu: mapa-sosyal, pulitikal, ispirituwal o
cultural na may mahalagang impak sa buhay ng tao.
BALITA O ULAT – madalas na nababasa o napapakinggan sa mga radio o telebisyon na
nagbibigay ng mga tiyak at malinaw na detalye kaugnay ng isang mahalagang pangyayari na
madalas ay kagaganap lamang.
 
 
Pangangatuwiran o Pagmamatuwid

Ang pangangatwiran o pagmmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang


isangkatotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason,
kalakipang mga ebidensya sa diretsahang (harapan) at diretso (tuwid) na paglalahad

Layunin

Makapagpahayag ng matitinong kaisipan o kaalaman bilang pagpapatunay sa isangkatotohanan


sa maayos, efektibo at lohikal na pamamaraan para makapagpaniwala ng kapwasa kahalagahan
ng pinaninindigang panig ng isang isyu o proposisyon.
Ang layunin ng pangangatwiran ay mapatunayan ang validity ng ideya o ang pagiging
mapanghahawakan nito. Ito ay maglalahad ng matitibay na pangangatwiran, argumento, at
pagtatalakay na lubusang humihikayat sa mambabasa. Karagdagang layunin nito ang mapakilos ang
mga mambabasa. Ang mga halimbawa nito ay: editorial, liham sa editorial, resume, liham aplikasyon,
liham ng rekomendasyon at kritikal na pagbabasa.
Kahalagahan

1. Sa pamamagitan nito nalilikha ang paniniwala.


2. Ito ay pangkalahatan o pang-unibersal.
3. Ito’y kailngang-kailangan ng tao bilang anyo o paraan ng pakikipag-komunikasyon sa bawat
isa.

2 Paraan ng Pangangatuwiran

1.Pangangatwirang Pabuod o Inductive Method- nagsissimula sa


mga halimbawa opartikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa
pangkalahatang simulain o katotohanan.
2.Deductive Method - sinisimulan ang pangangatwiran sapamamagitan
ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanana
mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o
katotohanan.
2 Bagay na dapat isa-alang-alang upang
mapagtagumpayan ang pangangatwiran

1. Matibay na pagpapaniwala.
2. Mahatak na panghihikayat

Ang panghihikayat ay lalakas kung isasaalang-alang naman


ang koordinasyon ngtatlong mahahalagang bagay:

1. Ang Tagapagsalita
2. Ang Paksa
3. Ang Tagapakinig
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA MAGING MATAGUMPAY
ANG ARGUMENTASYON
1. Matibay na Paniniwala - Nagmula sa pagkakaroon ng isang tao ng malinaw
na pag-iisip na maipamamalas sa pamamagitan ng diskurso.
2. Mahatak na Panghikayat - Nakatuon sa damdamin ng manunulat sa kanyang
binubuong diskurso.
 
 

PANGKALAHATANG URI NG PANGANGATWIRAN

 1. Pasaklaw na Pangangatwiran 
Nagsisimula sa malaking kaisipan tungo sa tiyak na kaisipan.
2. Pabuod na Pangangatwiran
Nagsisimula sa isang maliit na halimbawa patungo sa panalahat na simulain.
 
 

You might also like