SINTAKTIK Crizsa Angela C. Gregorio Kaila Patrice G. Paglicauan ANO BA ANG SINTAKSIS?
- Tinatawag na SINTAKS ang bahaging ito ng
gramatika na may kinalaman sa sistema ng mga rul at mga kategorya na siyang batayan sa pagbubuo ng mga pangungusap.
- Sa madaling salita, ang SINTAKS ang pag-
aaral ng istruktura ng mga pangungusap. - Tumutukoy ito sa pagbubuo ng mga parirala, sugnay at pangungusap na may kabuluhan. - Malikhain ang sistematik ang sintaks ng isang gramatika.
- Tinatawag na gramatikal-rul ang
tamanhg kombinasyon ng mga salita sa pagbuo ng pangungusap. - Kung hindi ayon sa gramatikal- rul ang isang kombinasyon ng mga salita, hindi ito gramatikal.
- Bukod dito, sinasabing
gramatikal ang anumang nasasabi kapag tinatanggap ng mga neytiv- spiker na tama ito sa wika nila. HALIMBAWA :
1 . Binulsa ko ang mabangong panyo.
2. Bumulsa ko ang mabangong panyo.
3. Ibinulsa ko ang mabangong panyo.
- Malalaman ang kahulugan ng isang pangungusap sa mga salitang bumubuo nito, pero ang kahulugan ng sentens ay higit sa kabuuan ng mga kahulugan ng mga morfim na bumubuo rito. HALIMBAWA :
1. Tumira nang matagal sina Ramon sa
Amerika.
2. Sa Amerika tumira sina Ramon nang
matagal.
3. Amerika tumira sa Ramon matagal
sina nang - Ang mga string, mga pinagsunod-sunod na salita, na hindi lumalabag sa mga sintaktik-rul ng isang wika ay tinatawag na mga pangungusap o gramatikal na pangungusap ng nasabing wika. PANAGURI AT SIMUNO O PAKSA - Ang PANAGURI ang nagsasabi tungkol sa paksa.
- Ang SIMUNO ang pinapaksa ng
pangungusap. - Kapag nauna ang PANAGURI kaysa sa SIMUNO, nasa “Karaniwang Ayos” ang pangungusap.
- Kapag nauna ang SIMUNO kaysa
sa PANAGURI at ginamitan ng pangawing “AY”, nasa “Di Karaniwang Ayos’ ang pangungusap. HALIMBAWA :
Karaniwang Ayos : Naipadala ni
April ang Sulat
Panaguri : Naipadala ni April
Paksa : Ang Sulat
Di Karaniwang Ayos : Ang Sulat ay naipadala ni April