You are on page 1of 26

ARALIN 19.

2:

PAGKAKAROON NG
DISIPLINA
unang araw
Alamin namin
Pagtulong

Ang pagtulong kung nakagawian


Sa kapwa’y laging binibitiwan
Asahan mo’t may kagantihan
Ang may kapal sa kaitaasan.
Ang tulong ay may kahulugan
Sa bawat taong nilalang
May tulong na paimbabaw
Mayroong sa puso ay bukal.
Ang tulong din kung magkaminsan
Di dapat na agad bitiwan
Alamin mo muna, kaibigan
Kung siya ba’y tunay na
nangangailangan.
Ang pagtulong dapat ingatan
Kung kaninong tao ipapataw
Kung sa palagay mo’y abusado
Ang tulong mo’y ikandidato.
Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano ang isang magandang
ugali na dapat ibigay sa
kapwa?
2. Bakit kailangang tumulong sa
kapwa?
Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
3. Kailan tayo dapat tumulong
kapwa?
4. Dapat bang tumulong ng
pabigla-bigla?
Ikalawang araw
Isagawa natin
GAWAIN 1:

Isulat kung Tama o Mali ang


isinasaad ng pangungusap. Ilagay
ang sagot sa sagutang papel.
1. Tutulong ako sa lahat
ng pagkakataon.

2. Pipiliin ko ang taong


dapat tulungan.
3. Patutubuan ko ng
malaki ang halagang
aking naitulog.

4. Tutulong ako ng bukal


sa aking puso.
5. Tutulong ako kung
maraming taong
nakakakita.
6. Tutulong ako kung may
kapalit na gantimpala.
7. Magbibigay ako ng ng
walang pag-aalinlangan
GAWAIN 2:
Pangkatin ang klase sa tatlo.
Bawat pangkat ay magpapakita
ng palabas na nagpapakita ng
pagmamahal sa Diyos.
Magsagawa ng pagpaplano sa
loob ng 15 minuto at ipakita ang
palabas sa loon ng 3 minuto.
Unang Pangkat - pagtulong sa
kapwa (awit)
Pangalawang Pangkat -
mapagkalinga at matulungin
(debate)
Pangatlong Pangkat -
matulunging bata (munting iskit)
Ikatlong araw
Isapuso Natin
Gumupit ng puso sa bond paper.
 
Magbalik-tanaw ka. Isipin ang mga
taong nakasalamuha mo na iyong
nabigyan na ng tulong. Isulat ito sa isang
bahagi ng puso na iyong ginupit. Sa
kabilang bahagi naman ay isulat kung
ano ang ginawa mo upang matulungan
ang taong ito.
Ikaapat na araw
Tandaan Natin
Isabuhay natin
Ang pagtulong ay di masama
Kung sa palagay mong ito’y tama
Huwag tumulong sa tamad
Hayaang sila’y magsumikap.
Ang ating buhay ay hindi natin sarili.
Ibig ng Diyos na ihandog natin ito sa
ating kapwa sa simpleng pagtulong
at pagkalinga sa ating kapwa.
Maraming paraan ng pagtulong sa
ating kapwa. Karaniwan sa mga ito
ay ang pagtugon sa kanilang
pangangailang sa panahon ng
kahirapan. Huwag nating kaligtaan
ang mga pagkakataong kailangan
nila ng ating tulong o kalinga.
Ngunit may mga pagkakataon
naman na dapat alam natin kung
sino yung mga dapat nating
tulungan sapagkat may ilang tao na
umaabuso sa tulong na ibinibigay sa
kanila ng kanilang kapwa.
Basahin at tapusin ang mga
pangungusap. Isulat ang sagot sa
inyong sagutang papel.
Ako ay dapat tumulong sapagkat
_____________________________________
____________.
Di ako dapat maghintay ng kapalit sa
aking mga itinulong
sapagkat_____________________.
Ikalimang araw
Subukin natin
Sumulat ng isang maikling sanaysay
tungkol sa paksang “Ang pagtulong sa
kapwa ay pagmamahal sa Diyos”.

You might also like