You are on page 1of 19

TAYUTAY

ANO ANG
• TAYUTAY?
Ang TAYUTAY ay isang pahayag na ginagamitan
ng mga matalinghaga o di–karaniwang salita
upang gawing mabisa, makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.

• Nagmula sa salitang “TAYTAY” na ang ibig


sabihin ay “TULAY”
MGA URI NG
TAYUTAY
“Pagtutulad (SIMILE)”
Uri ng paghahambing ng dalawang bagay na
ginagamitan ng mga pariralang: “tulad ng”,
“kagaya ng”, “tila”, “wari”, “parang” at iba pa.
HAL.
: Parang ilog na umagos ang luha sa
kanyang mga mata.
“Pagwawangis (Metaphor)”
Isang uri ng paghahambing ng
dalawang bagay na hindi ginagamitan
ng mga salitang panulad
HA
LA
: ng iyong mga mata’y maningning
na bituin sa akin.
“Pagbibigay ng Katauhan(Personification)”

Pagbibigay ng katangian ng isang


tao sa bagay na walang buhay
HAL.:
Umiiyak ang langit sa pagpanaw ng
butihing mamamayan.
“Pagmamalabis (Hyperbole)”
Pinalalabis o pinakukulang ang tunay na
kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari na
ginagamitan ng eksaherasyon.
HAL.:
Nag – aapoy sa galit si Mang Berto sa
kanyang anak na nagtanan.
“Pagpapalit-tawag (Metonymy)”
Paggamit ng ibang katawagan na
may kaugnayan sa isang tao o bagay
na tinutukoy.
HAL.
:Ang panulat ay mas makapangyarihan
kaysa sa espada.
“Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)”
Pagpapahayag sa pamamagitan ng
pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy
sa kabuuan.
HAL.
: Libong tao ang nawalan, nang ang
gubat ay masira
“Paghihimig (Onomatopoeia)”
Paggamit ng mga salita na ang tunog
ay nagagawang maipabatid ang
kahulugan nito.
HAL.
: Isang malakas na dagundong ang
gumulat sa mag-anak.
“Tanong retorikal (Rhetorical Question)”
Pagtatanong na hindi naghihintay ng
sagot.
HAL.
: Aamin kaya ang isang criminal sa
kanya kasalanan?
“Pagtawag (Apostrophe)”
Madamdaming pagtawag sa isang
bagay o nilalang na nasa imahinasyon
lamang.
HAL.:
Mga bituin, kay sarap niyong
pagmasdan
“Aliterasyon (Alliteration)”
Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa
unahan o inisyal na bahagi ng salita.
HAL.
: Malaki ang mansion ng pamilyang
Manaloto.
“Asonans (Assonance)”
Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa
alinmang bahagi ng salita.
HAL.
: Nagbibigay-kaalaman ang mga
babasahin sa ating silid-aklatan.
“Konsonans (Consonance)”
Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa
hulihan ng salita.
HAL
.: Ang gulay ay nagbibigay-kulay sa
ating buhay.
“Pagtatambis (Oxymoron)”
Paglalahad ng mga bagay na
magkasalungat upang higit na
mabigyang-pansin ang bisa ng
pagpapahayag.
HAL
.: Gaano kadalas ang minsan.
“Paglumanay (Euphemism)”

Paggamit ng mga piling salita upang


pagandahin o pagaanin ang isang
pahayag.
HAL
.:Sumakabilang-buhay na ang ina ni Mia.
“Pag-uyam (Irony)”
Isang pangungutya sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang kapuri-puri
ngunit kabaligtaran naman ang
kahulugan.
HAL.:
Napakaganda ng iyong buhok, bagay gamiting
panglinis ng bahay.
Maraming Salamat!!!
Katrina Marie
Gonzales

You might also like