You are on page 1of 23

WELCOME

www
GRADE 1-OSTRICH
PANALAGIN
O, Diyos ko , Samahan mo po kami sa
aming pag-aaral sa araw na
ito.Liwanagan mo po ang aming mga
kaisipan ng sa gayon maunawaan
namin ang anumang aralin na aming
pag-aaralan. Upang kami ay maging
mabait, marangal at kapaki-
pakinabang. Siya nawa.
IKAAPAT NA MARKAHAN/IKATATLO-
IKAAPAT NA LINGGO

ARTS (MAPEH)
Kagamitan sa
Paglikha ng 3D na
Sining
Nasubukan mo na bang gumawa ng maskara?
Nakakita ka na ba ng mga rebulto o estatwa? Ano-ano kaya ang mga
materyales na maaari mong gamitin sa paggawa ng mga ito?

Sa araling ito, matutukoy mo ang mga kagamitan na maaari mong


gamitin sa paglikha ng mga sining na three-dimensional.
Sa paglikha ng mga sining, ang una nating dapat isaalang-alang ay
ang uri ng sining na ating gagawin. Ito ay mahalaga para malaman
kung anong midyum o kasangkapan ang kailangan mo para mabuo
ito.

Ang tatlong dimensiyonal na sining ay may kani-kaniyang disenyo at


pagkakayari. Maraming posibleng paraan para makalikha ng sining na
ito sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng kagamitan na
maaaring makita sa paligid tulad ng mga sumusunod:
Ang kagamitan sa paglikha ng 3D na sining ay hindi limitado sa
mga nabanggit na materyal. Maaari kang gumamit ng kahit anong
bagay basta’t ito ay makabubuo ng sining na may kapal o lalim.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng bilog a n g patlang kung
ang kagamitan ay maaaring gamitin para makagawa ng 3D artwork na
paso. Tatsulok naman ang ilagay kung hindi.
3D Artwork: Paso
______1. plastic bottles
______2. semento
______3. lata
______4. kawayan
______5. pantasa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Kilalanin ang kagamitan na ginamit sa paglikha ng
mga sumusunod na likhang sining. Piliin ang letra ng tamang sagot sa kahon.
Kaarawan ng iyong nanay sa darating na Linggo. Nais mo siyang regaluhan ng plorera na
pangdisenyo sa lamesa ng inyong bahay. Alin sa mga larawan ang maaari mong gamitin
sa paggawa ng plorera

Ang mga kagamitan sa paglikha ng 3D na sining ay matatagpuan lang sa ating paligid. Ang
tanging limitasyon lang ay ang iyong imahinasyon.
Bukod sa midyum na gagamitin, mahalaga ring isaalang-alang ang hugis at balanse ng mga
sining upang maigayak ito nang nakatayo tulad ng plorera, paso, at lalagyan ng lapis.
Mahalagang matiyak na tama ang hugis at proporsyon nito upang masigurong ito ay ating
magagamit.
IKAAPAT NA MARKAHAN/IKATLONG
LINGGO

FILIPINO 1
Aralin: Pagsulat nang may
Wastong Baybay, Bantas at
Gamit ng Malaki at Maliit na
Letra
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang;
 makatutukoy ng gamit ng maliit at malaking letra makagagamit
ng iba’t ibang bantas;
 makasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki
at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o
reaksyon sa isang paksa o isyu sa pangungusap;
 at makasusulat nang may wastong baybay at bantas ang salita at
pangungusap na ididikta ng guro.
Mahalagang tandaan na sa pagsulat ng pangungusap, ang simula
nito ay dapat isinusulat sa malaking letra.

Mabait na bata si Maria.

Ang salitang Mabait ang simula ng pangungusap. Ito ay nagsisimula sa malaking


letra.

Bukod sa simula ng pangungusap, ang mga tanging ngalan ng tao, hayop,


lugar,bagay, pangyayari, ngalan ng araw at buwan ay ginagamitan din ng
malaking letra.
Halimbawa:
Si Gng. Ramos ang aking guro.
Mongol ang lapis ko.
Nakatira siya sa Quezon.
Magsisimba kami sa Linggo.
Masaya ako tuwing Pasko.

Ang mga salitang Gng. Ramos, Mongol, Quezon, Linggo at Pasko ay mga tanging
ngalan kaya nagsisimula ang mga ito sa malaking letra ito man ay nasa unahan, nasa
gitna o nasa hulihan ng pangungusap
Nilalagyan din ng wastong bantas sa hulihan ng pangungusap tulad ng tuldok,
kung ito ay nagsasalaysay o nag-uutos; tandang pananong, kung ito ay
nagtatanong, at tandang padamdam, kung ito ay nagsasaad ng matinding
damdamin.

Kinakailangan din na wasto ang baybay ng mga salita sa bawat


pangungusap upang mas maging malinaw ang mensaheng nais ipahatid
nito.
Halimbawa:
Ako ay anim na taong gulang na.
Buksan mo ang pinto.
Saan ka nakatira?
Wow! Ang laki ng bahay
Tandaan

Sa pagsulat ng pangungusap,
kinakailangan ay wasto ang baybay ng
bawat salita, may wastong bantas sa
hulihan at wasto ang gamit ng malaki at
maliit na letra

You might also like